05

60 4 2
                                        

Kahapon, pagdating sa bahay ay sabi ko kay mama magpapagupit ako ng buhok, pumayag naman sya. Pinagupitan ko ang buhok ko hanggang kalahati ng batok ko. Nag-palagay din ako ng kaunting bangs, katulad ba nung sa mga koreana.

Ngayon, papunta na ako sa eskwelahan. 10:30 magsisimula ang program. Magse-seven pa lang naman. Kailangan maaga ako para makatulong ako at makapag-practice.

Nakasuot ako ng ripped jeans at t-shirt na may tatak na 'GENERAL ACADEMIC'. Suot ko naman ang sneakers na binili sa akin ni papa. Suot ko rin ang salamin at mask.

Dumiretso muna ako sa room namin. Nakita kong abala rin ang mga kaklase ko. Malapit na kasi yung INTRAMS.

"Green." Nakita nya ako kaagad at niyakap. Hinipo nya ang buhok kong bagong gupit.

"Mas bagay sayo yan. Ang ganda mo ngayon, mare. Iba talaga ang alindog ng isang, San Branwen." Binatukan ko nga sya. Gusto kong magpaganda para sa sarili ko, hindi para sa ibang tao.

"Walang kinalaman si, San dito. Manonood ba kayo mamaya?" Ibinaba ko ang mask ko at pumasok sa loob. Napatingin naman sa akin ang mga kaklase ko.

"Oo. Pumayag si, Sir na manood kami. Excited na akong makita si, San!" Seryoso? Ako yung nandito pero iba yung hinahanap. Pupunta lang ata sya doon para makita si, San.

"Vinci!" It was Claire, our president. Lumapit sya sa amin.

"Ang ganda natin ah!" I awkwardly smile. Hindi naman kasi kami close.

"Salamat." Biglang tumunog ang cellphone ko. May nag-text.

"Where are you?" Si San. Ang aga naman nya. Sigurado ako tinext nya na din si, Mae.

"Sino yan?" Tinusok pa ni, Green ang tagiliran ko. Ang babaeng ito, shuta.

"Wala. Una na ako. Hinahanap na ako doon." Mukhang hindi naman sya kumbinsido kaya kinuha nya ang cellphone ko.

"Green, ano ba?!" Binasa nya ang text. Iba na naman ang iisipin ng babaeng 'to.

"Ayieee!! Mare, shuta! Si, San-" Tinakpan ko ang bunganga nya, nakukuha na rin kasi nya ang atensyon ng mga kaklase ko.

"Shuta ka, Green. Yung bunganga mo walang preno." Inalis ko na ang kamay ko sa bibig nya at kinuha ang cellphone ko.

"Sorry na. Na-excite lang." Tumawa lang sya. Tumunog muli ang cellphone ko.

"Sige na. Bye na." Umalis na ako. Binasa ko ang text na natanggap ko.

"Ikaw na lang ang kulang dito, mars. Pa-VIP?" It was, Mae. Malapit na lang naman ang lalakarin ko. Inayos ko ang sarili ko at pumasok na sa loob. Maraming tao. Nakita ko agad sila Mae at San, malapit sa stage.

"Vinci?!" Tumakbo si Mae papunta sa akin. Ang ganda nya.

"Ang ganda mo!" Parang may kakaiba ata sa mga tao ngayon?

"Ikaw din." Pinalo nya ang braso ko. Tumingin ako sa pwesto ni San, busy sya sa phone.

"Tinext ka ba ni, San?" Kumunot ang noo nya. Nagsimula na kaming lumakad papunta sa pwesto namin.

"Hindi. Naabutan ko lang sya dito. Bakit? Tinext ka nya?" Lumapad ang pagkakangiti nya. Umupo sya sa tabi ni, San pero nang uupo ako sa tabi nya ay dumasog sya.

Kaya ang lagay, ako ang papa-gitna.

"Dyan ka na maupo." Hangga't maaari ayokong masira ang araw ko dahil lang sa dalawang babae. Kalma lang, Vinci.

"Usog ka ng unti don." Pinadadasog ko ng kaunti si, Mae dahil maliit na espasyo lang ang uupuan ko.

"May uupo dito, kasya ka naman dyan. Maupo ka na." Shuta talaga. Wala na akong nagawa. Umupo na ako. Naramdaman kong nagkadikit ang braso namin ni, San. Naramdaman ko na naman ang kuryente.

Rainfall Amidst The HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon