Tapos na akong mag-review, nandito ako sa hardin nila. Si, San ay nasa loob pa, sabi nya sa akin ay lalabas daw sya kapag tapos na sya.
Pinatugtog ko ang cellphone ko. Try ko lang sayawin yung kanta na, Beautiful by Bazzi. Wala lang akong magawa. Nag-isip ako ng step. Nang magsimula ang kanta ay nagsimula na rin ako.
"Hey Beautiful, beautiful, beautiful, beautiful angel
Love your imperfections, every angle
Tomorrow comes and goes before you know
So I just had to let you know... " Sabay ko sa kanta. Gosh, this song is a masterpiece."The way that Gucci look on you amazing
But nothing can compare to when you're naked
Now a backwood and some Henny got you faded
Saying you the one for me, I need to face it... " Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni San. Tumigil ako sa pagsasayaw at pinatay ang tugtog."The way that Gucci look on you amazing
But nothing can compare to when you're naked
Now a backwood and some Henny got you faded
Saying you the one for me, I need to face it... " Pag-uulit nya sa kanta habang titig na titig sa mga mata ko."Tapos ka na?" I said and averted his sharp gaze. Feeling ko namumula ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko, shuta.
"You're good in dancing. I like the song you've chose." Lumapit sya sa akin. Bahagya akong napaatras. Shems, iba pa rin ang dating sa akin ng lalaking ito.
"Can you dance that again?" Should I? Naupo sya sa tapat ko. Panonoorin nya akong magsayaw?
"Panonoorin mo ako?" He just raised his eyebrow. Sinimulan nyang patugtugin ang kanta.
"Hey Beautiful, beautiful, beautiful, beautiful angel
Love your imperfections, every angle
Tomorrow comes and goes before you know
So I just had to let you know... " Required bang pati sya kakanta? Para na nga akong nalulunod dito sa titig nya.Pinagpatuloy ko ang pagsasayaw ko kahit na alam kong hindi ko na kaya. Tuwing malalatag ang tingin ko kay, San ay iniiwas ko agad ang tingin ko. He was deeply looking at me. Like, he was looking at my soul.
"The way that Gucci look on you amazing
But nothing can compare to when you're naked
Now a backwood and some Henny got you faded
Saying you the one for me, I need to face it... " Hindi ko na kaya. Pinag-ekis ko ang mga kamay ko. Shuta, nahihiya na talaga ako.
Lalo na't sinasabayan nya pa yung kanta."Why did you stop?" He asked using his deep voice. Kanina pa ako nagsa-suffer dito. Naupo ako sa tapat nya.
"You're deeply looking at me, paano akong makakapag-sayaw ng matino?" Naglabas sya ng tuwalya at pinunasan ang pawis ko.
"Is there something wrong if I look at you in that way? Nahihiya ka pa ba sa tuwing titigan kita? O baka naman kinikilig ka?" Hinampas ko sya.
"Syempre, parehas. Nahihiya ako kasi para namang may mali sa ginagawa ko. Kinikilig ako kasi-" Hinalikan nya ang tungkil ng ilong ko.
"From now on, get use to it. I like looking at your eyes. It's like, there's a million of stars hanging there." He cupped my face and kissed me on the cheek.
"Let's eat lunch together. I'm hungry." Tanghali na pala. Parehas kaming tumayo, hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob.
"Ako na ang magluluto. Maupo ka na lang dyan." Naghanap ako ng apron at itinali ang buhok ko. Nagsaing ako ng sapat lang para sa aming dalawa.
"Do you need some help?" Ang lulutuin ko ay ginisang ampalaya at bicol express. Favorite ko ang dalawang 'to. Mabuti na lang at marami silang stock.
"Huwag na, ayos-" Lumapit sya sa akin at kinuha ang kutsilyo sa kamay ko.
"It's okay. I insist." Sinimulan nyang hiwain ang ampalaya. Naghanap ako ng apron at isinuot yon sa kanya.
Nang matapos nyang hiwain lahat ng hihiwain ay nagsimula na akong magluto. Lalo lang akong nagugutom sa amoy ng ginigisa.
"Love, paki-tingnan nga yung sinaing." Sabi ko. He sweetly smiled at me. His eyes also smile.
"Okay love." I giggled. I never thought that calling you love is the sweetest thing.
Nang matapos akong magluto ay inihain ko na agad sa lamesa para hindi lumamig.
"Let's go for a walk after this. Do you want to play arcade games?" Nagni-ningning ang mga mata ko.
"Yes please." Ipinagsandok nya ako ng pagkain. Napaso pa nga ako dahil mainit ang kanin. Ang takaw kasi, shuta.
Natapos kaming kumain, nag-reprisinta syang sya na daw ang maghuhugas ng pinggan. Ako naman ay pinanood lang sya.
"Have you think of falling in love with someone like me?" Bigla kong tanong. Na-curious lang kasi ako. Karamihan sa mga lalaki kasi ay mas gusto yung sexy at maganda.
"You're not actually my type but you got my heart." Iba talagang magpakilig ang lalaking ito.
"Looks, shapes, or so whatever, is not important to me. I like girls with warm heart, with beautiful smile and a girl who understand me and care for me." Humarap sya sa akin at ngumiti.
"Love doesn't require looks and shapes, as long as you love someone you know the true meaning of happiness." Inalis nya ang apron nya at hinapit ang beywang ko.
"You are my happiness and when I'm with you, I am better version of myself. Vinci Madeleine Avis, I love you and to beyond eternity." Hinawakan nya ang leeg ko at masuyong hinalikan sa mga labi.
Hindi ko alam kung bakit naiyak ako sa mga sinabi nya. Pagkatapos nya akong halikan ay pinunasan nya ang luha ko.
"Why are you crying? Did I say something wrong?" Nag-aalala nyang tanong. Ngumiti ako sa kanya at umiling.
"You are also my happiness. I learned to accept my flaws and love myself because of you. Mr. San Branwen, thank you for everything. I love you so much. " I hugged him.
You can always be the better version of yourself just learn how to accept your own flaws and love yourself. Trust yourself and be confident. You are always beautiful no matter what you look. You are always beautiful because you're a work of masterpiece.
BINABASA MO ANG
Rainfall Amidst The Horizon
Novela JuvenilCompleted. Fat and ugly that's me, Vinci. Vinci Madeleine Avis a grade 11 student, HUMSS strand. 17 years old, future Police Detective. I want to achieve my goals first before I enter world of love. In short, study first bago harot. It's suddenly c...