𝑺𝒂𝒏
Destiny never failed to give me a treasure. I don't know how it started. I just realized that, I've fallen in love with her. She's too precious, that's why I love her.
Inihatid ko na sya sa kanila. Habang nasa byahe kami ay narinig ko syang naghikab.
"Inaantok ka na?" Sa tingin ko ay malayo pa ang byahe namin. Hinawakan ko ang kaliwang kamay nya at bahagyang pinisil yon.
"Sleep now." Nakita kong muli syang naghikab at ipinikit na ang mga mata.
Hindi ko alam na magmamahal ako ng ganito. Buong buhay ko, hindi ko naranasang sumaya, kahit na ang daming magagandang nangyayari sa paligid. Pero nang dumating sya sa buhay ko, na-realize kong, mahalaga bawat minuto ng buhay.
Nandito na kami sa tapat ng bahay nila. Inalis ko ang seatbelt ko at ang seatbelt nya. Tinitigan ko ang mahimbing na natutulog na, Vinci.
"You look like an angel." I kissed her nose tip. Nagising naman sya sa ginawa ko.
"Oh my!" Nagulat pa sya. Ngumiti lang ako. Cute.
"Bakit mo ko tinititigan?" Tanong nya. Hindi ako sumagot. Hinawakan ko ang beywang nya at mas lalong lumapit sa kanya.
"I love you." I said while staring at her. Pinalupot nya ang mga braso nya sa batok ko.
"Why are you smirking? Do you like this?" She said seductively. Pinigilan ko ang sarili kong huwag syang halikan. Damn, bakit nya ginagawa sa akin ito?
"Vinci, stop this-" Ninakawan nya ako ng halik. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ganito ba ang mararamdaman nya kapag hinahalikan ko sya?
"I love you too." Sabi nya. Ako naman ang humalik sa kanya. Smack lang yon. Ang hirap pala pigilan.
"Nandito na tayo." Nauna akong bumaba para pagbuksan sya ng pinto. Pagkababa nya ay hinila ko agad sya para yakapin.
"Nami-miss na agad kita. I'll call you later when I get home. Get inside and get some sleep." Ayaw ko pa sana syang pakawalan pero kailangan nya ng magpahinga.
"Sigurado ka ba? Parang ayaw mo nga ako pakawalan. Ang higpit ng yakap mo." Kumalas na ako sa yakap at hinalikan sya sa noo.
"Ahh... I don't want to end this but you're tired now." Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko.
"May bukas pa naman. Hindi ako mawawala sa tabi mo. Kailangan mo na ring magpahinga, namamaga na yung mata mo." May bahid ng pag-aalala nyang sabi.
"I love you. I love you 3000." She giggled. Napangiti naman ako.
"I love you 3001." She said while sweetly smiling at me. Ganito pala ang pakiramdam kapag kasama mo yung taong mahal mo. Para kang nasa ulap.
"I love you 3002." I said softly. Inaantok na rin ako. She kissed me quickly.
"You win. Go home and get some sleep." Bahagya nya na akong tinulak. Marahan naman akong natawa.
"Sleep. Dream of me." Sabi ko. Pinalo nya ako sa braso.
"Umuwi ka na. Papasok na ako sa loob. Goodnight, have a sweet dream." Pumasok na sya sa loob.
𝑽𝒊𝒏𝒄𝒊
Hindi pa rin ako makapaniwala. Kinurot ko ang sarili ko at naramdaman kong masakit. Shuta, totoo nga!
"Shuta!!" Pabulong kong sigaw. Kinikilig ako. Shems! Emegesh!
Pumasok na ako sa loob. Ang sayo ko, grabe ka talaga San. Nakapatay na ang ilaw sa sala. Tulog na siguro sila mama. Cellphone ko na lang ang ginamit kong pang-ilaw, umakyat na ako sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Rainfall Amidst The Horizon
Teen FictionCompleted. Fat and ugly that's me, Vinci. Vinci Madeleine Avis a grade 11 student, HUMSS strand. 17 years old, future Police Detective. I want to achieve my goals first before I enter world of love. In short, study first bago harot. It's suddenly c...
