25

20 1 0
                                    


Nang makarating ako sa eskwelahan ay natanaw ko agad na nagkakagulo sa, COVERED COURT. Tinext ko si, Green at San na nandito na ako sa eskwelahan.

"Hey." Bulong sa akin ni, San mula sa likuran ko. Hinarap ko sya at niyakap. Nakasuot sya ng black shirt at jogging pants. May mask din sya.

"Did you miss me that much?" Naiinis akong humiwalay sa yakap. Abugh!

"Ayaw mo ba? Sige, bahala ka na dyan." Tumalikod na ako at akmang aalis na nang hilahin nya muli ako para yakapin.

"I love hugging you like this. You're so comfy." Maraming mga taong nakatingin sa amin. Pake ko sa kanila.

"Arte mo. Kinikilig ka lang eh." Humiwalay ako sa yakap at kinurot ng marahan ang pisngi nya.

"Fine. Let's go." Anong let's go? Magkaiba kaya kami ng room. Ano bang sinasabi nya?

"Magkaiba tayo ng room." Sabi ko. Hinawakan nya ang kamay ko at kinindatan ako.

"Walang klase lahat ng estudyante ngayon. Doon muna ako sa inyo." Lumakad na kami. Wala akong pakielam sa mga matang nakatingin sa amin.

"Baka pagkaguluhan ka ng mga kaklase ko. Hay! Ang hirap magkaroon ng boyfriend na gwapo." Kinurot nya ang pisngi ko.

Pagkarating namin sa room ay busy ang lahat. Natanaw ko si, Green na nakaayos na. Nakasuot sya ng short na hanggang kalahati ng hita at t-shirt na may tatak. Katabi nya si, Cayn.

Natanaw nya kami ni, San. Tumayo silang dalawa ni, Cayn at pumunta sa amin.

"Ganda naman!" Sabi ko. Binaba ko ang mask ko at hinalikan sya sa pisngi. Nagkamayan naman sila, San at Cayn.

"Bro, sa room ka ba? Dito ako, sasamahan ko ang girlfriend ko." Hinawakan nya ang kamay ni, Green. Kinilig pa nga ang gaga.

"No. Dito lang din ako." Nag-apir pa nga sila. Napailing na lang kaming dalawa ni, Green.

"Groupie tayo. Dali!" Nilabas ni, Green ang cellphone nya. Umayos kami para makag-groupie.

"1! 2! 3! Smile!" I poked my cheeks and winked at the camera. Si, San naman ay naka V sign lang. Sila, Green at Cayn ay nakangiti lang sa camera.

"Okay." Tara na sa loob. Pumasok na kami sa loob. Kita ko pa ang panlalaki ng mga mata ng kaklase ko. Natanaw ko si, RJ na may kausap sa cellphone. Pumapag-ibig ang isang 'to.

"Pota! Si, San ba yon?! Taena, ang gwapo!" Grabe naman magbulungan. Rinig na rinig ko ah!

"Oo nga, ang gwapo! Ang gwapo rin sana nung boyfriend ni, Green kaso taken na. Sayang." Napatingin kami ni, Green doon sa nagbubulungan. Masyado naman, sana sinigaw nyo na.

"Teh, medyo lakasan mo pa. Hindi ko pa masyadong marinig. Sigaw mo, teh. Dali, hindi ko pa masyadong naririnig na nanghihinayang kayo kay, Cayn kasi ako na ang girlfriend." Gusto kong matawa sa sitwasyon namin. Baka batukan lang ako ni, Green.

"Ay, pasensya na. Rain, tara na. bumalik na tayo sa upuan natin." Nakita ko pang umirap si, Rain. Nanggi-gigil ako.

"Psst! May nakalimutan ka!" Sigaw ko sa dalawa. Naramdaman kong nagpipigil lang ng tawa ang dalawang lalaki sa likod.

"Ang alin?" Tanong nito. I just smirked and winked at her. Nagulat pa sya sa ginawa ko.

"Nakalimutan nyong dalawa na taken na rin si, San." Hindi na sila kumibo. Pinabalik na sila ni, Green sa pwesto nila.

"We love girls that are possessive. Diba, bro?" Sinamaan ni, Green ng tingin si, Cayn. Tumingin ako kay, San at pinag-taasan sya ng kilay.

"Umupo ka nga roon. Maharot ka." Siniko ni, Green sa tagiliran si, Cayn. Natawa na lang ako.

Naupo kami sa tabi ng dalawa. Hinawakan ni, San ang kamay ko at pinaglaruan. Wala ba syang magawa?

"Guys! Pinapapunta na tayo sa, COVERED COURT ni, Sir! Green, mag-ayos ka na raw! Malapit na yung parade!" Sigaw ng president namin. Tumayo na kaming apat.

"Mars, kabugin mo silang lahat, okay? Galingan mo." Niyakap ko sya. Si, Cayn naman ay hinalikan sya sa noo. Ang sweet naman.

"Ehem! Nandito pa kami. Wala po sanang live bastusan dito oh." Sabi ko. Tumawa lang ang dalawa. Sabay kaming apat na pumunta sa, COVERED COURT. Hawak ni, San ang kamay ko.

Rainfall Amidst The HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon