Lunes na naman bukas. Ang bilis talaga ng araw. Ginayak ko na ang mga gamit ko para bukas. Bumaba na ako para kumain ng hapunan.
"Anak, pumapayat ka ata?" Ako? Sinilip ko ang sarili ko sa salamin. Medyo lumilitaw na ang collarbone ko. 78 kilos kasi ako dati, ewan ko nga lang ngayon. Siguro 76 na lang, sa tantya ko.
Hindi na kasi ako nakakain sa oras, idagdag mo pa ang pagka-stress ko sa pagre-review at pagsagot ng homework.
"Si mama talaga." Naabutan ko ang kapatid ko na nagsasagot. Lumapit ako sa kanya.
"Vinci, patulong naman." Sanay na akong hindi nya ako tinatawag na ate, isang taon lang naman ang agwat namin.
"Sige, saan ba?" Umupo ako sa tabi nya. Matapos ang kalahating oras ay natapos din kami.
"Kumain muna kayo." Tumayo na ako. Masarap ang ulam namin. Isang tasa lang naman ng kanin ang kinakain ko, mas marami kasi ako sa ulam.
Pagkayari kong kumain ay lumabas muna ako para maglakad-lakad, pampababa ng kinain.
The night sky will never fail to amaze me. It is somehow looks like a compass. When you connect the stars. And your loyal comrade, the moon.
"Hey, Vinci." It was apple. Ang maharot na anak ni, Aling Ysa. Gabing-gabi na pero kita mo pa rin ang makapal na make-up nya sa mukha. Hindi naman sa nanglalait dahil alam ko namang kalait-lait din ang itsura ko pero yun ang totoo.
"What?" Lumabas sya mula sa tindahan nila. Biglang nagtinginan sa kanya ang mga umiinom. Paano ba naman kasi medyo revealing ang suot nya.
"Ang ganda talaga ng katawan ng anak mo, Ysa!" Sigaw ng manginginom na nasa tapat lang ng tindahan nila. Kahit medyo bwisit ako sa babaeng ito, hindi ko naman sya pwedeng pabayaang bastusin lang ng iba.
"Hoy, manong! Lasing na ho kayo! Umuwi na ho kayo!" Nakita ko ang takot sa mata ni, Apple nang hawakan ng manginginom na yon ang braso nya at himasin.
"Ano ba, manong?! Nakakabastos na ho kayo ah! Apple, pumasok ka na sa loob." Inalis ko ang pagkakahawak nya sa kamay ni, Apple.
"Ba't ka ba nakiki-alam? Tumabi ka nga!" Tinulak nya ako. Bahagya akong napaaray dahil alam kong gumasgas ang siko ko sa daan na semento.
"Apple! Pumasok ka na sabi sa loob! Ako na ang bahala dito!" Hindi nya ako sinunod. Lumapit sya sa akin at inalalayan akong tumayo. Lumapit sya doon sa tumulak sa akin at sinampal.
Nanlaki ang mata ko at nagulat sa ginawa nya.
"Umuwi na kayo! Katatanda nyo na, wala pa kayong pinag-aralan! Mga bastos! Tatawag ako ng baranggay kapag hindi pa kayo umalis!" Mabilis naman silang naglaho.
"Ayos ka lang ba?" Hinawakan nya ang braso ko. Nakita kong dumudugo yon. Ayos lang naman maliit lang naman yon at tsaka gasgas lang.
"Ayos lang ako. Sa susunod sabihin mo sa mama mo huwag na magpainom sa tindahan nyo, lalo na kung ikaw ang bantay sa tindahan." Kahit naman bwisit sya sa akin at bwisit ako sa kanya, hindi ko naman sya matiis.
"Salamat, Vinci." Pumasok sya sa loob at kumuha ng bulak na may alcohol.
"Eto oh," kinuha ko yon at idinampi sa sugat. Napakagat labi ako nang maramdaman ang hapdi.
"Salamat, Apple. Uuwi na ako, baka hinahanap na ako sa amin." Umalis na ako.
Pagkarating ko sa bahay ay natulog na ako. Maaga pa ako bukas.
BINABASA MO ANG
Rainfall Amidst The Horizon
Teen FictionCompleted. Fat and ugly that's me, Vinci. Vinci Madeleine Avis a grade 11 student, HUMSS strand. 17 years old, future Police Detective. I want to achieve my goals first before I enter world of love. In short, study first bago harot. It's suddenly c...
