Friday na ngayon. Every friday, half day lang kami, naks! Anyways, papunta na ako sa covered court. Candidate kasi ang kaibigan kong maharot sa INTRAMS.
Nakasuot ako ng plain white shirt at jogging pants. Suot ko ang salamin ko. Habang naglalakad ay may humila sa bag ko. Who the hell is that?
"Saan ka pupunta, taba?" Napairap ako nang marinig ko ang boses ni, Ms. Madrid. Hanggang ngayon ba ay hindi pa tapos ang issue nito sa akin?
"Sa pupuntahan. Bakit? Sama ka?" I crossed my arms. She raised her left eyebrow. The audacity.
"Alam mo, naiirita ako kapag nakikita kita. Gigil na gigil ako sayo, lalo na dyan sa mukha mo." I gave her my cold stares. Who cares?
"Mang-gigil ka hangga't gusto mo, wala akong pakialam. Kung alam mo din, nakakairita ang itsura mo." Hindi ako magpapatalo sa isang gaya nya. So cheap. Sasampalin nya sana ako pero hinuli ko ang kamay nya.
"Slap me and I swear you will pay for it. Pinagmumukha mo lang tanga ang sarili mo." Binawi nya ang kamay nya at dinuro ako. Aba! Shuta pala sya eh!
"Just wait for my revenge, Vinci. San is mine, only mine." Tumalikod na sya sa akin. Bago pa sya tuluyang makaalis sumigaw ako.
"Walang umaagaw sayo! Isaksak mo sa balun-balunan mo, Gaga!" Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Akala mo naman nasindak nya ako sa kagagahan nya.
"Hi, mars!" Kita ko kaagad si, Green. Ang ganda nya! Nakasuot sya ng crop top at ripped jeans. Light lang ang makeup nya. So pretty.
"Hi, mare. Alam mo may chika ako sa-" Biglang may lumapit kay, Green na lalaki at humalik sa pisngi nya. Ano wala ako dito? Ang laki ko para hindi ako makita. Mga bastos.
"Mare, si Cayn, boyfriend ko." Boyfriend? Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ko alam na nag-jowa ang kaibigan ko?
"Pards, hiramin ko lang sya saglit ah." Hinila ko si, Green sa may gilid at kinausap.
"Ano 'to? Sumali ka lang sa INTRAMS nagka-jowa ka na? Isang araw ka pa lang dito ah. Sabihin mo nga, saan mo nakilala ang lalaking yon?" Sunod-sunod kong tanong Binatukan nya ako.
"Gaga! Nakilala ko lang sya doon sa Umali Gym, noong performance nyo. Three days pa lang kami." Three days? Jowa na agad? Wala man lang ligawan na naganap? Hanep na yan!
"Kaya swerte mo, nabawasan ng isa ang kaagaw mo kay, San." Sya naman ang binatukan ko. Gaga talaga.
"Anyways, sige na. Magpapa-practice pa kami. Manood ka ha." Hinalikan nya ako sa pisngi at umalis na.
So anong nangyayari? Baka sumunod na si, Mae. Pocha.
Dumadami ang mga tao dito sa covered court. Nagpaalam na ako kay, Green. May gagawin pa ako. Bumalik ako sa room namin. Walang masyadong tao.
"Vinci." Lumingon ako sa likod. Si, RJ. Ano kaya kailangan nito? Lumapit sya sa akin at naupo sa tabi ko.
"Paturo naman ako dito." He smiled sweetly at me. Hindi ko yon pinansin at kinuha ang dala nyang papel.
"Madali lang 'to. Basahin mo lang yung direction." Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at nag-cell phone.
"Vinci." Tawag nya sa akin muli. Ang kulit naman ng lalaking ito. Humarap ako sa kanya at tinaasan ng kilay.
"Bakit?" Masungit kong tanong. May kinuha sya sa may desk nya at bumalik ulit sa tabi ko.
"Para sayo." Inabutan nya ako ng dalawang pack ng chocolates at ang favorite kong mobster popcorn.
"Ano yan? Okay lang ako. Sayo na yan. Libre lang ang pagtuturo ko-" He held my left hand. Bigla akong nailang. Ano bang ginagawa nya?
"RJ, let go of my hand, please." Binitiwan nya naman yon. Tumayo na ako sa inuupuan ko dahil hindi ko nagugustuhan ang dating sa akin ng mga nangyayari.
"I like you, Vinci." I like you, Vinci. Umulit ang mga salitang yon sa isip ko. What the hell is he talking about?
"RJ... Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo, itigil mo na yan at kung ano man ang balak mo. Hindi ako ang babaeng nararapat sayo. Pasensya na, kaklase lang ang tingin ko sayo." Lumabas na ako ng room.
Nakakaloka naman. Bakit parang nakakagulat ang mga nangyayari ngayon? Anyways, ayaw ko lang talaga na umasa sa akin si, RJ. Tsaka isa pa, pag-aaral ang inaatupag ko hindi kaharutan.
Hindi kagandahan ang kumare nyo at mataba, kaya hindi ko alam kung paanong may nagkakagusto sa akin. Naloloka ako, letche.
BINABASA MO ANG
Rainfall Amidst The Horizon
JugendliteraturCompleted. Fat and ugly that's me, Vinci. Vinci Madeleine Avis a grade 11 student, HUMSS strand. 17 years old, future Police Detective. I want to achieve my goals first before I enter world of love. In short, study first bago harot. It's suddenly c...
