Nakahiga na ako ngayon sa kama ko. Tapos na akong gumawa ng banner para kay, Green. Hindi pa ako makatulog.
"Vinci, si, Ate Vini mo 'to." Bumangon ako at pinagbuksan sya ng pinto. May dala syang gatas at sandwich.
"Di ka makatulog?" Umupo kami sa kama ko. Binigay nya sa akin ang gatas at sandwich.
"Hindi pa ako inaantok." Sabi ko at lumagok ng gatas. Sabi nila pam-patulog daw ang gatas. Sana naman makatulog na ako.
"I'm happy for you. Sana nga lang ay hindi maging hadlang ang pag-iibigan nyo na yan sa pag-aaral nyo. Bata pa naman kayo. Makakapag-hintay ang pag-ibig pero ang pangarap hindi. Sana naiintindihan mo si, Ate." Mahaba nyang pahayag.
Naiintindihan ko naman na maaaring maging hadlang ang kung ano mang namamagitan sa aming dalawa ni, San. At alam ko rin na mga bata pa kami at kailangan pa naming kumayod para sa kinabukasan namin.
"Hindi ako tutol sa relasyon nyong dalawa, alam mo yan. Ang sa akin lang, kapag oras ng pag-aaral, oras ng pag-aaral, kapag oras ng harutan, oras ng harutan." Grabe naman sa harutan.
"Grabe naman sa word na harutan, Ate. Huwag kang mag-alala, Ate. Hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko." Niyakap nya ako at hinaplos ang buhok ko.
"Sure na ba talaga? Wala talaga syang kuya?" Kumalas ako sa yakap at tiningnan ng masama si, Ate. Ang kulit ah!
"Ate naman!" Tumawa kami parehas. Masaya rin akong suporta sa amin ang pamilya ko.
"Biro lang. Ang ganda talaga ng kapatid ko." Inayos nya ang bangs ko at niyakap muli ako.
"Mana-mana lang. HAHAHAHAHAHA!" Pero seryoso, alam ko sa sarili ko na hindi ako kagandahan pero kapag tiwala ka sa sarili mo na ang ganda mo, proven and tested, maganda ka pa sa maganda.
All stars are beautiful. They all shines in their own way. So never call yourself ugly, you don't know how much beautiful you are.
Nag-kwentuhan pa kami ng kaunti. Nang makalabas si, Ate ay dinapuan na ako ng antok. Maaga pa ako bukas. Kailangan ko ng magpahinga.
Nagising ako nang marinig ang cellphone kong tumutunog. Sino ba 'to ang aga? Nakapikit pa akong kinuha ang cellphone ko.
"Hello? Who the hell is this?" Naiinis kong tanong. Inaantok pa ako eh.
"I'm sorry, baby. Naistorbo ko ba ang pagtulog mo?" Bigla akong nagmulat ng mata. Si, San pala ang tumatawag.
"I'm sorry. Pasensya na... Oh gosh." Napasapo ako sa noo ko. Bakit ba kasi hindi ko tiningnan kung sino yung tumatawag?
"It's okay. I'm sorry for disturbing you. Did you sleep well?" Bumangon na ako. Dumiretso ako sa banyo at ginayak ang pampaligo ko. By the way, bakit ganon yung boses nya? Bedroom voice, shuta. Bagong gising din siguro 'to.
"Maayos naman. Maliligo na muna ako." Sabi ko. Hinintay ko syang magsalita pero wala akong narinig. Tiningnan ko ang cellphone ko, ongoing pa rin naman ang tawag.
"San, nandyan ka pa ba?" Naiinis kong tanong. Shuta na 'to, baka mamaya minamanyak na nya pala ako sa isip nya. Shuta.
"I'm here. I'm sorry, my mind doesn't cooperate." I can see him smirking. Sabi ko na, shuta.
"Bastos ka! Ahhh!!" Sigaw ko. Napatakip tuloy ako sa katawan ko, kahit nakadamit pa ako.
"Mali ka ng iniisip. Naisip ko lang ang naiinis mong mukha. Ano ba sa akala mo?" Nahiya naman akong bigla. Sorry na. Kasi eh!
"Sorry naman. Akala ko kasi-" Hindi nya ako pinatapos ng pagsasalita. Tumawa pa sya.
"You're thinking that I'm imagining you being naked? No, I will never do that not until we're married." Shuta. Ewan ko, pero kinikilig ako.
"I'm going to end this call. I love you 3000." He said in deep voice and ended the call. Kinikilig talaga ako, shuta.
Naligo na ako at nagbihis. Pwede kaming magsuot ng jogging pants ngayon at ng t-shirt na iba ang kulay, total naman ay may sport fest na magaganap.
Suot ko ang paborito kong t-shirt na kulay peach. Suot ko rin ang salamin ko. Bago ako bumaba ay kumuha ako ng disposable mask sa drawer ko. Inayos ko rin ang buhok ko.
"Vinci, kumain ka muna." Sabi sa akin ni papa. Kaming dalawa pa lang ni, Vincent ang nandito sa hapag-kainan. Tulog pa siguro sila mama at, Ate.
"Ihahatid ko kayo, bilisan nyo." Tumayo na si papa at naiwan na lang kami dito ng kapatid ko.
"Ate, congratulations sa inyo ng boyfriend mo." Nanlaki ang mata ko. Tinawag akong Ate ng kapatid ko? Hindi ko lang alam pero parang naiiyak ako. Ang sarap para sa pakiramdam kapag tinatawag kang Ate.
"Did I heard it right? Tinawag mo akong, Ate? Vincent?" Tinaasan nya ako ng kilay. Ewan ko pero napangiti na lang ako.
"Ayaw mo ba? Sige binabawi ko na, Vinci." Natatawa akong niyakap sya. I never thought that being called Ate is so endearing to hear.
"Silly. Salamat, bunso. Mag-aral mabuti, okay?" Ayaw pa nga nyang magpayakap eh! Arte, joke.
Matapos ang artihan naming dalawang magkapatid ay hinatid na kami ni papa sa eskwelahan.
"Where are you now? I'm here at school and I miss you already. I love you 3001." Text sa akin ni San. Kinilig naman ako. Nk-replyan ko sya pabalik.
"Malapit na ako. Namiss na din kita. I love you 3002." Isinuot ko ang mask at umidlip muna. Malayo-layo pa naman kami.
BINABASA MO ANG
Rainfall Amidst The Horizon
Teen FictionCompleted. Fat and ugly that's me, Vinci. Vinci Madeleine Avis a grade 11 student, HUMSS strand. 17 years old, future Police Detective. I want to achieve my goals first before I enter world of love. In short, study first bago harot. It's suddenly c...
