Nandito na kami sa, COVERED COURT. Ang daming tao. Nakita namin si Sir sa may bandang kanan ng stage, kumaway naman kami para makita nya.
"Umayos na kayo, magsisimula na yung parade. Green, pumwesto ka na sa harap. Nasaan yung maghahawak ng banner mo?" Sabi nya agad sa amin. Natanaw nya si, San at Cayn sa gawi namin ni, Green.
"What are you two doing here? Doon muna kayo sa section nyo. Hindi kayo pwede dito hangga't hindi natatapos ang parade." Tumingin ako kay, San at sinenyasan na pumunta muna sa mga kaklase nya.
"Okay po, Sir. Green, aalis muna kami. Dito ulit tayo magkita." Sabi ni, Cayn kay Green. Mamayang hapon pa yung pageant para sa, Miss and Mister INTRAMS. Ngayong umaga ay sport fest.
"Okay." Kumaway kami parehas ni, Green sa dalawang lalaki. Umayos na kami ng pila.
Nagsimula na ang parade. Medyo boring ang part na 'to. No choice, kailangan mong mag-participate.
Nang matapos ang parade at diretso agad kami sa, COVERED COURT. Mas lalong dumami ang tao. Nagkahalo-halo na ang, Seniors at Juniors.
Hinanap ng mata ko sila, San. Masyadong maraming tao. Natanaw ko naman na papalapit na sila dito sa amin.
"Kasali ba kayo sa sport fest?" Tanong ni, Cayn sa amin. Parehas kaming umiling ni, Green. Mamayang hapon na lang siguro kami babalik dito.
"Tara na." Sabi ni, Cayn. Hindi naman na kailangan si, Green doon. Pumunta kami sa canteen at bumili ng makakain.
"Gusto mo ba yon?" Tanong sa akin ni, San. Medyo tahimik sya ngayon. Anyare?
"Libre mo?" I asked cutely. He just pinched my cheeks. Ouch.
Dumiretso na kami sa room. Nandito na rin halos lahat ng mga kaklase ko.
"Sugar pie, paabot ng bag ko. Magpapalit lang ako ng damit." Pinanindigan talaga yung sugar pie? Parang may gusto kong tapikin ng gulok ang mga atay nila.
"Mars, samahan mo ko magpalit." Pinaupo ko muna si, San sa upuan ko at sinamahan si, Green sa banyo.
"Mars, may tanong ako." Tanong nya agad ng makapasok kami sa loob ng banyo. Nilabas nya ang damit nya pamalit.
"Nag-kiss na kayo ni, San? Anong klaseng kiss? French kiss ba?" anong klaseng tanong yan? Natatawa akong binatukan sya.
"Gaga! Oo, nag-kiss na kami, syempre." Naalala ko na naman yung french kiss na yon. Wala sa sariling napasabunot ako sa buhok ko.
"Gaga! Ba't mo sinasabunutan yung sarili mo? Na-try nyo na yung french kiss, noh?!" Shuta. Sinundot nya ang tagiliran ko.
"Pero, mars. Open discussion. Masarap ba sya humalik? Dali, sabihin mo na." Shuta talaga 'tong babaeng ito. Kung ano-ano na pinagsasabi.
"Alam mo, shuta ka. Magbihis ka na nga!" Tinulak ko na sya papasok ng cubicle. Kapag hindi ko ginawa yon hindi sya titigil.
"KJ naman! Si, Cayn nga eh! Shuta, wait lang! Pocha! Kinikilig ako, shuta!" Bwisit na yan! Wala na akong naintindihan kung hindi shuta.
"Alam mo, mars para sa akin sobrang romantic ng french kiss. Shuta. Kapag hahalikan ako ni, Cayn. Nawawala na ako sa sarili ko. Letche na yan!" Ayan na nga. Hindi ba sya nahihiya? Parang ako yung nahihiya eh.
BINABASA MO ANG
Rainfall Amidst The Horizon
Teen FictionCompleted. Fat and ugly that's me, Vinci. Vinci Madeleine Avis a grade 11 student, HUMSS strand. 17 years old, future Police Detective. I want to achieve my goals first before I enter world of love. In short, study first bago harot. It's suddenly c...