13

36 4 0
                                    

Bumaba na ako. Hindi ko alam kung paano ko sya kakausapin. Napatakip ako sa mukha ko nang maalala na naman yon.

"Hija! Halika muna kumain." Nasa kusina na sila. Kumakain na sila. Nahihiya akong pumunta at sumalo sa kanila.

"Umupo ka dito." Pinaupo nya ako sa tapat ni, San.

"Sige na, huwag ka ng mahiya." Hindi ko alam kung paano ko pa nakakayanan ang mga pangyayaring ito.

Nilagyan ni, Sir ng kanin at ulam ang plato ko.

"Thank you po." Sabi ko. Napatingin ako sa katapat ko. Kumakain na sya. Tahimik na lang din akong kumain.

Natapos na akong kumain. Tumayo na ako.

"Magpahinga na muna kayo." Sabi sa amin ni, Sir. Lumabas na muna ako.

"What are you doing here?" Nagulat ako nang sumulpot si, San sa gilid ko. May hawak pa syang chocolate.

"Nagpapa-baba lang ng kinain. Yung sa kanina sana... Ano..." Bakit ba naisipan ko pang banggitin yon? Ako lang tuloy yung nahihiya.

"What?" I heaved a deep sigh. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko. This man is something.

"Ano... Wala. Wala." Pinaypayan ko ang sarili ko. Ang init, shuta.

"Your tattoo? About that, You're-" Pinutol ko na ang sinasabi nya. Sigurado ko, namumula na ako.

"Okay na." Shuta talaga. Bigla syang tumawa. Tumawa? Tumawa sya?

"What's the meaning about that?" Tumikhim siya at umupo sa damuhan, umupo rin ako.

"Moon and stars." I have a tattoo in my left back shoulder. It was small crescent moon and three stars.

"Moon is happy to give light in darkness. Just like moon, stars shines bright and that makes them beautiful. They're both beautiful in their own ways." I smiled at him.

"Does it hurt?" Parang ano lang? Syempre, nagpa-tattoo ka eh!

"Oo naman. Parang ano, kinikilig ako, ackkkk." Ay gago! Nasabi ko ng malakas, pocha. Masyadong pasmado ang bunganga ko, letche. Napatakip ako sa bibig ko.

"Kinikilig ka?" Walang expression ang pagmumukha nya pero halata mong nang-iinis. Gago, ba't nasabi ko ng malakas yon?

"Hahahahaha." Tawa lang ang sinagot ko. Shuta. Kinabahan na naman ako. Letche.

"Stop laughing and answer me." Napatigil ako sa pagtawa. Tumikhim ako at inayos ang sarili ko.

"Oo, lahat naman ng tao kinikilig. Huwag kang ano dyan." I swear, I tried my best. Hindi ko na talaga alam.

"Sige, sabi mo." Tumayo na sya at pumasok sa loob. Anyare? Galit ba sya? Tsk.

Pumasok na rin ako sa loob. Wala sya dito sa sala at tanging ang mga magulang nya lang ang nandito.

"Vinci, come here." Tawag sa akin ni, Sir. Pumunta ako sa pwesto nila.

"Make an essay about how..." Sinabi nya sa akin ang gagawin ko. Umupo ako sa carpet at nagsimula na.

"San, come over here." Rinig kong tawag ni, Sir. Busy na ako sa ginagawa ko kaya wala na akong pakialam sa paligid ko.

"Ito naman ang sayo. Aalis muna kami ng mama mo para sunduin si, Sean. Maiwan na muna kayo rito." Ha?! Utang na loob, ayokong maiwan dito kasama ang lalaking ito.

"Okay." Rinig ko pang sagot nya. Naramdaman kong tumabi sa akin si, San. Nagkadikit ang mga braso namin at naramdaman ko na naman ang kuryente.

I busied myself answering this essay. Kalahating oras din siguro ang nagugol ko sa pagbe-brain storm.

Maya-maya pa ay may tumawag sa cellphone ko. I pressed the answer button.

"Hello po?" Si mama. Tumayo ako at naupo sa sofa.

"Umuwi na ang, Ate Vini mo. Nandito na sya sa bahay." Napatayo ako sa gulat. Sabi ko na, may mali kanina kay mama.

"Pauwi na po ako dyan." Binaba ko na ang tawag. Iniligpit ko na lahat  ng gamit ko.

"Saan ka pupunta?" Walang ganang tanong ni, San. Hindi ko sya sinagot dahil abala ako sa pagliligpit ng gamit ko.

"Vinci, I'm talking to you." He said using his deep and raspy voice. Napatigil ako sa ginagawa ko at naupo ulit sa tabi nya.

"Dumating ang ate ko, galing abroad. Pasensya na, kailangan ko ng umuwi. Ito pala yung pinagawa ni, Sir. Tapos na ako dyan." Inilapag ko ang papel na pinagsulatan ko.

"Pasensya na ulit." Sinuot ko na ang bag ko at akmang tatayo na nang hilahin nya ako.

"Je pense que je suis tombé amoureux de toi." He said while staring at me. Nakita kong nagni-ningning ang mga mata nya. Sa wakas naman at nagkaroon na yon ng buhay.

"Kung ano man yung sinabi mo, sana hindi mura yan kung hindi, nako! Anyways, thank you." I smiled at him. Tumayo na ako at umalis.

I'm really excited to meet my ate again. It's been so long since we saw each other. A sweet smile became visible on my face.

Rainfall Amidst The HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon