Kahapon pa dumating si, Ate. Ang dami nya ngang pasalubong para sa amin. Sa makalawa naman uuwi si papa.
Na-alimpungatan ako nang may tumawag sa akin. 7:28 AM. Who the hell will call me at this time?
"Hello?" Bumangon ako at kinusot-kusot ang mga mata ko.
"Vinci. Si, RJ 'to. Nagising ba kita?" Gosh! Sunday na ba? Ngayon nga pala kami magkikita.
"RJ, good morning." Bati ko sa kanya. Pumunta na ako sa banyo at naghilamos.
"Good morning too. I'll wait for you at, Eclipse Caf. 9:00 AM." Binaba nya na ang tawag. Hindi ko alam kung maawa ba ako sa kanya o maiinis.
Nasasaktan ako para sa kanya. Sinabi ko na sa kanya na wala syang pag-asa sa akin pero pilit nya pa ring pinaparamdam sa akin ang hindi naman dapat. I'm sorry, RJ.
Nagbihis na ako. I wore pants and shirt. Sinuot ko ang pasalubong sa akin ni, Ate Vini na sapatos.
"Saan ang punta mo?" Tanong sa akin ni, Ate. Naabutan ko syang humihigop ng kape habang nanood ng TV.
"Sa Eclipse Cafe po. May kikitain lang." Sabi ko. Dinala ko ang bag ko. May laman na yon na pera at iba pang kailangan ko.
"Umuwi ka ng maaga. Ipapasyal ko kayo." Nagliwanag ang mukha ko nang marinig ko ang sinabi ni, Ate. Tumabi ako sa kanya at yumakap.
"Uuwi ako ng maaga promise po. Basta, kailangan sa pupuntahan natin may pagkain." Natatawa nyang pinitik ang noo ko.
"Syempre naman." Kumalas na ako sa yakap at nagpaalam na.
Tinext ko si, RJ na papunta na ako. Sumakay na ako sa tricycle.
Pagkababa ko pa lang ay nakaramdam na agad ako ng hindi maganda. Nakita ko agad si, RJ. Nakaupo sya malapit sa bintana.
"Vinci?" Nagtataka nya pang tanong. Ang usapan kasi ay nine pero mag-eight palang. Umupo agad ako sa tapat nya.
Nakasuot sya ng pants at brown na polo. He looks handsome. May dala pa syang bulaklak.
"Ahm... Para sayo. Sana magustuhan mo." Inabot nya sa akin ang isang bouquet ng flowers. The flowers were beautiful. The color is peach and white roses.
"RJ," tawag ko sa kanya. Parang gusto kong maiyak. Hindi ko deserve ang mga ganitong bagay. Hindi ko deserve ang bulaklak na ito at lalo na sya.
"Gusto mo ng kumain? Teka, tatawag ako ng-" Pinutol ko na ang sinasabi nya. Kita ko ang sakit sa mga mata nya kahit hindi nya sabihin.
"RJ, please find other woman. I'm not the perfect match for you. Lalo mo lang masasaktan ang sarili mo kapag pinilit mo pa." Hinawakan ko ang kamay nya. Naiiyak na ako.
"I don't know if I can find a woman like you, Vinci. Hindi ko nga alam kung paano ko pa nakakayanan ang lahat ng ito. You're too good to hurt me like this." Nakita kong may pumatak na luha na rin sa mga mata nya.
"Please, Vinci. Be my date for this whole day and I promise, I will distance myself to you. Please?" He held my hand. Papayag ba ako?
I looked at him again. He's been a good classmate and friend. I feel guilty somehow when in the very first, I said to him that I don't want this. I feel guilty for hurting him. He had good intentions but I chose to put pain on his heart.
"Pumapayag ako, sa isang kondisyon," Pinunasan ko ang mga luhang tumulo mula sa mata ko. Ewan ko na rin, bahala na.
"After this, promise me that you will heal yourself. Forget everything about us or me and start your new life. Find a woman that will treat you as her prince. Find a woman who is better than me and love her better as much as you do to me." I smiled at him.
Kita ko ang sakit sa mga mata nya. Nasasaktan ako para sa kanya. Gwapo sya at matangkad, sigurado ako na may mahahanap syang babae na mas karapat-dapat sa pagmamahal na ibinibigay nya sa akin.
"I will, Vinci. I will. Thank you so much." Kumuha ako ng tissue napkins at pinunasan ang mga luha nya.
"Saan mo gustong pumasyal?" May mga ngiti na ulit ang labi nya.
"Kahit saan." Sagot ko. Tumayo na kami at lumabas na. I'm not sure what I'm doing. All I know is, I don't want to hurt this man anymore.
Gusto kong makabawi man lang at masuklian kahit papaano yung inilaan nyang pagmamahal sa akin.
11:30 AM na. Nandito kami sa plaza ngayon. Maya-maya lang ay uuwi na ako. Hinahanap na ako ni, Ate Vini.
"Anong nagustuhan mo sa akin?" Bigla kong tanong. Tahimik kasi kami kanina pa.
"Marami." Tiningnan ko sya ng nakakunot ang noo. Marami?
"I like you just the way you are." Napatahimik na lang ako. Hinawakan nya ang kamay ko na ikinagulat ko.
"Sadly, I'm not the one who will gonna hold you like this. Ikaw lang ang babaeng nagparamdam sa akin ng saya kahit panandalian lang." Pinisil nya ng bahagya ang kamay ko at pinaglaruan.
At ako rin yung babaeng nagparamdam sayo ng ganitong sakit. I'm really sorry, RJ. Mas masakit ang pagmamahal kung pilit.
"Pipilitin kong kalimutan ka kahit masakit. This will be the first and the last time I will say this to you," pinagsalikop nya ang kamay ko at ang kamay nya.
"I love you, Vinci. You have a special place in my heart." He hugged me. Niyakap ko rin sya.
"Makakalimutan mo rin ako, RJ. Makakahanap ka ng babaeng magmamahal sayo ng sobra." Ngumiti ako. Alam kong hindi nya yon nakikita. Maya-maya pa ay may tumawag na sa cellphone ko. Si, Ate Vini.
"Nasaan ka na?" Kumalas ako sa yakap. Nahuli ko pang pinunasan nya ang luhang pumatak sa mga mata nya.
"Pauwi na ako, Ate." Binaba ko na ang tawag. Tumayo na ako at pinagpagan ang sarili ko.
"Aalis na ako. Yung promise mo sa akin, tuparin mo yon. Don't be sad after this, you'll heal from the pain. Goodbye, RJ." Ngumiti ako sa kanya at tumalikod na.
"Thank you so much." Rinig ko pang sabi nya.
Habang papalayo ako sa kanya ay tumulo naman ang mga luha ko. Ngayon lang ako nakasakit ng tao. I felt some guilt. Ang sakit rin pala, shuta.
I can't help but to blame myself to the pain that I caused on him.
Pinunasan ko na ang luha ko. Tapos na, Vinci. Kalimutan mo na ang lahat. Tama na.
BINABASA MO ANG
Rainfall Amidst The Horizon
Dla nastolatkówCompleted. Fat and ugly that's me, Vinci. Vinci Madeleine Avis a grade 11 student, HUMSS strand. 17 years old, future Police Detective. I want to achieve my goals first before I enter world of love. In short, study first bago harot. It's suddenly c...
