Hinanap namin sila, Green at nang makita namin sila sa isa sa mga stall ay pinuntahan na namin sila.
"Ang dami naman nyan!" Sabi ko kay, Green. Ang dami nyang binili. Kinuha ko na ang iba doon.
"Kulang pa 'to sa atin. Anyways, kukuha lang ako ng marshmallow tapos alis na tayo." Hinintay lang namin dito si, Green.
Nang makabalik na si, Green ay pumunta na kami sa beach. Naglatag ako ng kumot at doon naupo. Ginagawa na ng dalawang lalaki ang bon fire.
"Mars oh, binili ko talaga yan para sayo." Inabutan nya ako ng popcorn, yung favorite ko. Niyakap ko sya at hinalikan sa pisngi.
"Salamat, mare." Nang magawa na ang bon fire ay tumabi na sa amin ang dalawang lalaki. Katabi ko si, San. Hawak nya ang kamay ko.
"After this, I have a surprise for you." Tumingin ako sa kanya. Aalis na din pala kami pagkatapos nito.
"Ehem. Hoy! Kwento mo nga kung paano mo nagustuhan'tong kaibigan ko!" Sigaw ni, Green na katabi ko. Si, San sa kanan si, Green naman sa kaliwa.
"Bro, kwento mo na. Susunod ako." Segunda naman ni, Cayn. Umayos sya ng upo at tumingin sa akin saka ngumiti.
"I don't know. I just realized that she was important to me. Kapag kasama ko sya hindi din mapalagay ang puso ko. Naalala mo ba nung practice natin sa Umali Gym, nasa iyo pa yung video non?" Tanong nya. Nandito pa sa akin yung video.
"Panoorin nyo." Ibinigay ko sa dalawa ang cellphone ko. Paano nga pala nya nalaman?
"Paano mo nalaman?" Bulong ko sa kanya. Ngumiti lang sya sa akin at pinisil ang pisngi ko.
"Wala namang espesyal dito!" Sinoli sa akin ni, Green ang cellphone ko. Minsan talaga, hay nako!
"Kita mo ba?" Zinoom-in ko yung video. Yun yung unang beses na ngumiti sa akin si San. Hanggang ngayon hindi ko makakalimutan yon.
"Sya ang unang taong nginitian ko. And behind that smile is everything." Niyakap nya ako at hinalikan sa pisngi. Enebe!
"Sabi ko na eh! Iba talaga ang alindog ng kumare ko!" Pinalo nya ako sa braso.
"Cayn, kwento muna yung sa inyo." Sabi ko. Ikinuwento na ni, Cayn ang istorya ng pag-iibigan nila ni, Green.
Medyo hindi maganda ang unang pagkikita nila.
Nagkasiyahan pa kami. Nang mapagod kami ay bumalik na ulit kami sa kanya-kanya naming kwarto.
"Aalis na kami ni, San. Mars." Napakunot ang noo nya. Inaayos ko na ang mga gamit ko.
"Saan kayo pupunta? Akala ko hanggang bukas tayo dito?" Tumigil ako sa ginagawa ko at naupo sa kama.
"May surprise daw sya. Anyways, kailangan ko na magmadali." 9 na ng gabi. Inaantok na rin ako.
"Kung saan man kayo magpupunta, sana naman walang mangyari sa inyong masama. Mag-iingat kayo." Niyakap nya ako. nagpaalam na ako sa kanya at lumabas na.
Naabutan ko si, San sa harap ng kwarto namin. Nagulat pa ako. Hinawakan nya ang kamay ko at lumabas na kami.
"Hoy! Saan ba tayo pupunta? Di ba pwedeng bukas na lang yan? Inaantok na ako." Nakarating na kami sa parking lot.
"It's a surprise. You can sleep in the car." Kinuha nya ang gamit ko at inilagay sa likod na parte ng kotse.
"You can sleep, love." Hinalikan nya ako sa noo. Hindi ko na alam ang mga nangyari dahil nakatulog na ako.
Naramdaman kong may mainit na hangin sa tapat ko. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si, San na nakatitig sa akin.
"Huwag mo kong titigan ng ganyan, kinikilig ako." Iniwas ko ang tingin ko. His deep gaze just sent shivers down to my spine.
"I can't help it. Your face is so beautiful. Look at me." Utos nya. Hindi ako sumunod. I can't. Sobrang lapit ng mukha nya sa akin. Naamoy ko ang mabango nyang hininga.
"Avis, look at me." Bigla akong natakot nang tawagin nya ako sa apelyido ko.
"You're my safe place. You're my everything. I will never get tired of loving you. Mahal na mahal kita." Kahit na madilim ay nakita ko ang luhang pumatak mula sa mata nya.
"Why are you crying?" Nag-aalala kong tanong. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at pinunasan ang luha.
"I'm so happy that God gave me a girl like you. I'm very thankful to him for giving you. A gift that I will cherish forever." Niyakap ko sya. Hindi ko alam pero parang nasasaktan ako.
"I'm also thankful to God for giving you. You're one in a million, love. Nagpapasalamat ako sayo kasi pinaramdam mo sa akin na espesyal ako at importante, na worth it akong mahalin. Mahal na mahal din kita." Niyakap nya ako ng mahigpit. Sobrang mahal ko 'tong lalaking ito.
Bumaba na kami sa sasakyan. Bumungad sa akin ang isang bahay na katam-taman lang ang laki.
"This house will be our safe place. Can't wait to build our memories here. It's supposed to be a surprise after our wedding but I can't help it to show to you." Biglang tumulo ang luha ko.
Kasal na agad ang iniisip nya. Hindi ko nga sure kung kami pa rin hanggang sa huli.
"I'm speechless. Iniisip mo na talaga ang kasal? Hindi nga tayo sure kung tayo pa rin sa huli." Lalo lang akong naiyak sa sinabi ko.
Paano kung pinagtagpo lang kami para makilala ang isa't-isa isa? Paano kung isang minsang hindi inaasahan, may hangganan pala ang lahat?
"Ikaw lang ang babaeng nakikita kong pakakasalan ko at wala ng iba. Kung hindi pa rin tayo sa huli, gagawa ako ng paraan para lang makasama ka. I can risk everything just for you." Hinapit nya ang beywang ko at pinunasan ang luha ko.
"Ikaw lang ang gusto kong babae na mag-aalaga sa akin at sa mga magiging anak ko. Hindi tayo sigurado sa magiging buhay natin sa kinabukasan pero isa lang nasisigurado ko, hinding-hindi ako magsasawang mahalin ka." He slowly kiss me.
Hindi din ako sigurado sa buhay na nag-iintay sa amin. Ang sigurado ko lang ay hinding-hindi din ako magsasawang mahalin ang lalaking ito.
BINABASA MO ANG
Rainfall Amidst The Horizon
Teen FictionCompleted. Fat and ugly that's me, Vinci. Vinci Madeleine Avis a grade 11 student, HUMSS strand. 17 years old, future Police Detective. I want to achieve my goals first before I enter world of love. In short, study first bago harot. It's suddenly c...
