22

29 2 0
                                        

Hinihintay namin magbukas ang ferris wheel. Gusto kong makasakay don, kahit kailan ay hindi pa ako nakasakay don.

"Let's go. Nagsisimula na." Hinawakan nya ang kamay ko at iginaya papunta sa ferris wheel.

"Doon kayo." Turo sa amin ni manong na naga-assist. Sumakay na kami. Mabilis napuno ang ferris wheel. Mataas na rin ang naabot namin.

"Woah!! Nakakatakot!" Sigaw ko nang silipin ko ang ibaba. Shuta, natatakot ako.

"Afraid of heights?" Bulong sa akin ni, San. Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan yon.

"Tumataas na!" Natatakot na ko!! Hinapit ako ni San papalapit sa kanya. Sobrang dikit na namin.

"There's nothing to afraid of. I'm here. Always here. You're safe with me." Nakatingin lang ako sa kanya. Nakakalunod na mga tingin. His eyes never lies.

"Now, close your eyes." I slowly closed my eyes. Hinalikan nya ako sa pisngi.

"I love everything about you. You're the most precious gem that I really love. I love you so much, Vinci. Now and forever." He whispered. I felt his lips are on mine. His lips are moving slowly.

Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko syang nakapikit habang masuyo akong hinahalikan. Ang kanang kamay nya ay nasa batok ko at ang kaliwa naman ay nasa pisngi ko. I close my eyes and feel his lips.

He softly caressed my cheek. The kiss was going deeper. He bit my lower lip, I groaned. I was shocked when he slipped on his tongue out at my mouth. After that, he bit my lower lip again.

"Open your eyes." I opened my eyes. My jaw dropped when I see the scenery. The sun is huge. The sunset is so beautiful.

"Still scared?" He held my hand and squeeze it. Nakangiti akong tumingin sa kanya.

"Not anymore. Not anymore when I'm with you." He kissed my forehead. Niyakap nya ako at isiniksik ang sarili nya sa akin.

"Dou you like it?" Napakunot ang noo ko. Oo naman! Ang ganda kaya ng sunset.

"Of course, I like the sun-" Hindi nya pinatapos ang sasabihin ko at kinurot ang pisngi ko. Aray naman.

"Silly. I was talking about the kiss." Tinatanong pa ba yan? Bonggang-bongga na oo. Charot lang.

"Anong klaseng tanong yan?" Marahan akong tumawa. Nahihiya ako. I honestly don't like french kiss. Parang nakakadiri kasi. Pero yung kanina, emegesh, ayaw ko na lang mag talk.

"Do you want me to do it again?" He smirked. Shuta.

"Tumigil ka nga." I bit my lip. Do I want him to do it again with me? Oh my gosh! Ano ba 'tong naiisip ko?!

"Stop biting your lip. Ako lang dapat kakagat dyan." Ba't ang aggressive naman nya ngayon?! Help!

"Tumigil ka na, utang na loob. Naloloka na ako." Gusto ko na lang magwala, shuta. Kinikilig ako!

"But I want your lips again." Pinalo ko ang braso nya. Sumosobra na sya! Nakakarami na kaya sya!

"I love you so much, baby." He caught my hand and stared deeply at me. I can see myself on his eyes.

"I love you too, monster kisser." I genuinely smiled at him. He smiled and his dimples was shown.

Naglibot pa kami dito sa plaza. Ang saya-saya ko kapag kasama ko ang lalaking ito. Sinong mag-aakala na ang lalaking ito ay mahuhulog sa isang gaya ko?

Habang naglilibot kami ay biglang umulan. Dali-dali kaming sumilong sa isang tindahan. Rainfall Amidst The Horizon. Romantic isn't it?

"Tumila na ang ulan. Tara na, baka hinahanap ka na sa inyo." Hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming tumakbo. I love this moment.

Nakarating na kami sa pinagpwestuhan ng kotse nya. Pumasok kami agad doon.

"Susunduin kita sa inyo sa sabado." Napakunot ang noo ko. Wala naman na akong business pa sa bahay nila dahil hindi na tuloy yung competition.

"Why?" Pinaandar nya na ang kotse. Pinunasan ko ang pawis ko. Nag-text pala sa akin si mama.

"I want to study with you." Napatingin ako sa kanya. Pinunasan ko ang pawis nya sa noo.

"Baka naman hindi tayo makapag-review nyan?" Natatawa kong sabi. Hindi ko nga alam kung makakapag-focus ako kapag kasama ko sya.

"Silly. Of course, we can. Kapag oras ng pag-aaral, oras ng pag-aaral. Kapag oras ng..." Tinitigan nya ako, pagkatapos ay tumingin sa mga labi ko.

"Stop!" Sigaw ko. Shuta naman! Tumawa lang sya. Harot ng lalaking ito, shuta.

Ilang minuto pa ang biniyahe namin, bago makarating sa bahay namin. Tiningnan ko kung anong oras na, 6:00 PM na? Lagot ako.

"Lagot ako, letche." Hindi ko na hinintay pang pagbuksan ako ng pinto ni San at bumaba na agad ako.

"Hey!" Bawal nya sa akin. Bubuksan ko na sana ang gate namin nang may humila sa akin.

"Calm down." Niyakap nya ako at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Why is he like this?

"Naistorbo ko ba kayo?" Kumalas agad ako sa yakap nang marinig ko ang boses ni Ate. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nya ngayon dahil walang expression yung mukha nya.

"Kayong dalawa, pasok sa loob." Napatingin ako kay San. Lagot na nga.

Hinawakan ni, San ang kamay ko. Tiningnan ko sya ng masama. Nandito pa si, Ate eh.

"Mama! Papa! Nandito na si, Vinci!" Sigaw ni, Ate. Naupo kami ni, San sa tapat ni, Ate. Hawak nya pa rin ang kamay ko. Paano ko ipapaliwanag ito?

"Vinci, mabuti naman at nan-" Natigil si mama sa pagsasalita. Nakita ko ring papunta na sa amin si papa.

"Ikaw yung anak nung... Sino nga ba yon?" Naupo si mama sa tabi ni, Ate. Tahimik lang si, San. Hindi ko rin alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng lalaking ito.

"Anak po ako ni, Mr. Sonny Branwen. Teacher po ni, Vinci." Sagot naman nya. Tatlo na silang nakaupo sa tapat namin. Sabay-sabay pa silang tumingin sa kamay namin ni San na magka-holding hands.

"Kayo na ba? Manliligaw ka ba ng anak ko? Ba't may holding hands agad?" Sunod-sunod nilang tanong. Aalisin ko na sana ang kamay ko pero hinigpitan lang ni San ang pagkakahawak doon.

"Kami po ng anak nyo ay-" Tumunog ang cellphone nya. Nag-excuse muna sya sa amin. Pagkalabas na pagkalabas pa lang ni San ay sinugod agad ako nila mama.

"Anak, boyfriend mo? Boto ako sa kanya." Si mama. Masaya ako sa narinig ko. Ang lawak pa ng ngiti ni mama.

"Vinci, boto din ako. By the way, wala ba syang kuya?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni, Ate. Seryoso? Kanina lang ay parang ayaw nya kay San, tapos ngayon, may patanong pa na may kuya daw ba sya?

"Sya ang pinakamatanda. Sorry wala syang kuya." Napairap pa si, Ate. Si papa naman ang sumunod na nagsalita

"Kung saan ka masaya anak, masaya na rin kami." Sabi ni papa sa akin at ngumiti. I'm happy to have a family like this. Tiwala sila sa akin.

Rainfall Amidst The HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon