Pinanood ko na lang si, Green. Wala daw kaming klase, sana pala hindi na lang ako pumasok pero sayang yung baon.
Nalaman kong STEM student pala ang jowables ng kaibigan ko, kaklase nya si, San. Nakakaloka.
"Hay! Nakakapagod!" Lumapit ako kay, Green na kabababa pa lang sa stage. Inabutan ko sya ng tuwalya at tubig.
"Mars, kain tayo sa KFC. Libre ko." Tatanggi pa ba ako? Pagkain kaya ang kahinaan ko.
"Paano yung jowa mo?" Tinuro ko ang lalaking papalapit sa amin. In fairness ang gwapo naman pala ng lalaking ito. Matangos na ilong, makapal na kilay, maninipis na labi at mamula-mula ang balat.
"Hoy, akin yan. Kumuha ka ng iyo." Kita mo 'tong babaeng 'to, tinitingnan ko lang naman eh.
"Gaga! Sayong sayo na." Lumapit sa akin si, Cayn at nakipag-kamay. Malambot ang kanyang mga kamay.
"Vinci, right?" Shuta, nakakagulat naman yung boses. Raspy ang boses nya, marami din sigurong babaeng nagkakandarapa sa kanya?
"Yes. Green's friend." Tumango lang sya. May binulong sya kay Green, pagkatapos ay umalis na.
"Hindi daw sya sasama, so sad. Anyways, tara na. Kukuhanin ko lang saglit yung gamit ko." Hinintay ko na lang sya dito. Hindi ko pa nasasabi sa kaibigan ko ang mga nangyari.
"Hoy, may chika ako sayo." Sabi ko, habang naglalakad kami palabas. Katapat lang ng school namin ang WALTER MART.
"Chikahin mo na, dali." Basta talaga chismisan, hindi nagpapahuli ang babaeng ito.
"Kanina diba, nung umaga na pumunta ako sayo para mapanood ka. Nakasalubong ko si, Ms. Madrid. Yung nagbuhos sa akin ng juice at harina." Nakalabas na kami. Patawid na kami ngayon sa over pass.
"Tapos?" Nagkwento pa ako. Ikinuwento ko rin ang pag-amin sa akin ni, RJ. Pagbaba namin sa over pass ay nagpahinga muna kami saglit.
"Kapag nakita ko ang babaeng yon, sasabunutan ko talaga yon. Anyways, bakit ni-reject mo naman agad si, RJ? Sa tingin ko naman may isang salita ang lalaking yon." Naglakad na kami papunta sa likod. Hindi kasi kami pwedeng dumaan sa harap dahil mga estudyante pa kami.
"Alam mo naman diba, mare? Ayoko ng distraction sa pag-aaral ko. Tsaka, hindi naman ako maganda at ang taba ko pa, hindi ako ang babaeng-" Binatukan nya ako. Aray ko naman!
"Alam kong ayaw mo ng distraction sa pag-aaral mo pero yung laitin mo yung sarili mo, mare. Mali yon." Tumigil muna kami saglit.
"Eto ha, walang halong kemikal, purong katotohanan. Nitong mga nakaraang araw, gumaganda ka na, I mean... Nag-glow up yung ganda mo. Iba talaga yung pagka-ganda mo. Medyo pumapayat ka na rin. Kung hindi nga lang ako babae, baka niligawan din kita eh." Enebe. Charing! Totoo ba?
"Ewan ko lang kung ang kagandahan na yan ay para sa sarili mo lang ah. Alam mo na!" Binatukan ko nga sya. Gaga talaga.
"Tara na, gutom na ako." Inayos ko ang bangs at salamin ko. Naamoy ko na ang chiken joy, nakakagutom.
"Pagkayari natin kumain, libot tayo." Pumayag ako dahil gusto ko din gumala.
"Hoy!" Kung makahiyaw naman.
"Si, San!" Nasa tapat kami ng KFC. At ang kagagahan ng isang ito ay kitang-kita.
"Oh? Ano gagawin ko?" Binatukan nya ako. Nakakarami na 'to ah! Naglakad na ulit kami.
"Gaga! Kumakain sya sa KFC, kasama si... Shit! Is that, Cayn?" Sumilip ako sa salamin at kita ko ngang kasama ni, San ang jowables ng kaibigan ko. May kaibigan pala sya. I mean, magkaibigan pala sila.
"Oo, mare, jowa mo nga. Di ko alam kaibigan pala nya si, San? Akala ko walang kaibigan ang lalaking yon dahil palaging may dalang sama ng loob." Medyo obvious na kami kaya hinila ko na sya papasok.
"Gaga ka! Tara na!" Ako pa ang hinila nya ngayon. Nakapsok na kami sa loob at diretso agad si, Green sa KFC.
"Order mo, mare?" Hindi pa naman ako masyadong gutom kaya nag-order na lang ako ng chicken burger at float.
"Umupo ka doon, sa tabi nila, San at Cayn." Nanlaki ang mata ko. Bumaling ako sa pwesto nila, San at Cayn. Busy silang nag-uusap.
"Madami namang upuan ah. Mare, sa iba na lang." Nag-puppy eyes pa ako pero hindi gumana.
"Dalian mo na!" Wala na akong nagawa. Unang dumating yung order ko at pumunta na ako sa pwesto nila, San at Cayn. Nakatalikod sa akin si, San.
"Vinci, come. Join us." Ngumiti si, Cayn sa akin at inalok ang pwesto nya. Naramdaman kong napatingin sa akin si, San.
"Okay lang ba sa inyo? Yung girlfriend mo kasi, ang sabi sa akin, tumabi daw ako sa inyo." Marahan naman syang natawa. Ibinaba ko ang order ko at hinintay na dumating si, Green.
"Maupo ka, mangangawit ka dyan." Nagulat ako nang magsalita si, San. Ayoko nga sanang umupo ih. Ang tagal naman kasi ni, Green.
"Sya nga pala si, San. Kaibigan ko. Kilala mo naman na sya siguro?" Marahan akong natawa. Mukhang nagulat naman ang dalawa.
"Yeah, I know him." Hindi naman na ako nagsalita. Dumating si, Green. dala ang dalawang tray na pagkain. Ang dami ng order nya.
"Makakain mo lahat yan?" Tanong ko sa kanya. Sinenyasan ako ni, Cayn na magpalit daw kami ng upuan. Ayoko sana kasi katabi ko si San.
"Of course not. Libre ko kayo. Hi, San!" Tumayo si, San at pinalipat ako sa inuupuan nya. Tango lang ang isinukli nya sa kaibigan ko.
"Kain na tayo." Inabot ni, Green ang spaghetti kay, San at Cayn. Nagsimula na akong kumain.
Wala namang kumikibo sa amin. Galit galit muna pagdating sa pagkain.
"Ehem. Matanong lang, ganyan ka ba talaga?" Tanong ni, Green kay, San. Gaga 'to, mamaya sensitive pala si, San eh.
"Green." Suway ni,bCayn. Kahit ako eh, sinamaan sya ng tingin. Ibinaba ko ang kinakain kong burger at nagsalita.
"Green, ano ba? Wala ka sa-" Natigil ako sa pagsasalita ng sumagot si, San.
"It's fine." He said coldly. Ayan na nga ba sinasabi ko.
"Madaldal din ako. Itanong mo pa sa boyfriend mo." We're surprised when he suddenly speak. Napa-woah naman kami ni, Green.
"I mean... Try to smile." Tumingin ako kay, San at hinintay na ngumiti. Baka ngumingiti sya sa mga kakilala nya lang? O kaya naman, nagiging madaldal sya sa mga taong malalapit sa kanya.
"Woah!" Sabay pa kami ni, Green. Ngumiti sya pero hindi gaanong malawak ang pagkakangiti parang pilit lang.
"Silly. Lower your voice." Sabi nya sa akin. Hindi ako makapaniwalang ngumiti ang isang, San Branwen. Ang gwapo nya lalo kapag ngumingiti.
"Ang gwapo, pocha!" Natawa ako sa sinabi ni, Green. Wala talagang preno ang bunganga ng babaeng ito.
"Hoy! Nandito pa ako." May bahid ng pagkairita ang pagkakasabi ni, Cayn. Yan sige! Harot pa.
"Selos ka naman! Huwag kang mag-alala, walang-wala ang kagwapuhan ni, San kumpara sa 'yo." Shuta talaga ang kaibigan ko na 'to.
Naiiling na lang kaming dalawa ni, San. Nag-kwentuhan lang kami. Bihira ko lang marinig magsalita si, San. Kapag tinanong mo lang sya magsasalita.
BINABASA MO ANG
Rainfall Amidst The Horizon
Teen FictionCompleted. Fat and ugly that's me, Vinci. Vinci Madeleine Avis a grade 11 student, HUMSS strand. 17 years old, future Police Detective. I want to achieve my goals first before I enter world of love. In short, study first bago harot. It's suddenly c...