Pumasok na kami sa bahay. Kumpleto na ang mga gamit at malinis din ang loob. Ang ganda.
"Do you like it?" Tanong ni, San. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Sobrang ganda ng bahay.
"Tara sa taas." Pumanhik na kami. May dalawang kwarto dito sa taas. Pagkapasok ko ay lalo pa akong namangha. Ang laki ng kwarto.
May sarili itong banyo at study table. May maliit na fridge din sa tabi ng study table.
"Regalo sa akin ito ni, Lolo. Kumpleto na talaga ang gamit nito, dinagdagan ko na lang. Every week, I visit here just to be sure that it's clean." Umupo ako sa malambot na kama.
"Sobrang ganda." Yon na lamang ang nasabi ko. Umupo sa tabi ko si San.
"Christmas is coming and after that, our graduation is near." Malungkot nyang sabi. Humarap ako sa kanya.
"Excited kang masyado. Tatlong buwan pa bago yung graduation natin." Kinurot nya ang pisngi ko.
"Silly. Let's sleep now." What? Dito? Bigla akong namula. Shuta, nagiging wild ang imagination ko.
"Why your cheeks are red? Are you-" Tinakpan ko ang bibig nya.
"It's okay. We can do that here-" Pinalo ko sya sa dibdib. Shuta, ano bang sinasabi nya?!
"We can do that here after our wedding. I respect you and your decision. Nothing will happen tonight. I will behave." Lalo akong namula. Bakit kasi biglang pumasok sa isip ko yon, letche.
"Tulog na tayo, inaantok na ako." Humiga na sya sa kanang parte ng kama. Pinatay nya na rin ang lamp nya.
"Come here. I know you're tired. Don't worry, It's just the two of us only sleeping in this bed." Tiwala naman ako sa sinabi nya.
Dahan-dahan akong tumabi sa kanya at nahiga. Shuta, ang lakas ng tibok ng puso ko. Bigla akong pinagpawisan.
"Sleep. Stop over viewing the situation. It's not healthy for your mind. You can do that after our wedding." Ahhh!!! Hindi na nga ako makagalaw dito ng maayos tapos- Ahh!!!
"Utang na loob naman. Matutulog na ako, okay. Gosh, Vinci kalma." Pinaypayan ko ang sarili ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko. Naramdaman ko ang braso nya sa ibabaw ng tyan ko. Isiniksik nya rin ang sarili nya sa akin. Gamit ang kaliwang kamay na nakadantay sa tyan ko, pinagsalikop nya ang kanang kamay ko at ang kamay nya. Nakatulog na ako.
Nagising ako sa sinag ng araw. Kinapa ko kung nandito pa sa tabi ko si, San. Nag-panic ako nang maramdaman kong wala sya doon. Agad akong bumangon, dumiretso muna ako sa banyo, naghilamos at nagsipilyo.
"San! Sanie! Love! Nasaan ka ba?!" Sigaw ko nang makalabas ako sa kwarto. Wala pa ring sumasagot. Bigla akong kinabahan.
Nakarinig ako ng tumutunog sa ibaba. Mula yon sa sala. Bumaba ako at naabutan syang nasa kusina.
"You are my everything
I gave up everything
Show me the darkest parts of your heart,
I ain't gonna run
Every dance is slow, every kiss is whoa
They say you know when you know, well I know
I know you're the one..." Sabay nya sa kanta.Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Niyakap ko sya mula sa likuran. Nagulat pa sya sa ginawa ko.
"You're awake now? How's your sleep?" Hinalikan ko sya sa pisngi. Tumigil sya sa ginagawa nya.
"What are you doing? Why'd you kissed me?" Humarap sya sa akin ng nakakunot ang noo.
"Ayaw mo? Sige doon na ako sa-" He pulled me for a kiss. I close my eyes and feel his lips. Why his kiss became more sweeter and sweeter everytime?
"You know, I can't resist you, right? Just a simple kiss from you makes my entire system shake." Napangiti ako. So, nararamdaman nya din pala ang nararamdaman ko kapag hinahalikan ko sya.
"Now you know the feeling. Let me-" He kissed me again. Inilagay ko ang mga braso ko sa batok nya.
"For now, this is the sweetest morning kiss. Thank you and I love you." He kissed my forehead.
![](https://img.wattpad.com/cover/267493283-288-k985323.jpg)
BINABASA MO ANG
Rainfall Amidst The Horizon
Teen FictionCompleted. Fat and ugly that's me, Vinci. Vinci Madeleine Avis a grade 11 student, HUMSS strand. 17 years old, future Police Detective. I want to achieve my goals first before I enter world of love. In short, study first bago harot. It's suddenly c...