Lunes na naman. Nag-umpisa na naman ang kalbaryo ko bilang estudyante. Maaga akong umalis sa bahay, hindi ko na nga nakuhang inumin ang gatas na tinimpla sa akin ni mama eh.
Nagsalubong ko agad si Green sa bench. Busy sya sa cellphone nya at mukhang ka-chat ang jowa nya.
"Mars!" Sigaw ko. Kaunti lang naman ang tao dito sa bench. Tumakbo sya papunta sa akin at niyakap ako.
"Wait, mars. Hindi ako makahinga." Ang higpit naman kasi ng yakap, shuta.
"Sorry naman, mars. Namiss kita!" Pinisil nya ang pisngi ko. Hinila nya ako paupo sa isa sa mga bench.
"Yung chika mo, ano na?" Ang aga naman neto. Basta chismisan, kauna-unahan.
"Tara na muna." Naglakad na kami. Habang naglalakad ay ikinuwento ko na ang nangyari kahapon.
"Kawawa naman pala si, RJ. Gaga ka, ba't mo ni-reject? Sayang, ang gwapo pa naman." Shuta talaga 'tong kaibigan ko. May boyfriend na, humaharot pa.
"Mars, alam mo naman diba? Ayoko ng distraction sa pag-aaral ko. Tsaka, ayokong pumasok sa isang bagay na hindi ko naman alam kung paano ang magiging agos." Ni hindi ko nga alam kung paano ba malalaman kapag gusto mo na ang isang tao eh.
"May point ka naman doon." Natahimik kami pareho. Nakarating na kami dito sa room namin. Kanina ko pa ito iniisip, itanong ko na nga.
"Mars, kapag ba malapit si, Cayn sayo, bumibilis ang tibok ng puso mo? Nakakaramdam ka rin ba ng kuryente kapag nagkakadikit ang mga balat nyo?" Nakangisi syang tumingin sa akin.
"Bakit? Nararamdaman mo ba yan kapag malapit sa'yo si, San?" Iba na naman po ang dumaloy sa utak ng kaibigan ko.
"Gaga." Yon na lang ang nasabi ko. Natawa naman sya.
"Nararamdaman ko yung sinasabi mo. Kapag daw ganyan, ibig sabihin, kayo talaga para sa isa't-isa." Shuta. Ganoon ba yon?
"Tara na nga sa loob. Mamaya na tayo mag-chikahan." Pumasok na kami sa loob.
Ganoon-ganoon lang ay twelve o'clock na at oras na para kumain ng tanghalian. Gutom na ako dahil nagpa-suprise quiz si, Ma'am Math kanina. Naubos ang braincells ko sa pagsagot.
"Mars, ano kakainin mo? Magka-kanin ako ngayon. Nagpa-reserve na ako kanina sa canteen." Sabi sa akin ni, Green habang nililigpit ang gamit nya.
"Kanin din, mars. Sana naman pina-reserve mo rin ako." I'm hoping. Gusto ko ng bicol express.
"Oo naman. Bicol express?" Niyakap ko sya at hinalikan ang pisngi.
"Love you, mars." Sabi ko. She giggled. Lumabas na kami. Habang naglalakad ay may nakabungguan ako.
"Aray ko po. Pasensya na po." Hinimas ko ang ulo ko. Ang sakit, shuta.
"Vinci," si, RJ. Tumingala ako at nakita kong namamaga ang mga mata nya.
"Kumusta na?" Sabi nya at ngumiti sa akin. I tried to smile at him. Nagi-guilty ako.
"Okay naman ako. I'm sorry for everything." Umiling lang sya.
"RJ. Marami naman dyan. Alam mo, kung niligawan mo ako noon, sinagot na kita. Kaso may boyfriend na ako ngayon." Biglang sabat naman ni, Green. Shuta talaga 'tong babaeng 'to.
"Trying to heal myself as I promised to you. Don't worry, I'm going to be okay. Huwag mong sisihin ang sarili mo, okay?" Hinawakan nya ang magkabilang braso ko at tinitigan ako.
"I'm sorry." Tanging nasambit ko. Kita mo pa rin ang sakit sa mga mata nya.
"Ahm... I'll go ahead. Nice bumping into you, girls." Umalis na sya. Hindi ko pa rin maiwasang sisihin ang sarili ko.
"Mars, okay lang yan. Makaka-move on din kayo." Hinagod ni, Green ang likod ko.
"Parte talaga yan ng buhay. Huwag mong sisihin ang sarili mo." Tama si, Green. Parte 'to ng buhay. Ang mga nakaraan na ay dapat nang kalimutan.
"Salamat, mare." Niyakap nya ako. Tumuloy na kami sa loob.
Si, Green ang kumuha ng pagkain namin. Ako naman ay bumili ng tinapay at maiinom.
"Ate, dalawang pineapple juice, tsaka, dalawang mineral water. Ito po yung bayad. Isama nyo na po ito." Binayaran ko na ang lahat.
"Mars, samahan mo ako. Dadalhin ko lang ito kay, Cayn." Nakalimutan ko, may kasalanan pala sa akin ang lalaking yon.
"Tara." Umalis na kami. Lagot sa akin ang hinayupak na yon.
Nakarating kami sa, STEM BUILDING. Nasa unang palapag lang ang room nila.
"Cayn!" Sigaw ni, Green. Napatingin tuloy sa amin ang mga kaklase nya. Nakita ko rin si, San. Nakalimutan ko, magkaklase nga pala sila, magkaibigan pa.
"Para sayo." Inabot nya kay, Cayn ang isang bowl ng pagkain. Napatingin agad sya sa akin. Tiningnan ko sya ng masama.
"Lagot ka sa akin." Nakuha nya pang ngumisi ah. Binatukan ko nga. Gago eh.
"Mars! Ba't mo binatukan?!" Bulyaw sa akin ni, Green. Mukhang alam naman na ni, Cayn na gagawin ko yon kaya tumawa na lang sya.
"Yang hinayupak na yan, tumawag sa akin kahapon. Inabala ang pagkain ko. Pa-VIP pa ang putek at ang tagal bago sumagot." Tumawa sya ng tumawa.
"Sira ka!" Naka-tanggao sya ng hampas, galing kay, Green.
"Excuse me." Boses ni, San yon. Wala na naman yata sa mood ang lalaking ito.
"Hi, San!" Bati ni, Green. Hindi naman sya pinansin ni, San. Luh?
"Sya nga pala, bukas ng hapon, pumunta kayo sa amin. Debut party ng kapatid ko, may kaunting handaan lang." Imbita sa amin ni, Cayn.
"Kasama ba si, San?" Napakaharot naman. Sinamaan sya ng tingin ni, Cayn. Harot pa.
"Huwag mo kong tingnan ng ganyan. Kapag pumunta kami doon bukas, syempre ikaw, parang ipapakilala mo na ako sa family mo, tapos magchi-chikahan ng walang katapusan. Paano si, Vinci?" Ako ba talaga ang inaalala nya?
"I see. Kasama sya. Susunduin ko kayo." Nagliwanag ang mukha ni, Green.
"Aalis na kami. Hindi pa kami nakaka-kain. Ba-bye na!" Niyakap nya pa si, Cayn at hinalikan sa mga labi. Shuta naman, sa harap ko pa talaga?
"Kadiri naman kayo!" Sigaw ko at tinakpan ang mga mata ko.
"Bye. Eat your lunch and be sure to eat the chocolate chips that I gave to you as a dessert. Okay?" Sweet naman. Sanaol diba, shuta.
BINABASA MO ANG
Rainfall Amidst The Horizon
Teen FictionCompleted. Fat and ugly that's me, Vinci. Vinci Madeleine Avis a grade 11 student, HUMSS strand. 17 years old, future Police Detective. I want to achieve my goals first before I enter world of love. In short, study first bago harot. It's suddenly c...