Dito na naghapunan si, San. Sinabihan na daw nya ang mama at papa nya na male-late sya ng uwi dahil nandito sya sa amin. Samu't-saring tanong din ang ginawa nila kay San.
"Anong pangalan mo, hijo?" Tanong ni papa habang pinagsa-sandok kami ng pagkain. Katabi ko sya.
"San, po, Sir. San Branwen." Nakangiti nyang sagot. Kapag ngumingiti sya, lumalabas ang dimples nya. Ang cute.
"Kayo na ba ng anak ko?" Si mama naman. Si, Ate naman ay kumakain lang, minsan ay nahuhuli ko syang titingin sa akin at kay San.
"Opo. Girlfriend ko na po ang anak nyo, Sir." Tumango-tango lang si papa. Nagsimula na kaming kumain.
"Huwag mo na akong tawaging, Sir. Tito na lang. Tito Vino." Ngumiti lang si, San.
"Sya ang asawa ko si, Vinette. Panganay ko si, Vini. Pangalawa si, Vinci at ang bunso naming si, Vincent." Tumigil sila mama at, Ate sa pagkain at nakipagkamay kay, San.
"Nice to meet you po, ma-" Nasamid si, Ate. Inabutan ko agad sya ng tubig.
"Tita. Tita Vinette ang itawag mo sa akin, hijo." Ngumiti si mama sa kanya.
Nang matapos kumain ay lumabas muna kaming dalawa ni, San. Gabi na at kitang-kita ang bituin sa kalangitan.
"Akala ko susungitan ako ng pamilya mo." Tumawa sya. Napangiti na lang ako.
"Ganon lang yon. Mabait sila huwag kang mag-alala. Si, Ate. Tinatanong kung may kuya ka raw ba." Ako naman Ang tumawa.
"The stars looks so beautiful." Napatingin ako sa mga bituin. Napakanda.
"Pretty. So pretty as always." Stars never failed to amaze me. Even the little ones, shines bright.
"Yeah. Really pretty." Tumingin ako sa kanya at nagulat ako nang makitang sa akin pala sya nakatingin. Feeling ko tuloy, namumula ako.
"Ba't ako yung tinitingnan mo? Umayos ka, kanina mo pa ako pinapakilig." I really felt some butterflies in my stomach when I'm with him.
"Cause you're my star." He pulled me for a hug. This man really knows how to make me feel better.
"Kahit kailan hindi ako magsasawang mahalin ka. Kung pwede nga lang pakasalan na kita. I fell for you too deep and I can't see myself getting out in that deep hole. I love you so much, Vinci. Don't leave me." Tumulo ang luha ko.
"Promise are meant to be broken. Instead of promising for not leaving you, I will do my best just to stay by your side. I will never get tired of loving you. I'm always thankful that, God gave me a man like you. I love you 3000." Hinigpitan nya ang pagkakayakap sa akin.
Nagtagal pa kami sa ganoong posisyon. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kapag kasama ko ang lalaking ito. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ramdam kong ganoon rin ang kanya.
"I want to hug you more for another minute but I need to go home." Malungkot nyang sabi. Kumalas ako sa yakap at pinalupot ang braso ko sa batok nya.
"Go home and take some rest. May bukas pa naman. Ang importante, makapag-pahinga ka." He was deeply staring at me. I averted his deep gaze. Hindi ko kaya, kinikilig ako. Ang gwapo nya, shuta.
"I badly want to kiss you right now but it's not allowed. Your parents might scold me for kissing you." What the hell?! Ahahahahaha.
"Ehem!!" Napatingin kami sa pintuan kung nasaan si Ate. Nakataas pa ang isa nyang kilay.
"Gabi na, baka naman gusto mo ng pumasok sa loob, Vinci Madeleine?" I pouted. Nagpaalam na ako kay San na papasok na ako sa loob.
"Hoy! Lumapit ka nga dito." Rinig kong sigaw ni Ate kay San. Sinilip ko sila mula sa rito sa kinatatayuan ko.
"Wala ba talagang mas matanda sayo?" Tanong na naman nya.
"Ate!" Sigaw ko. Nakita kong nanlaki pa ang mata ni Ate. Si San naman ay naiiling na lang.
"Ano? Pinapauwi ko na nga sya eh. Ikaw naman kasi. Umuwi ka na nga." Pinalo nya pa ang braso ni, San. Kumaway sa akin si, San at kumindat. Biglang kumalabog ang dibdib ko.
"Paalam po. Bye, Vinci!" Kumaway ako sa kanya bago sya lumabas. Tinaasan ako ng kilay ni, Ate.
"Pasok sa loob." Pumasok na ako sa loob. Nako! Akala nya siguro hindi ko alam na may pagka-bitter sya pagdating sa amin ni, San. Ayaw pa kasi maghanap ng sa kanya. Tsk.
BINABASA MO ANG
Rainfall Amidst The Horizon
Teen FictionCompleted. Fat and ugly that's me, Vinci. Vinci Madeleine Avis a grade 11 student, HUMSS strand. 17 years old, future Police Detective. I want to achieve my goals first before I enter world of love. In short, study first bago harot. It's suddenly c...