43

22 1 0
                                        

Nang matapos kaming kumain ay gumayak na kami para umuwi. Ayaw ko pa sanang umuwi kaso sigurado akong hinahanap na ako sa bahay.

"Should we spend christmas here, together with our family? Only one month before christmas." Tumingin ako sa kanya.

"Magandang idea yan. Na-excite din tuloy ako." Hindi ko maiwasang kiligin nang ma-imagine ko ang mga pagkaing ihahanda. Shuta, yung favorite kong carbonara, hindi dapat mawala.

Nang makarating kami dito sa bahay ko ay bumaba na agad ako.

"Love." Biglang kumabog ang dibdib ko. Shuta, iba pa rin talaga kapag tinatawag nya akong love.

"Bakit?" Ngumiti sya sa akin at tinuro ang labi nya. Tumawa ako. Ang cute nya.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi nya. Inilagay nya ang kamay nya sa beywang ko.

"Ang cute mo, sobra. Sobrang gwapo mo din. Ah! Nakakainis ka talaga!" Mabilis ko syang hinalikan sa labi.

"Ate?" Nanlaki ang mata ko. Si, Vincent. Nakita nya bang hinalikan ko si San?

"Hi, Vincent!" Kumaway si, San sa kanya. Humarap ako sa kapatid ko.

"Kuya San, yung pasalubong ko?" Napairap ako. Seryoso? Pasalubong lang ba ang naalala nya?

Inabot ni San ang dalawang supot ng samu't-saring pagkain. Pumasok na sa loob ang kapatid ko.

"Ehem. Dapat siguro pumasok ka na sa loob. Aalis na ako." Humarap ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay.

"Thank you for spending time with me. Everytime you and I spending time together makes my day special. Thank you for making me happy, love. I love you." He hugged me and kissed the top of my head.

"Ako dapat ang magpasalamat sayo kasi ikaw ang bumubuo ng araw ko. I'm always thankful for everything you did for me, love. I love you 3001." Niyakap ko sya ng mahigpit.

Pumasok na ako sa loob. Araw-araw talaga hindi sya pumapalyang pasayahin ako. Sobrang swerte ko sa lalaking yon.

Maaga akong nagising. Lunes na naman, nakakatamad. Shuta. Iginayak ko muna ang gamit kong dadalhin at tsaka naligo.

"Ma! Aalis na po a-" Nagulat ako nang lumabas si San mula sa kusina. May dala pa syang gatas at sandwich.

"Anak, sya mismo gumawa nyan para sayo. Maupo muna kayo at kumain. Maaga pa naman." Pumunta ako sa sala, kasunod ko sya sa likod.

"I hope you like-" Hindi ko na sya pinatapos at kinuha na agad ang dala nyang pagkain at kinain. Shuta, ang sarap nung sandwich.

"Lahat naman ng ginagawa mo, nagugustuhan ko." Nakita ko pa kung paano sya ngumiti. Kinikilig 'to, panigurado.

Pinanood nya lang ako habang kumakain. Naiilang nga ako pero kinaya naman. Lumbas na kami at umalis na.

Tahimik lang kami sa byahe hanggang sa makarating kami sa eskwelahan. Pagkababa ko pa lang ay hinila agad ako ni San at niyakap.

"I miss you already. I love you. I. Love. You." Wala pa naman masyadong tao dito sa eskwelahan.

"Magkikita naman tayo mamayang lunch. Tsaka huwag ka ngang ano dyan! Aga-aga, pinapakilig mo na 'ko agad." Natatawa syang hinalikan ako sa noo.

"Go to your room. Let's eat together for lunch. I love you." Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Mahal din kita. Sobra-sobra, nagu-umapaw." Yieet! Parang ako lang yung kinilig sa sinabi ko. Shuta.

Mabilis lang lumipas ang oras. Absent si, Green ngayon. Panigurado ko tulog pa yon.

Papunta na ako ngayon sa room nila, San. Nang medyo malapit na ako sa room nila ay bigla akong kinabahan. Napahawak ako sa dibdib ko.

Nang makalapit na ako ng tuluyan ay nakita ko si, San at si... Ellie? Na magkayakap? Nakatalikod sa akin si San kaya hindi nya ako nakikita.

Biglang tumulo ang luha ko. Naiinis ako. Is this what they're talking about? Plano nila ito ni, Elaine. Plano nila kaming paglaruan.

Umalis na ako. Naiinis ako sa babaeng yon. Nanggi-gigil ako. Ginagawa nila ito sa amin dahil gusto nila kaming paghiwalayin. Pwes, hindi ako papayag.

Isang maling galaw mo pa, Ellie Robles. You will be in hell.

Rainfall Amidst The HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon