Kararating ko lang dito sa bahay. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Nakagayak na sila mama at ako na lang pala ang hinihintay.
"Tara na. Nandito na pala si, Vinci." Sabi ni, Ate nang makita ako.
"Ang tagal mong dumating, kanina pa ako nagugutom." Inirapan ko lang ang kapatid ko. Bakit dala ko ba yung kaldero?
"Vincent!" Suway ni mama sa kanya. Binelatan ko nga, epal kasi.
Naiiyak pa ako ng kaunti tapos ganito sya.
"Tara na." Lumabas na kami at humanap ng masasakyan.
Nang makasakay kami sa tricycle ay may nag-text sa akin.
"Mars, nakita kita kanina sa plaza kasama si, RJ." Si, Green. Nakita nya kami? Tumunog ulit ang cellphone ko.
"Chikahin mo yan sa akin tommorow, ha?" Hindi na ako sumagot. Naalala ko tuloy si, RJ. Hindi ko na dapat iniisip ang mga bagay na yon.
Nakarating na kami dito sa, WALTER MART. Nagmamadali pang bumaba ang kapatid ko.
"Ate Vini, kain muna tayo." Pagmamaka-awa pa nya kay, Ate. Ako din, nagugutom na.
"Ma, saan mo gustong kumain?" Tahimik lang ako sa isang tabi. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko.
"Kahit saan." Pumasok na kami sa loob at dumiretso sa, McDo. Um-order si, Ate ng pagkain habang kami ay naghihintay dito.
Nang makarating ang order ay kumain muna kami. Tahimik akong kumakain nang may tumawag sa akin. Unknown number.
"Excuse me." Tumayo muna ako at lumabas. Sino naman kaya ito?
"Hello?" Walang sumasagot. Nilayo ko sa tenga ko ang cellphone at tiningnan, hindi pa naman nya binaba ang tawag.
"Hello? May I know who's in the other line?" Nag-iintay ako ng sagot pero wala akong natanggap.
"Hello? Kung sino ka man, sana di masarap ulam nyo ngayon." Ibaba ko na sana nang may tumawa na lalaki. Shuta, pamilyar sa akin yung tawa na yon.
"Chill out, miss. It's me, Cayn. I just want you to save my number." Pocha ng lalaking ito. Ang laking gago. Nanahimik akong kumakain, nang-iistorbo.
"Shuta ka, lagot ka sa akin bukas." Hindi naman kami masyadong close pero dahil sa ginawa nya ngayon, lagot sya sa akin.
"Sige, sabi mo eh." Naiinis kong pinatay ang tawag. Hindi ko alam na may pagka-maepal din pala ang lalaking yon. Nahawa na ata kay, Green.
Bumalik na ulit ako sa loob at itinuloy ang pagkain.
"Sino yon? Boyfriend mo?" Nasamid ako sa tanong ni, Ate. Inabutan naman ako ng tubig ni mama. Shuta talaga.
"Boyfriend? Wala sa bokabularyo ko yan, Ate." Tumango-tango naman sya.
"Anak, paminsan-minsan, huwag puro pag-aaral ang inaatupag. Humanap ka na ng magiging manugang ko." Naubo akong bigla sa sinabi ni mama. Pinagtutulungan ako, shuta.
"Mama, ano ba?!" Naiinis kong sabi. Tinawanan lang nila ako. Nahihiya na ako, shuta.
Pagkatapos naming kumain ay naglibot muna kami. Pagkatapos naman naming maglibot ay dumiretso kami sa, SUPER MARKET.
"Vincent, kumuha ka ng tinutulak na yon." Sabi ni, Ate. Ako naman at si mama ay kumuha ng basket.
"Ate, bumili tayo ng cake sa, RED RIBBON mamaya." Request ng kapatid ko. Takaw ah.
Doon muna kami pumunta sa section ng mga gulay at prutas.
"Ma, dumakot ka na dyan kung ano yung gusto mo. Ako na ang magbabayad." Inilibot ko ang mga mata ko. Wait? Sila, Sir ba yon? Sila nga.
"Vinci, teacher mo yon diba?" Nakita din pala ni mama. Tumango naman ako. May kapatid din pala si San. Ay oo, natatandaan ko na nabanggit ito ng mama nya.
"Yung lalaking yon, kasama mo din ba sa-" Mahina kong pinalo ang kamay ni mama dahil tinuturo nya si, San. Mamaya makita pa ako eh! Nakakahiya.
"Ma! Tara na nga." Hinila ko na sya. Sa wakas naman ay hindi na kumibo pa si mama.
Natapos na kaming mag-grocery. Bibili na kami ng cake ngayon.
"Anak Vinci, Vini, mauuna na kami sa labas." Tumango naman kami ni, Ate.
"Ikaw na umorder ng cake. May nakalimutan lang akong bilhin sa taas. Kapag tapos ka ng umorder at wala pa ako, i-text mo ako." Tumango-tango naman ako. Umalis na si, Ate at naiwan ako.
I went inside of the cake shop and scanned the menu.
"Ate, yung black forest cake nga po, isa. Ito po oh." Nag-intay lang ako ng ilang saglit pa bago ibigay sa akin ang order ko.
"Here's your cake, ma'am." Kinuha ko na yon at binayaran. Pagkatalikod ko ay nakita kong papasok ang pamilya ni, Sir dito. Shuta, iniiwasan ko na nga eh.
"Vinci?! Anong gingawa mo dito?" Tanong sa akin ni, Sir. May kasamang syang batang maliit na sa tantya ko ay nasa four years old pa lang.
"Kasama ko po yung pamilya ko. Naglibot lang po tsaka kumain." Nakangiti kong sabi. Kinawayan ko ang kargang bata ni, Tita Yna.
Nakita ko si, San sa likuran nila na busy sa cellphone.
"Say hello to Ate Vinci, Sean." Ang cute. Kahawig nya si, San. Siguro ganito din ka-cute si, San noong four years old pa lang sya. Oh my! Ano bang sinasabi ko?
"Hello po." Ang cute. Kinurot ko ng bahagya ang pisngi nya.
"Sir, mauuna na po ako. Nice to meet you po." Yumuko ako tanda ng respeto. Nagulat nga ako nang halikan ako ni, Tita Yna sa pisngi eh.
"Sure. Nice seeing you here today." Tumabi silang mag-asawa para makaraan ako. Makakasalubong ko si, San. Shuta.
Dumaan ako nang parang walang nakaharang na, San sa daraanan ko. Biglang kumabog ang dibdib ko.
"Vinci," nang makalagpas na ako ay tinawag nya pa ako, shuta naman.
"B-Bakit?" Bakit ba ako nauutal? He looks so handsome in pants and hoodies.
Nagulat ako nang bigla syang yumukod sa harapan ko at itali ang sintas ng sapatos ko. Bigla akong nahiya, shuta. Baka mamaya, pinagti-tinginan na pala kami.
"Sa susunod, higpitan mo ang tali ng sapatos mo." Tumayo na sya. Nagpasalamat naman ako.
"Salamat." Tumango lang sya. Nagpaalam na muli ako sa pamilya nila at tuluyan ng umalis.
Bakit kapag ganito kalapit sa akin ang ibang mga lalaki, hindi naman kumakabog ng malakas ang puso ko? Tanging kay, San lang. Okay, distraction yan, Vinci. Huwag mo nang isipin. Mali ang akala mo.
BINABASA MO ANG
Rainfall Amidst The Horizon
Teen FictionCompleted. Fat and ugly that's me, Vinci. Vinci Madeleine Avis a grade 11 student, HUMSS strand. 17 years old, future Police Detective. I want to achieve my goals first before I enter world of love. In short, study first bago harot. It's suddenly c...