12

46 4 0
                                    

Maaga akong gumising, mamaya ay pupunta pa ako sa bahay nila, Sir Branwen. Bumaba na ako para magluto ng agahan.

I'm cooking some eggs and bacons. I'm craving for fried rice too.

"Aga mo naman atang gumising." Si mama. Tumango lang ako. Sinabi ko sa kanya nung isang araw pa na sinali ako ni, Sir sa isang patimpalak.

"Ako na dyan, gumayak ka na." Ang aga pa. Sabi ni, Sir kahit mga 10:00 na daw ako pumunta sa kanila. 8:37 pa lang naman.

"Gumayak ka na." Wala na akong nagawa. Bakit ba parang may tinatago sa akin si, mama? Napansin ko na ito kagabi pa.

Naligo ako at nagbihis. Nagsuot ako ng sweat pants at yellow shirt na bigay sa akin ni, Ate. Sinuot ko rin ang salamin ko at kwintas na may palawit na buwan

Text ko na lang sila, Sir na papunta na ako sa kanila. Kinuha ko ang maliit kong bag at inilagay doon ang mga kailangan kong gamit.

"Ma, alis na po ako." Paalam ko kay mama. Maglalakad lang ako papunta kila Sir, malapit-lapit lang naman ang bahay nila sa amin.

"Hi, Vinci!" Si, Apple. Pinalapit nya ako sa kanya at may binigay sa akin.

"Pinapabigay sa 'yo ni mama." Hindi ko alam kung ano ito dahil nakakahon. Maliit lang pero mabigat.

"Buksan mo na dali!" Binuksan ko yon at nakita kong bracelet ang laman. Hala! Ang ganda!

"Apple, sigurado ka ba para sa akin 'to?" Tumango-tango lang sya. May tatlong star na nakapalawit sa bracelet at ang kulay ay peach. Ang ganda.

"Oo. Sinabi ko kasi kay mama yung nangyari noong nakaraan. Magpapasalamat sana sya sayo kaso hindi ka nya natyetyempohan. Kaya ayan." Kinuha nya ang bracelet at isinuot sa kaliwang kamay ko.

"Ano ka ba ang tagal na non. Tsaka yon naman talaga ang dapat kong gawin. Salamat dito, ang ganda." Ang ganda talaga. Bagay sa kamay ko.

"Salamat, Vinci. Mukhang may pupuntahan ka pa, sige na." Bago ako umalis ay niyakap ko sya. Hindi ko alam na gagaan pala ang loob ko dito sa babaeng ito.

"Ba-bye!" Umalis na ako.

Nandito na ako sa tapat ng bahay nila, Sir. Shuta, ang laki ng bahay. Pinindot ko ang doorbell. Bigla akong kinabahan, shems.

"Ikaw ba si, Vinci?" Lumabas ang isang babae na siguro ang edad ay nasa mid 30's. Siguro, asawa ito ni, Sir. Ang ganda nya. Kahawig nya si, San.

"Ako nga po, ma'am." Kinakabahan man, nakuha ko pang ngumiti. Naloloka ako. Shuta, baka mamaya... Ahhh! Bakit ko ba sya iniisip?!

"Huwag mo na akong tawaging, ma'am. Tita Yna ang itawag mo sa akin. Maybahay ni, Sonny. Come on, get inside." Ngumiti sya sa akin. Lalo akong napanganga nang makapasok ako sa loob, napaganda ng bahay nila. Beke nemen, paampon, charowt!

"Dito ka muna sa sala. May pinuntahan lang saglit si, Sonny. Tulog pa si, San." Iniwan nya na ako. Tulog pa? Anong oras na?

Ilang minuto din ang paghihintay ko bago dumating si, Sir. Hanggang ngayon ay tulog pa si, San.

"Vinci, kanina ka pa?" May dala-dala syang paper bag, siguro pinamili.

"Nako! Hindi naman-" Naputol ang sinasabi ko nang magsalita ang mama ni, San.

"Kanina pa sya. Hanggang ngayon nga ay tulog pa ang magaling mong anak." Hindi ba pwedeng gisingin yon? Tsk. Grabe naman pala.

"Pasensya na. Hindi kasi nagpapagising sa amin si, San kahit kailan. Babangon lang sya kapag gusto nya." Sabi ni, Sir. Hindi na lang ako kumibo.

"Ito, mag-meryenda ka muna." Biglang sumulpot si, Tita Yna dala ang isang platito ng chocolate cake at orange juice. Bigla akong napalunok. Naalala ko, hindi pala ako nag-agahan.

"Pagpasensyahan muna ang anak ko. Ganoon talaga yon." Napakamot na lang ako ng ulo.

Umupo ang mag-asawa sa harap ko at pinanood lang ako. Bigla akong nahiya.

"Ang cute mo, hija." Ngumiti lang ako. Shuta. Help naman, mga mare. Kinuha ko ang juice at lumagok doon.

"Bagay na bagay ka sa anak namin." Bigla akong nasamid sa sinabi ni, Sir. Inabutan ako ng tissue ni, Tita Yna. Bakit may ganitong anuhan?

I'm surprised to what they've said.

"Magluluto na muna ako ng tanghalian. Sonny, tulungan mo 'ko." Tumayo na ang mag-asawa at iniwan akong hiyang-hiya.

Bagay daw ako kay San, eh ang pangit ko. Anyways, nakita kong pababa na si, San. Bigla na naman akong kinabahan. Inayos ko ang pagkaka-upo ko at nagkunwari na hindi sya nakita.

"Ma." Grabe naman yung boses. Shuta, bakit parang bedroom voice? Shuta.

"May bisita ka." Hindi pa masyadong nakadilat ang mga mata nya. Tumingin sya sa gawi ko.

"Vinci." Kumalabog ng husto ang puso ko. Bakit ganon yung way ng pagtawag nya sa pangalan ko? Shuta, kung ano-ano na tuloy ang naiisip ko.

I closed my eyes empathically when I saw him popped up on my mind.

Naka-pajama pa sya at naka white shirt. He looks hella fine with that. Lumapit sya at tumabi sa akin. Bahagya akong dumasog.

"Kanina ka pa ba?" He pulled back his hair while staring at me. I immediately averted his sharp gaze.

"O-Oo." Bakit nauutal ako? Shuta. He moved more closer to me.

Kinuha ko ang juice at sa kasamaang palad, tumapon sa damit ko.

"Nako!" Dali-dali kong tinakpan ang dibdib ko. Masyadong nabasa ang damit ko.

"Go upstairs. First room." Sabi ni, San habang nakaiwas ng tingin sa akin. Tumakbo agad ako papunta sa taas.

Shuta, wala pa naman akong baong damit. Kwarto ata ito ni, San. Hinanap ko agad ang banyo. Hinubad ko ang damit ko at bahagyang binasa ang parte ng dibdib ko na nalagkitan.

Shuta, hindi ako nakakuha ng tuwalya. Paano ako lalabas dito? Naka-bra lang ako. Ahhh!! Shuta!

Iniligid ko ang mga mata ko dito sa loob ng banyo, nagbabaka-sakaling may tuwalya.

"Omo! Thank you!" Mabuti at may nakita ako. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

"Ang ganda mo pala, Vinci." Sabi ko sa sarili ko. Itinapis ko na ang tuwalya at lumabas.

I'm still at the point where sometimes, I get too emotional why am I like this and that but at the same time, I'm slowly appreciating my whole. Accepting all of these unique flaws.

"You have tattoo?" Nanlaki bigla ang mata ko. It's him. Nandito sya? Bakit hindi ko napansin? My cheeks immediately hit up.

"Ano..." Humarap ako sa kanya. Nakaupo sya sa kama at nakatitig sa akin. Shuta. Bakit ganyan sya makatingin? Is there something on my face?

Bigla syang tumayo at inabot sa akin ang isang t-shirt na itim. Kinuha ko yon at pinantakip sa katawan. Bigla akong namula nang maisip na nakita nya ang katawan ko kahit na nakatapis pa ito ng tuwalya.

"Can I see your tattoo?" Ang lapit namin sa isa't-isa, shuta. Bakit gusto nyang makita yon?

"Kasi... A-" Naputol ang sinasabi ko nang bigla nyang alisin ang damit na nakatapis sa katawan ko. Mabuti na lang at nakatapis pa ako ng tuwalya at naka-bra pa ako.

"Akin na nga!" Sigaw ko at kinuha ang damit sa kanya.

"Let me see your tattoo first." Napairap na lang ako. Tumalikod ako para makita nya yung tattoo ko.

"Okay na? Akin na yung damit." Humarap ako sa kanya at kinuha ang damit.

After he saw my tattoo, he grabbed my chubby waist.

"You're damn sexy." Bulong nya sa akin at lumabas na. Shuta, ano yon? His voice and that damn whisper is so- Oh my! Sinuot ko ang damit at naupo sa kama.

Anong ginagawa mo sa akin, San? Napahawak ako sa dibdib ko, ang lakas ng tibok ng puso ko.

Rainfall Amidst The HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon