10

47 3 0
                                        

Natapos na kaming kumain, papunta kami ngayon sa Watson kasama sila, San at Cayn. Ayaw nga nila sumama eh, pinilit lang ni, Green.

"Sugar pie, iihi lang ako saglit." Shuta. Anong klaseng endearment yon? Napaka-cheesy.

"Green, kilabutan ka nga. Ang pangit ng endearment nyo." Tumawa lang silang dalawa. Naiwan kaming tatlo dito sa tapat ng Watson.

"Bukas ba ako pupunta sa inyo?" Rinig kong tanong ni, Cayn kay San. Busy ako sa cellphone ko.

"Oo." Tipid na naman po magsalita si, San. Ibinaba ko ang cellphone ko at hinintay na lang si, Green.

"Kuya!" Napatingin ako sa likod ko nang may sumigaw. Gosh! Pagkakaguluhan ang dalawang 'to panigurado.

"Mga kuya, pwedeng pong pa-picture?" Apat silang babae. Sa tingin ko ay Grade 9 palang sila. Ang dalawa ay malayo sa amin at mukhang nahihiya sa dalawang nilang kasama.

"Sure. Sure." Sagot agad ni, Cayn. Pumwesto ang dalawang babae sa tabi ni, Cayn.

"Ate, paki-picturan po kami." Kinuha ko ang inabot nyang cellphone. Bahagya akong yumukod para makuha ang tamang angle.

"Isa pa po." Malayo si, San. Si, Cayn naman ay game na game na inakbyan ang dalawang babae. Napasigaw pa nga ang mga ito sa kilig.

"Here." Inabot ko sa kanya ang cellphone. Nakipagkamay si, Cayn sa dalawa. Si, San? Ayon, hindi man lang ngumiti sa mga picture.

"Ate, pa-picture din po ako." I smiled to them. Kinilig pa ang isa.

"Kuya, paki-picturan po kami." Inabot nya kay, Cayn ang cellphone nya. Pumwesto na ako. Shuta, paano ako makakapag-focus, nakatingin pala sa amin si, San.

Niyakap ko ang dalawang babae at ngumiti sa camera.

"Salamat po." Nagpaalam na sila sa amin. Dumating na rin si, Green.

"Tara na sa loob." Hinawi ko ang buhok ko. Bigla akong na-tense. Shuta. Papasok na sana kami sa loob nang may tumawag sa cellphone ko.

"Hello?" Naiistorbo ko pa yata yung tatlo kaya huminto muna kami.

"Vinci, can we meet? Sunday, I'll text you the address." Binaba nya na ang tawag. Napabuga ako sa hangin.

"Hey, why?" Tanong agad sa akin ni, Green.

"Si, RJ." Maikli kong sabi. Ginaya ko na sila loob.

"Bakit daw?" Sunod nya pang tanong. Nagulat ako nang hilahin ako ni San papunta sa gawi nya.

"Be careful next time." Sabi nya sa saleslady sa gilid ko. Nalaglag ang mga lotion na kanyang inaayos at muntik ng tamaan ang ulo ko.

"Pasensya na po Sir, Ma'am." Lumayo na ako kay, San. Naramdaman ko na naman kasi yung kuryente.

Naglibot pa kami. Nang mapagod kami ay napag-pasyahan na naming umuwi na.

"Vinci, uwi na ako. Papahatid ako kay, Cayn. Bye na, mare. Hoy! Ihatid mo sya sa sakayan ng jeep." Ang kapal ng mukha ng babaeng ito. Tawagin ba naman na hoy si, San.

"Bye na, mare." Niyakap nya ako at hinalikan sa pisngi. Bago pa sila umalis ay muli syang nagsalita.

"Hoy! Yung sinabi ko ah!" Hindi ba sya natatakot? Shuta talaga.

"Ang ingay mo. Cayn, iuwi mo na nga yan." Natawa ako sa sinabi ni, San.

"Bye guys!" Paalam ko kina, Green at Cayn. Naiwan naman kami ni San.

"Let's go." Nauna na syang maglakad, sumunod lang ako.

"Saan ba ang inyo?" Bakit nya tinatanong? Bigla tuloy akong kinilabutan. Sinabi ko kung saan ako nakatira.

"Ihahatid kita." Tumanggi ako sa sinabi nya pero nagpumilit lang sya.

"Baka magalit sa akin ang bungangera mong kaibigan." Tatawa ba ako? Anyways, pumayag na ako, sayang yung pamasahe.

Rainfall Amidst The HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon