34

20 1 0
                                    

Ngayon na ang exam namin. Maaga akong pumasok at habang nasa daan ako ay nagre-review pa rin ako. Medyo kinakabahan ako, shuta.

"Mars, may notes ka ba sa, General Math? Pahiram muna ako. Kulang kasi yung akin." Kinuha ko sa bag ko yung lecture ko about General Math.

Maya-maya lang ay dumating na ang unang exam paper. Layo-layo ang upuan namin. Kaya walang kopyahang magaganap.

"The first exam is, Earth and Life Science. I hope, everybody review their notes. Ang passing score ay kalahati pataas. If you get lower than the passing score, your score will not be recorded." Harsh naman. Kahit naman mababa ang score mong makuha ay kinakailangan pa ring ma-record.

"Ma'am, baka naman po madaan pa sa floor wax?" Bawal ang tumawa, Vinci

"Mahaba ang ibinigay sa inyong oras, kaya wala na akong magagawa kung hindi pa kayo pumasa." Narinig ko pa si, Green na bubulong-bulong.

Ipinamigay na ang papel. Nang makarating sa akin ang papel ay sinimulan ko ng sagutan.

"Tomorrow, after your exam, ia-announce na agad yung mga pumasa. Kapag nabanggit ang pangalan nyo sa mga pasado, maaari kayong makakuha ng scholarship." Napa-woah naman ako.

15 minutes ko lang na sinagutan ang first exam. Ipinasa ko agad yon at kumuha ulit exam paper. 4 ang exam namin ngayon, bukas naman ang apat ulit. Ang nakuha ko ay General Math.

Lumipas ang mga oras ay natapos ako ng maaga. Tiwala naman ako sa sarili ko na tama lahat ng mga sagot ko. Half day lang kami ngayon. Kailangan ko na ulit mag-review, pagdating ko sa bahay.

Naghintay ako ng ilang minuto dito sa labas ng room, hindi pa kasi tapos si, Green. Nag-suggest sya na, pumunta daw kami sa room nila, San pagkatapos namin.

"Hirap, shuta. Sana pumasa ako." Sabi nya, pagkalabas pa lang ng pinto. Matalino si, Green hindi lang halata.

"Mars, tara na." Holding hands pa kaming naglakad. Nang makarating kami ay nakita ko si San na may kausap na babae.

"Hoy!" Sigaw ni, Green. Grabe, parang sya pa yung girlfriend kesa sa akin.

Nang marinig ni, San ang boses ni, Green ay napatingin agad ito sa amin.

"San, si-" Natigil sa pagsasalita si, Green nang biglang mahilo at matumba ang transferee. Anong kagagahan yon? Tuwing nandito kami nahihilo sya? Shuta.

Sinalo naman sya agad ni, San. Nanlaki ang mga mata ko. Lumapit kami sa kanila.

"Ayos ka lang ba? Baka kailangan ka ng dalhin sa clinic?" Tanong ko. Hinawakan ko pa ang braso nya. Tiningnan ko ng masama si San.

"Don't touch me. I'm fine." Marahas kong inalis ang kamay ko. Hilu-hiluhan lang kasi ang peg.

"San, can I talk to you?" Hangga't maaari ay ayokong magawan ng masama ang babaitang ito. Nanggi-gigil ako, shuta.

"Okay. Let's-" Hinawakan nya pa ang laylayan ng damit ni San. Napataas ako ng kilay. Ano?

"Ehem. Pwede ba, huwag kang hawak ng hawak sa kanya?" Naiinis kong sabi. Naramdaman kong nagpipigil lang ng tawa si, Green.

"Bakit? Sino ka ba?"Nakataas na kilay pa nitong tanong. I crossed my arms.

"She's my girlfriend, Ellie. Don't raise your voice at her. You have no rights." Napahiya naman ito. Ngumisi ako sa kanya.

"If I saw you once again, holding my boyfriend's arms or so whatever. I swear, you will regret transferring here." Tiningnan ko sya ng masama.

"Vinci, let's go. Green, nasa loob pa si, Cayn. Hitayin mo na lang sya dito." Sabi ni, San. Hinawakan nya ang kamay ko at marahan akong hinila paalis sa harap ng room nila.

Kumukulo ang dugo ko sa babaeng yon. Nakakairita. Kung makakapit sa boyfriend ko parang linta. Argh!!

"Hey, I don't know that you can be an amazona when you are jealous." Natatawa nya pang sabi. Malaman-laman ko lang talaga na landiin nya ang boyfriend ko, magbabayad sya.

"Natatawa ka pa dyan. Huwag ka na ngang makikipag-usap don. Naiirita ako sa kanya." Nakarating kami dito sa mini forest ng eskwelahan.

"I don't know that your possessive side is hella attractive." Hinawakan nya ang kamay ko. Ganon-ganon lang ay nawala ang inis ko.

"Naiintindihan mo ba ako, Branwen?" Banggit ko sa apelyido nya. Natatawa syang niyakap ako.

"I honestly don't want to talk to her but she keeps on approaching me." Mukhang anghel tingnan pero may tinatagong kalandian. Napaka-harot naman pala nya.

"Sinasabi ko sayo, kapag nakita ko pang lumapit sayo ang babaeng yon, sasabunutan ko talaga sya." Tawa lang sya ng tawa.

"My baby is too cute to be jealous. Don't worry, even if she undresses in front of me, I will never be tempted at her." Kinurot ko sya. Sabi nga nila, huwag daw magsasalita ng tapos.

"Lumayo ka na sa kanya hangga't maaga pa. Baka may pagsisihan ka sa huli. Naiintindihan mo ba ko?" He cupped my cheeks and kissed my forehead.

"I will, love. Just trust me." He hugged me again. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa babaeng yon.

"I trust you." Kumalas sya sa yakap at hinalikan ang tungki ng ilong ko.

"Nood tayong sine." Napangiti ako. Alam talaga nya kung paano ako susuyuin. Mabilis ko syang hinalikan sa mga labi. Napangiti naman sya.

Rainfall Amidst The HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon