Nandito na kami sa loob ng sinehan. Ewan ko kung anong title ng panonoorin. Sabi naman ni, San ay maganda daw.
"Ayan na. Magsisimula na." Inayos ko ang upo ko. Katabi ko si, San. Busy na sya sa popcorn nya. May mga tao talagang mas nauunang pang matapos kumain kaysa manood.
"Huwag kang hihingi sa akin ah. Inubos mo na yung sayo." Namatay na ang ilaw.
Nasa gitnang bahagi na kami ng pelikula nang maramdaman ko ang ulo ni San sa balikat ko. Nagulat pa ako.
"San? Love." Tawag ko pero walang sumasagot. Baka nakatulog.
Nang matapos na ang palabas at muling nagbukas ang ilaw at nakita ko ngang tulog na si, San. Tinapik ko ang pisngi nya.
"Love," parang ako lang din yung kinilig, letche. Nagmulat sya ng mata at ngumiti sa akin. Ramdam kong pagod sya. His smile didn't even reach his eyes.
"We should go home, you're tired." Marahan akong tumayo. Naghikab pa sya. Lumabas na kami
"No, I want to spend more time with you." Sabi nya. Huminga ako ng malalim.
"But you're tired. Let's go home. Kaya mo pa bang mag-drive?" Tanong ko. Nag-aalala ako para sa kanya. Dapat hindi sya nagpupuyat lalo na kung hindi naman kakayanin ng katawan nya.
"I can drive you home." Hinawakan ko ang kamay nya at bahagyang pinisil yon.
"Pag-uwi mo sa bahay, magpahinga ka. You look so tired." Tumango lang sya.
Habang nagmamaneho sya ay panay ang hikab nya. Magko-commute na lang sana ako kaso baka kung anong mangyari sa lalaking ito.
"Nandito na tayo." Bumaba na ako. Hinintay ko syang makababa.
"Sleep well, okay?" Hinapit nya ang beywang ko at isinandal ang baba nya sa balikat ko.
"I really really want to spend more time with you. I'm sorry, love." Inilagay ko ang mga braso ko sa batok nya. At tinapik-tapik ang ulo nya.
"I understand, love. Priority yourself first. There's many more time for us but for now, you should get some rest." We stayed in that position for a minute or two.
"Go home now." Kumalas ako sa yakap at hinawakan ang magkabilang pisngi nya.
"I'm sorry again." Hinalikan ko sya ng mabilis sa mga labi. Nakita ko syang ngumiti.
"Argh! You gave me more hard time getting home. Your lips were what I need. Damn it." Hinalikan ko ulit sya ng mabilis sa labi.
"I love you. Everything about you is unique and that makes you more beautiful. I love you so so so much." Hinawakan nya ang batok ko at bahagyang ini-angat ulo ko.
"I love you more." Sabi ko bago nya ako masuyong halikan. Grabe talaga ang lalaking ito.
"Bye, love. I'm going home now. You should rest well too. I love you." Niyakap nya ako ng mahigpit bago sya umalis.
Pagkapasok ko sa loob, diretso agad ako sa kwarto ko. Kailangan ko na rin magpahinga.
Maaga akong pumasok ngayon. Hinawakan ko ang malamig na bagay sa leeg ko. Araw-araw ko itong suot, huhubarin ko lang kapag maliligo na ako.
"Mars, pinapabigay sa'yo ni, Cayn." Inabutan nya ako ng isang supot ng kisses at dalawang bar ng tobleron. Shet, favorite ko ang mga 'to, lalo na kung white chocolate ang flavor.
"Baka naman labag 'to sa kalooban ng boyfriend mo. Anyways, ba't may pa-ganito?" Kinuha ko ang mga tsokolate at inilagay sa bag ko.
"Umuwi yung mama nya galing trip abroad. Pinasalubungan sila ng sandamak-mak na chocolates at damit." Pinakita nya sa akin ang dress na nakalagay pa sa isang paper bag. Mukhang mamahalin ang tatak.
"Sabi ni, Tita Ciana. Binili nya raw talaga ito para sa akin. Tatlo nga ito oh. Mukhang binili pa sa isang sikat na boutique." Mayaman ang mga magulang ni, Cayn. Tulad ng mga magulang namin ni, San. Suporta rin sila sa relationship nila, Cayn at Green.
"Mars, ang swerte mo kay, Cayn at syempre, swerte rin si, Cayn sayo." Niyakap nya ako.
"Salamat, mars." Tumango-tango lang ako. Dumating na ang teacher namin.
Ipinamigay na nito ang exam papers. Nagsimula na akong magsagot. Sana pumasa ako dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/267493283-288-k985323.jpg)
BINABASA MO ANG
Rainfall Amidst The Horizon
Fiksi RemajaCompleted. Fat and ugly that's me, Vinci. Vinci Madeleine Avis a grade 11 student, HUMSS strand. 17 years old, future Police Detective. I want to achieve my goals first before I enter world of love. In short, study first bago harot. It's suddenly c...