Late na akong nagising. Lagot ako nito. Pagdating ko sa eskwelahan ay lakad takbo ang ginawa ko. Hindi ako pwedeng ma-late sa first subject namin, masungit pa naman ang teacher namin. Argh!!
"Aray ko!" Kakamadali ko ay nabunggo ako sa isang bulto ng lalaki. Hindi ako nag-aksaya ng panahon, hindi na ako tumingala pa para makita kung sino pa yon. Nagmamadali talaga ako.
"Pasensya na po, Sir. Mag-iingat po ako sa susunod. Pasensya na po ulit." Nagmamadali na akong lumakad at hindi na hinintay pa ang sasabihin nya.
Dumating ako sa room namin, sakto wala ang masungit na teacher namin. Nakita ko si, Green na may kaharutan. Ang aga naman ng babaeng ito.
"Hoy!" Sigaw ko kaagad sa kanya, pagkapasok ko. Nagulat naman sya at pinaalis na ang lalaking kausap na kaharutan nya.
"Nasaan yung teacher natin? Wala bang klase?" Nakita ko kasing busy ang mga kaklase ko sa kani-kanilang gawain.
"Absent si, ma'am ngayon. Hindi nakapag-iwan ng sasagutan." Salamat naman. Pinunasan ko ang butil ng pawis sa noo ko. Nilabas ko rin ang tumbler ko para uminom.
"Pinapatawag ka nga pala ni, Sir Branwen." Nasamid ako bigla.
"Hoy, ayos ka lang?" Marahan nyang tinapik ang likod ko. Biglang kumalabog ang dibdib ko.
"Bakit daw?" Nagkibit balikat lang sya. Mamaya pang 11:30 ang klase namin sa kanya.
Mabilis lumipas ang oras. Oras na ng klase namin para kay, Sir Branwen.
"Sir, pinapatawag nyo daw po ako." Malawak ang pagkakangiti nya. Bigla tuloy akong kinabahan.
"Follow me." Nagbubulungan na naman ang mga kaklase kong bubuyog. Ewan ko ba pero kinakabahan talaga ako. Sa office ni Sir kami pumunta.
"I'm going straight to the point." He said and glanced at me.
"Pumili ang faculties ng mga batang magre-repsent sa bagong club." Anong club? Shuta. Hanggang dito ba naman, pasasakitin ni, Sir ang ulo ko?
"Tatlo kayong magre-repsent. Isa sa ABM STRAND, HUMSS STRAND, at STEM STRAND." Biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang isang babae.
"Miss Madrid, have a sit." Umupo sya sa kabilang dulo ng silya. Eh ano naman ngayon kung hindi sya tumabi sa akin. Hmp!
"About sa bagong club. It was held by GAS STRAND. It's a General Academic Club." Napakunot ang noo ko. Hindi ba dapat ang GAS STRAND ang responsible sa mga bagay na ito?
Bumukas muli ang pinto at iniluwal nito ang isang lalaki. Umupo sya sa pagitan namin ng babae, medyo malapit sya sa akin ah. Nakita ko naman ang kasama naming babae na umismid. Shems, ang bango naman nya.
"Miss Madrid and Miss Avis, meet my son. San Branwen." Marahan kong sinilip ang katabi ko, wala itong imik.
"Nice to meet you, San." Paepal na sabi nung babaeng kasama namin. Inilahad pa nito ang kamay nya, hindi naman ito tinanggap ni San.
"Ehem. As I was saying..." Nakita kong tiningnan ng masama ni Sir ang anak nya. Parang ako ang natakot para sa kanya.
"Sir, hindi po ba ang GAS STRAND ang responsible dito?" I asked. I felt like there's an eye laid on me but I didn't mind it.
"Yun nga ang sasabihin ko sa inyo. Abala ang mga estudyante ng GAS, kaya humingi sila ng pabor sa atin. Ang gagawin nyo lang naman ay kumbaga, hikayatin ang mga estudyanteng nasa Grade 10 na hindi pa alam kung ano ang kukuhanin na STRAND na sumali sa General Academic Club para sa kanilang paghahanda." Ahh... Gets ko na.
"Anyways, it will only last for three days. Wala kayong dapat problemahin pa, dahil kami na ang bahala sa lahat ng malalaktawan nyo." Ayos. Nag-discuss pa si Sir. Saktong twelve ay pinalabas na kami. Nagugutom na ako.
"Miss Avis, stay for a minute or two." Sir naman, gutom na ako eh. Huhu.
"Anak, maiwan ka din sandali." Bahagyang nanlaki ang mata ko.
"Miss Avis, may pinanghahawakan kang posisyon, hindi ba?" Naramdaman kong napatingin sa akin si, San. Na-concious tuloy ako.
"You're consecutive honor student, right?" Medyo nahiya ako. Kahit honor student ako, hindi ko yon pinagmamayababg sa iba.
"I have a reward for you. You work so hard for this first semester, that's why I decided to pass you on this coming exam." What? Hey, oh my gosh!
"Sir, huwag na po. Baka po kung ano ang sabihin ng mga kaklase ko sa akin. Kaya ko naman po pag-trabahuhan ang marka ko." Baka sabihin pa ng iba ay may favoritism si, Sir.
"She's correct." Nagulat ako nang magsalita si, San. Grabe ang lalim ng boses nya.
"Ahm Sir, ibang reward na lang po. Hehe." Pagkain na lang kasi, matutuwa pa ako.
"Pwede po, pagkain na lang?" I said cutely. Napangiti naman si, Sir.
"Sure, Miss Avis." Pinalabas na ako ni Sir. Nagugutom na talaga ako.
"Hey." Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si San.
"Bakit?" Nakaka-intimidate ang kagwapuhan ng isang 'to para sa akin nakadagdag pa sa kagwapuhan nya ang hindi nya pag-ngiti. Ano ba 'tong sinasabi ko? Study first bago harot.
"Here." He handed me two chocolates. I just stared at it. Sayang naman ito kapag tinanggihan ko.
"Baka nagkamali ka? Para sa akin ba talaga-" Kinuha nya ang kamay ko at inilagay ang chocolate doon. I felt some electricity when he touched my hand. He then disappeared from my sight.
"Thank you!" Pahabol ko pang sigaw.
I twitched my lips. Wondering if the chocolates are really meant for me.
The day had passed like a minute and now, I'm going home. Kinda tiring but yeah, as a student, I need to endure all of it.
![](https://img.wattpad.com/cover/267493283-288-k985323.jpg)
BINABASA MO ANG
Rainfall Amidst The Horizon
Novela JuvenilCompleted. Fat and ugly that's me, Vinci. Vinci Madeleine Avis a grade 11 student, HUMSS strand. 17 years old, future Police Detective. I want to achieve my goals first before I enter world of love. In short, study first bago harot. It's suddenly c...