39

25 1 0
                                    

Habang nagwiwi-sikan kami ng tubig ni, Green ay may lumapit sa amin na dalawang lalaki. Mukhang ka-edad lang namin.

"Hi Miss!" Sabi nung isang kulay brown ang buhok. Hindi namin sila pinansin. Lumapit ito sa amin.

"Bro, the girl who wear white, she's mine." Rinig kong sabi nung isa. Siraulo 'tong mga 'to ah!

"Hey! Miss Cutie, can I join-" Lumapit na sa amin sila, San at Cayn. Walang expression ang pagmumukha nya pero kita mo ang galit sa mata nya.

"I think you should go now, before your face filled with blood." Galit na sabi ni, San. Pinaahon na kami ni, Cayn. Inabutan nya kami ni, Green ng tuwalya.

"Sino ka ba? Ang lakas ng loob mong pagsabihan ako nyan!" Sabi nung lalaking tumawag sa akin ng, Miss Cutie.

"Bro, let's go now. Baka kung ano pang mangyari sa atin." Sabi nung lalaking brown ang buhok.

"Tinatanong mo kung sino ako? Ako lang naman ang boyfriend ng babaeng binabastos mo. Ilayo mo na yang kasama mo, baka hindi ako makag-pigil suntukin ko na lang bigla yan." Sabi ni, San. Hinawakan ko ang kamay nya.

"Let's go." Umalis na kami. Nagpunta kami sa cottage. Hindi ako pinapansin ni, San.

"Cayn, iwan muna natin yung dalawa." Aalis na sana sila kaso biglang tumayo si San at umalis.

"Mars, sundan mo na." Ngumiti ako sa dalawa. Naiintindihan ko naman kung bakit sya nagagalit. Sino ba naman kasing matutuwa kung makita mo yung girlfriend mo na binabastos diba?

Tahimik ko lang syang sinundan hanggang sa makarating kami sa parte ng beach na halos wala ng tao. Tumigil sya sa paglalakad at tumingin sa akin. Napayuko ako.

"I'm sorry. I-" Niyakap nya ako ng mahigpit at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Alam mo naman na ayokong binabastos ka ng iba, diba? Alam mo ba kung anong pakiramdam na may lalapit na ibang lalaki sa girlfriend mo? Nakakasira ng ulo." Sabi nya habang nakayakap pa rin ng mahigpit sa akin.

"Mahal na mahal kita Vinci, sobra-sobra. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may lalaking nagkakagusto sayo. Hindi ko alam ang magagawa ko." Humiwalay sya sa yakap at hinalikan ang noo ko.

"Sobrang mahal kita kaya kita pino-protektahan sa iba. Pagdating sa'yo, madamot ako sa iba dahil sobrang mahal kita. I love you so much and it drives me crazy when others are so close to you." Tinitigan ko lang sya.

His words give me butterflies in my stomach. I love this side of him. He's being possessive but soft.

"Mahal na mahal kita. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala ka." Hinapit nya ang beywang ko. Pinalupot ko ang mga braso ko sa batok nya. Tinitigan ko ang mga labi nya.

Walang pag-aalinlangang hinalikan nya ako. Hinawakan nya ang batok ko. I close my eyes. Sa tuwing hahalikan nya ako para akong lumulutang sa ulap.

He gently bite my lower lip. Bakit kapag ginagawa nya yon? Lalo lang akong kinikilig. Shuta. Tumigil na sya pagkatapos non.

"Where's my, 'I love you?' Are you-" Hindi ko na sya pinatapos at hinalikan ulit sya. Naramdaman kong napangiti sya sa pagitan ng halik.

I gently bite his lower lip. Tinapos ko na rin agad ang paghalik sa kanya ng gawin ko yon.

"Why'd you do that to me? Damn. I want it again. You're a good kisser, baby." His voice became husky and it tickles me.

"I love you so so so much. I. Love. You. San." Ngumiti sya sa akin at muli akong niyakap ng mahigpit.

Bumalik na kami sa cottage. Magkahawak ang kamay namin. Sana hindi matapso ang araw na 'to.

Naabutan naming kumakain na sila, Cayn at Green ng tanghalian. Bigla akong nagutom. Inaya ko si, San.

"Bati na kayo? Mabuti naman. Siraulo kasing mga yon. Bakit naman kasi ang cute ng best friend ko? Hay, kung lalaki din talaga ako niligawan na kita." Sabi ni, Green habang nilalantakan ang seafoods na nasa plato nya.

"Should I distance her from you? Cayn, please collect your girlfriend." Natawa kaming tatlo. Uupo sana ako sa tabi ni Green pero biglang umupo si San sa tabi nya.

"Bro, hahahaha! calm down! She's just joking. Babe, come here." Kinurot ni, Green ang braso ni San bago lumipat sa tabi ni, Cayn.

"No, it's not a joke, Cayn. She was thick but beautiful, you know what I'm saying right? I honestly don't know why men most likely some girls with that sexy body and flat belly. For me, Chubby cheeks and fat belly is more attractive than sexy curves." My heart just melted.

"You're lucky for having my best friend. Sexy bodies are everywhere but chubby bellies are unique. I'm thankful for you for loving my best friend." Sabi ni, Green. Gusto kong maiyak sa sinabi ni Green.

I mean... We all know some men don't like chubby and fat girls because they are too big and thick. Kung sa bagay, hindi naman natin sila mapipilit sa kung sino ang gugustuhin nila. Chubby or sexy, thin or thick, we all deserve to be loved, respected and accepted.

Rainfall Amidst The HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon