Anong oras na ako nakatulog kagabi. Kanina pa ring ng ring yung cellphone ko pero hindi ko sinasagot. Wala akong lakas para bumangon dahil antok na antok pa ako.
"You look like an angel." Hanggang sa pagtulog ko ba naman San. Pero enebe.
"San..." Nanaginip yata ako. Inunat ko ang mga kamay ko at naghikab. Minulat ko ang mga mata ko at nakita si San na nakatitig sa akin.
"Kanina ka pa ba dyan?" Naghuhurumintado kong tanong. Nakakahiya, baka naamoy nya yung hininga ko.
"Sakto lang." He said while smirking. Naka-sando lang ako at short. Naramdaman kong wala ang kumot sa katawan ko. Shuta, kaya naman pala.
"Bastos!" Sigaw ko at pinalo ang braso nya. Umupo ako at inabot ang kumot ko. Bakit ba kasi ang likot kong matulog?
"You're damn sexy. Do you still need that blanket? When I already saw your damn perfect curves." Bigla akong namula. Grabe, bakit parang nai-imagine kong nakita nya na ako- Ahh!!! Shuta!! Hindi ko dapat iniisip yon!
"Bwisit ka! Bastos!" Tinakpan ko ang katawan ko ng kumot. Tawa lang sya ng tawa habang pinapalo ko sya sa braso.
"But seriously, your curves were fucking hot. Those chubby thighs, soft belly, and..." Tumingin sya sa may bandang dibdib ko. Hinampas ko sya ng unan.
"Napaka-bastos mo! Lumabas ka na nga! Ang aga-aga eh!" Ewan ko ba pero shuta kinikilig pa ako kahit minamanyak na ako ng hinayupak na 'to.
"What? I'm just stating the fact. You're just a dirty minded. I'm just complementing your perfect shape." Parang ganon na din yon. Shuta.
"Ewan ko sayo. Lumabas ka na don. Magbibihis na ako." Tumayo na ako. Bakit kasi ngayon ko pa naisipang magsuot ng short at sando?
"You're blushing." Napapikit na lang ako. Hindi talaga sya titigil. Oo na, kinikilig na. Bwisit. Humarap ako sa kanya at inirapan.
"Kinikilig ako, happy?" He grinned. I bit my lower lip. Damn it. He looks hella sexy.
"Where's my kiss? Give me my kiss." Umiling ako. Hindi pa ako nag-sisipilyo ng ipin.
"Hindi pa ako-" Lumapit sya sa akin at hinapit ang beywang ko. Hinawi nya ang buhok ko na nakatapal sa mukha ko. Biglang kumalabog ang dibdib ko.
"You're perfect for me. Everything in you is perfect. Now, give me my kiss or else I will do the french kiss." Nakangisi nyang sabi. Shuta naman. Mabilis ko syang hinalikan sa labi.
"Okay na? Lumabas ka na don." Tinulak ko na sya. Tatalikod na sana ako sa kanya nang hilahin nya ako at hawakan ang batok ko at siilin muli ng halik.
The same passionate kiss. Before he ended the kiss, he gently bit my lower lip. Making sure that he will not hurt my lips. I giggled after that.
"Magbihis ka na. Hihintayin kita sa baba." Before he leave, he kissed my forehead.
Pagkalabas nya ng kwarto ko ay nagsisi-sigaw ako. Pero syempre mahina lang. Pocha. Kinikilig ako, shuta. Bakit ang sarap nyang humalik? The way he gently bite my lower lip is so- Oh my! Letche naman!!
Nagsuot ako ng sweat pants at t-shirt. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako. Dala ko lahat ng notebook ko na may lecture. Naabutan kong tinuturuan ni San ang kapatid ko sa sinasagutan nya habang kausap sya ni papa.
"Pa," tawag ko. Wala dito si mama at, Ate siguro ay nasa kusina at nagluluto.
"Vinci, anak. May pinag-usapan lang kami." Tumingin ako kay San. Sinenyasan nya ako na sasabihin nya yon sa akin mamaya.
"Kain na! Hijo, dito ka na kumain!" Rinig kong sigaw ni mama mula sa kusina. Inaya ko na sila sa kusina.
"Tita Vinette, Tito Vino, ipagpapa-alam ko po sana si, Vinci." Kanina pa sya dito sa bahay, hindi nya pa sinabi.
"Saan?" Sagot ni mama. Kumuha ako ng pagkain. Nilagyan ko rin ng pagkain ang plato nya.
"Bukas po sana. Dadalawin ko po ang Lola at Lolo ko, isasama ko po sana sya." Nanlaki ang mata ko. Napatingin ako agad sa kanya.
"Malapit lang ba? Mga anong oras?" Si papa. Kinulbit ko sya. Wala akong alam sa plano nya.
"Opo, sa kabilang bayan lang po. Mga 2:00 PM po. Ihahatid ko naman po sya pabalik." Pumayag sila mama at papa.
"Paalala ko lang, next week na yung exam nyo." Si, Ate. Ay! Oo nga pala! Next week na yon, Thursday and Friday.
"Mag-review kayo hanggang nandoon kayo. Wala dapat naa-aksyang oras." Dugtong pa nya. Naiintindihan ko naman si, Ate.
BINABASA MO ANG
Rainfall Amidst The Horizon
Ficção AdolescenteCompleted. Fat and ugly that's me, Vinci. Vinci Madeleine Avis a grade 11 student, HUMSS strand. 17 years old, future Police Detective. I want to achieve my goals first before I enter world of love. In short, study first bago harot. It's suddenly c...