Tahimik lang kami sa byahe. Sinuot ko ang headset ko at umidlip. Gigising na lang ako, malayo pa naman.
"Hmm..." Habang nakapikit pa ang mga mata ko ay inunat ko pataas ang mga kamay ko. Idinilat ko ang mata ko at nagulat ako sa nakita ko.
"Anong g-gingawa m-mo?" Si, San. Ang lapit ng mukha nya sa akin. Nakatingin sya sa pagmumukha ko. Bigla tuloy akong nahiya.
"B-Bakit mo a-ako tinititigan?" Ibinaba ko na ang mga kamay ko. Shuta, bakit ba titig na titig naman Ang lalaking ito sa akin? Kinkilabutan ako na ewan.
"Nandito na tayo." Umusog sya. Sinilip ko ang labas at nandito na nga kami. Pero shuta mga mare, bakit... Argh!!
"S-Salamat." Inalis ko ang seatbelt ko at kinuha at isinuot ang bag ko. Bababa na sana ako nang hawakan nya ang kamay ko.
"Take it. Nakuha ko kanina sa clawbert machine nung naglaro ako." Inabot nya sa akin ang isang maliit na stuffed toy na prutas na orange. Ang cute.
"Bakit sa akin mo binibigay? Ayaw mo?" Inirapan nya ako. Aba! Marunong palang umirap ang lalaking ito.
"Kukunin mo ba o hindi?" Naiirita nyang sabi. Kinuha ko na, mahirap na, baka iba magalit ang lalaking ito.
"Anyways, salamat dito, ang cute. Favorite ko ang orange, salamat ulit dito. Bye na." Nagpaalam na ako at bumaba na sa kotse nya.
"Salamat ulit, San." Sabi ko, bago nya itaas ang bintana ng kotse nya.
"You're always welcome, Vinci." He then genuinely smiled at me. What the hell just happened? Did he really smiled at me? Oh my! Ang gwapo, shuta. Ackkk.
Pumasok na ako sa loob. Diretso ako sa kwarto ko at nahiga. Anong nangyayari sa akin? Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko kapag malapit ako sa kanya?
Sa akin lang ba sya ngumiti ng ganon? Nararamdaman nya din kaya ang kuryente kapag nagkakadikit ang mga balat namin? Ako lang kaya ang binibigyan nya ng chocolates at stuff toy? At higit sa lahat, ako lang ba ang tinititigan nya ng ganon?
"Ahhh! Shuta!" Nagpaikot-ikot ako sa higaan ko. Hindi ko alam kung anong nagyayari sa akin. Letche.
Maya-maya pa ay may tumawag sa cellphone ko. Si, Green. Sinagot ko agad yon.
"Hello, mars. Nakauwi ka na ba? Hinatid ka ba ni, San o nag-commute ka?" Sunod-sunod nyang tanong. Huminga muna ako ng malalim bago sya sagutin.
"Nakauwi na ko. Hinatid ako ni, San. Binigyan nya pa nga ako ng stuff toy eh." Kwento ko ba kay, Green yung nangyari? Shuta.
"Green," tawag ko sa kanya sa kabilang linya. Shuta, hindi ko pa nga naiku-kwento ang nangyari, nai-imagine ko na ang reaction nya.
"Oh?" Inilayo ko ang cellphone ko at inilagay sa loud speaker. Mahirap na, baka bigla akong mabingi ng wala sa oras.
"Kanina si, San. Nakatulog kasi ako sa byahe. Tapos nung nagmulat ako ng mga mata ko, nagulat ako, nakatitig sya sa akin. Ang nakakahiya pa dito ay nag-unat pa ako habang nakapikit." Napatakip ako sa mukha ko nang maalala ang pangyayaring iyon.
"Ahhh!! Shuta ka mare!!!" Natawa ako. Sinasabi ko na nga ba at sisigaw sya.
"Alam mo, shuta ka. Bakit naman ganon, mars? Pocha!" Lalo lang akong natawa nang magmura sya.
"Anyways, baka naman kasi nakanganga ka pa habang natutulog." Natigil ako sa pagtawa nang marinig ko ang sinabi ni, Green. Hindi naman ako ganoon matulog.
"Hindi noh! Baka na-curious lang sya sa panget kong mukha." Yun lang naman ang nakikita kong dahilan.
"Alam mo, bahala ka na dyan. Ang sa akin lang, ang haba ng buhok mo, shuta ka." Binaba nya na ang tawag. Humiga na ulit ako sa kama.
Ayokong i-over view ang mga nangyari, nakaka-distract lang sa pag-aaral ko. Ahh! Ayoko ng isipin yon. Magpapahinga na muna ako.
Paidlip pa lang ako nang may biglang tumawag. Si Ate Vini.
"Hello, Ate?" Ngayon na lang sya ulit tumawag sa akin. Nasa abroad kasi sya at nagtra-trabaho bilang isang receptionist sa isang sikat na hotel.
"Namiss ka ni Ate, namiss mo ba ako?" I giggled. Bumangon agad ako at bumaba.
"Oo naman, Ate. Teka lang, eto sila mama." Sinenyasan ko si mama na tumatawag sa akin si Ate.
"Anak, kamusta ka dyan?" Tanong agad ni mama. Ang tagal na rin kasing hindi umuuwi ni, Ate. Mag-iisang taon na.
"Okay naman ako dito, ma. Kayo dyan?" Nagchikahan pa sila ni mama.
"Ate, kailan ka uuwi?" Tanong ng kapatid ko. Excited lang 'to sa pasalubong eh!
"Secret. Ba-bye na." Binaba nya na ang tawag. Secret-secret pa. Nami-miss ko na si, Ate.
BINABASA MO ANG
Rainfall Amidst The Horizon
Teen FictionCompleted. Fat and ugly that's me, Vinci. Vinci Madeleine Avis a grade 11 student, HUMSS strand. 17 years old, future Police Detective. I want to achieve my goals first before I enter world of love. In short, study first bago harot. It's suddenly c...