Nandito na kami sa loob ng, WALTER MART kung nasaan ang, World Of Fun. Hinihintay ko lang si, San na nagpapalit ng token.
"What do you want to play?" Gusto ko yung basketball. Hinila ko sya kung saan nandon ang basketball.
"Let me place a bet. If I win this game, you will kiss me in front of people and if you win this game, you won't kiss me for 2 hours." Ba't unfair? Pag nanalo sya may kiss sya sa akin, bakit ako wala?
"Daya naman." Nagpapa-padyak pa ako ng paa. Nakakainis. Kapag nagpatalo ko, advantage sa kanya yon.
"Game?" He smirked. Kung hindi ko lang mahal ang lalaking ito baka kung ano na ang nagawa ko.
"Game." Parehas kaming naghulog ng token. Sa una ay sya ang nakakalamang pero humabol ako.
"Yehey! Yes! Nanalo ako!" Nagtatatalon ako. Pumalatak naman sya. Alam ko naman na hindi nya matitiis na hindi ako halikan.
"Okay, you win." He hugged me. Marahan ko syang tinulak, ang daming tao.
"I'll buy some snacks, wait for me here. You can play again." Tumango lang ako. Naghulog ulit ako ng token at naglaro.
Tuloy-tuloy lang ako sa pag-shoot ng bola, hindi ko na nga napapansin kung nashu-shoot pa ba.
"Hey, slow down. You might hurt yourself." Natigilan ako sa paglalaro nang may marinig akong boses.
"Nice seeing you here, Miss Cutie." He then let a playful smile. I remember his face but I don't remember his name.
"I have a name and it's not Miss Cutie, Sir." He crossed his arms and look straight into my eyes.
"Sir? Am I that old looking? If I remember correctly, I'm just 18 years old." Umirap lang ako.
"Pwede ka bang tumabi? Dadaan ako." I also crossed my arms. He let a playful laugh.
"You're more cute when you're annoyed. Kino, if you don't remember me." Inilahad nya ang kamay nya sa akin, tinitigan ko lang yon.
"Okay, thank you for the handshake." Wala ba syang mabwisit at ako ang iniinis nya?
"I don't have time for a flirty guy. Can you please move so, I can finally get out of here, Kino?" Napaubo naman sya. Tumabi sya sa isang gilid para ako makadaan.
"Ouch! You got me. Anyways, see you when I see you, Miss Cutie." He said. Lumabas na ako. I see that he's a playboy. Tsk.
I saw, San walking towards me. May dala syang shawarma at bottled water. Hindi ko na sya hinintay na makapunta sa akin, lumapit na agad ako sa kanya.
"You're tired of playing? C'mon let's eat this before it cools down." Humanap kami ng pwesto.
Nang makatapos kami kumain ay naglibot na lang kami at nang mapagod ay umuwi na.
"Tomorrow, I'll fetch you in your house." He held my hand and gently squeezed it.
"You shouldn't be nervous. Mabait ang Lola at Lolo ko, sigurado akong magugustuhan ka nila." He sweetly smiled to assure me.
Lunes na naman. Kahapon ay nagpunta ako sa bahay ng Lolo at Lola ni San. Nung una ay kinakabahan ako dahil iniisip kong baka hindi nila ako magustuhan. Kalaunan ay parang mas ako pa yung apo kaysa kay San.
Ginayak ko na ang mga gamit ko. Pag-uwi ko nga pala kahapon, nag-review ulit ako. Baka maging busy ako ngayong linggo.
Nandito na ako sa eskwelahan. Abala na ako sa pagre-review habang wala pa ang teacher namin.
"Mars, nakita mo na ba 'to?" Pinakita ni, Green sa akin ang cellphone nya kung saan nakalagay sa isang website ang mukha ng isang babae.
"Hindi. Bakit?" Tanong ko sa kanya habang nagbabasa.
"Transferee. STEM STUDENT. Nalipat sya sa section nila San at Cayn. Nakalagay dito sa header ng article, 'The pride of **** School just newly transferred in **** School'." Natigil ako sa pagbabasa.
"Tingnan mo, ang ganda nya, mukhang model. Ang ganda ng hugis ng katawan at may porselanang kutis. Sigurado ako, pagkakaguluhan ito ng mga lalaki." Ang ganda nga nya. Bigla tuloy akong nanliit.
"Anyways, kailangan nating pumunta ngayon sa room nila, San at Cayn, may inuutos sa atin si, Sir Branwen." Napakamot ako sa ulo.
Iba ang pakiramdam ko sa babae na yon. Hay! Hindi dapat ako nag-iisip ng ganon.
![](https://img.wattpad.com/cover/267493283-288-k985323.jpg)
BINABASA MO ANG
Rainfall Amidst The Horizon
Teen FictionCompleted. Fat and ugly that's me, Vinci. Vinci Madeleine Avis a grade 11 student, HUMSS strand. 17 years old, future Police Detective. I want to achieve my goals first before I enter world of love. In short, study first bago harot. It's suddenly c...