17

40 3 0
                                        

Nag-aayos na ako para sa pupuntahan namin na debut party. Gusto ko sanang mag-dress kaso baka mag-mukhang suman lang ako. Tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si, Green.

"Hello, mare. Ano suot mo?" Bungad nyang tanong. Sigurado naman ako naka-dress sya. Sanaol na lang.

"Gusto ko sanang mag-dress kaso baka mag-mukhang suman lang ako." Hindi na ako naglagay ng makeup dahil kuntento na ako sa itsura ko. Kinulot ko lang ang dulo ng buhok ko at inayos ang bangs ko.

"Alam mo, mag-dress ka na. Minsan lang 'to, mare." Napabuga ako sa hangin. Pumunta ako sa tapat ng aparador at naghalungkat.

"Mars, sa tingin mo, bagay sa akin?" Tanong ko. Nakakita na ako ng dress. Eto yung binigay sa akin ni, Ate nung unang uwi nya dito.

"Lahat naman bagay sayo. Sige na. Magpaganda ka. Nandoon si, San. Ba-bye." Pinatay nya na ang tawag. The dress is simple but elegant. It was plain square neck puff sleeve dress. The color is beige.

Sinuot ko na ang dress at tumingin sa salamin. Hanggang tuhod ang haba sa akin ng dress. Nakikita ang mataba kong hita. Anyways, Wala na akong pakialam don, ang ganda ko ngayon. Nakikita rin ang tattoo ko sa likod. It makes me look cool and pretty at the same time.

Hindi masyadong halata ang malaki kong tyan. Umikot ako. Ang ganda-ganda ko.

"Ganda naman." Napatigil ako sa pag-ikot nang marinig ang boses ni, Ate.

"Dalaga na ang pangalawa namin." Lumapit sya sa akin at hinawakan ang damit kong suot-suot.

"Bagay na bagay sayo." Ngumiti sya sa akin. Kinuha nya ang sandals ko sa lalagyan ng sapatos.

"Wala munang high heels, okay?" Tumango ako. Hindi naman ako sanay sa mga matataas na sapatos. Okay na ako dito. Sinuot ko na ang sandals.

"Ate, ayos lang ba? Hindi ba ako mukhang suman o ano?" Sunod-sunod kong tanong. Ngayon lang kasi ako nakapag-suot ng ganito.

"Ayos na ayos. Ang ganda-ganda mo." Na-touch naman ako. Pero seryoso, ang ganda ko nga.

Tumunog na ang cellphone ko. Tumatawag si, Cayn. Sinagot ko agad yon.

"Hello? Nasaan na kayo? Nakagayak na ako." Lumabas na si Ate.  Four o'clock na ng hapon. Kailangan daw ay bago mag 4:30 PM ay nandoon na kami.

"Pasensya na, pard. Hindi ko pa nasusundo si, Green. Tumulong pa akong mag-ayos sa venue. Tinawagan ko na si San. Sabi ko, sunduin ka nya." Bakit kay, San? Umiiwas na nga ako sa lalaking yon.

"Sige. Sige. Ingat kayo." Binaba ko na ang tawag. Sa labas na lang ako maghi-hintay.

"Ma, aalis na po ako!" Sigaw ko. Nasa kusina kasi si mama, nagluluto ng hapunan. Wala pa ang kapatid ko. Mabuti na lang talaga at maaga kaming pinauwi.

"Sige, mag-iingat ka roon!" Sigaw naman nya pabalik. Nakita kong papalapit sa akin si, Ate.

"Mag-iingat ka roon. Enjoy." Hinalikan nya ako sa noo at inabutan ng pera.

"Salamat, Ate. Ba-bye na po." Lumabas na ako. Dala ko ang maliit kong bag. Nakasuot ako ng salamin at mask. Scroll muna ako sa, Facebook.

Maya-maya lang ay may tumapat sa akin na sasakyan. Si, San na ito panigurado. Bubuksan ko na sana ang pinto nang bumaba ang sakay nito.

He was dazzling in his plain light brown polo and pants. The sneakers fits perfectly fine in his outfit. Ang gwapo, shuta.

"Quit staring." Napayuko agad ako. Bakit ba sya ganyan sa akin? May nagawa ba akong masama? Parang ang lamig-lamig ng pakikitungo nya sa akin.

Pinagbuksan nya ako ng pinto. Pumasok na ako. Nag-cell phone na lang ulit ako.

"You're pretty stunning." Nanlaki ang mga mata ko nang banggitin nya yon. Ako ba ang sinasabihan nya?

"Ako ba?" Tinanggal ko ang mask ko at inayos ang bangs ko. Humarap ako sa kanya at nakitang diretso lang ang tingin nya sa daan.

"Silly, meron pa bang iba?" Oo nga naman? Nagtanong pa kasi ako.

"Salamat. Ikaw rin, ang gwapo mo." Napatakip ako sa bibig ko. Nasabi ko na naman ang hindi dapat masabi.

"Are you and... RJ in a relationship?" Napaubo akong bigla. Bakit gusto nyang malaman ang mga ganoong bagay?

"No. Walang namamagitan sa amin." Sabi ko. Anyways, bakit ko ba kailangang magpaliwanag sa lalaking ito?

Tumahimik na ulit kami. Ilang minuto pa ay dumating na kami dito sa venue.

Rainfall Amidst The HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon