03

79 3 2
                                        

Maaga akong pumasok ngayon, diretso agad ako sa, Umali Gym. Doon kasi gaganapin mamaya ang, Opening. Wala pang masyadong tao. Nasabihan ko na rin si, Green tungkol dito. Wala pa ngang ginawa sa akin kung hindi tuksuhin ako. Kasama ko daw ang Heart-throb ng STEM. Tsk.

Ang sungit kaya ng lalaking iyon. Parang araw-araw ay may dala-dalang sama ng loob. Hayst. Bakit ba yon ang iniintindi ko?

"Miss Avis, right?" Si ano 'to, yung kasama naming babae kahapon.

"Bakit? May kaila-" Tinapunan nya ako ng hawak nyang juice. Shuta, problema ba nito?

"Masyado kang epal. Akin lang si San!" Sinigawan nya pa ako. Wala man lang umaawat sa babaeng ito. Pinagtatawanan pa ako ng mga tao dito.

"Wala namang umaagaw. Tsaka, bakit mo ba ako binuhusan, ha?! Ano bang problema mo sa akin?!" Hindi ko na rin maiwasang magtaas ng boses. Hindi ako pinalaki ng nanay ko para lang maging isang api.

"Masyado ka kasing papansin. Lahat ng atensyon gusto mo na sa 'yo. Dapat lang sayo yan!" Kinuha nya pa ang harinang nasa mesa at isinaboy sa akin. Gusto ko na lang maiyak.

"Ang panget panget at ang taba mo pa. Dapat hindi ikaw ang napiling representative, kahihiyan ka lang." Umalis na sya. Kahit nanay ko hindi ako sinabihan ng ganon. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong pambu-bully.

Lumakad na ako palabas, narinig ko pang nagtawanan ang mga tao sa loob. Kung maganda ka at ikaw ang nabully. Maniwala ka sa akin, hindi ka nila tatawanan bagkus ay maaawa pa sayo. Pero kapag tulad kong isang panget at mataba, asahan mong halos maglupasay na sila sa kakatawa.

Wala eh, ganoon talaga. Magpasalamat ka na lang dahil binuhay ka pa sa mundo.

Lumilim ako sa isa sa mga puno at tinawagan ang kaibigan ko.

"Green, please help me." Naiiyak kong sabi.

"Vinci, a-are you crying? Hello? What happened? Sabihin mo sa akin at lagot sa akin ang mga hinayupak na yan!" That's why I love my best friend. Sya lang ang nakakaintindi sa akin.

"W-Wala naman. Natapunan kasi ako ng-" Pinutol nya ang sinasabi ko.

"Huwag ka na magpalusot. Papunta na ako dyan." Itinago ko na ang cellphone ko. Marahan kong pinunasan ang luha ko.

Dapat siguro hindi na ako ang napiling representative. Tama naman ang babaeng yon, isa lang akong kahihiyan. Hindi ako nababagay sa mga ganoong patimpalak.

"Oh my! What happened to you?!" Bulalas ni Green. May dala syang damit at tuwalya.

"Hey, tell me? Sino gumawa sayo nito?" Kita ko ang galit sa mga mata nya.

"Hayaan mo na. Ayos lang naman ako." Lalo lang akong naiyak ng yakapin nya ako kahit marumi ang damit ko.

"Sasabihin ko kay, Sir Branwen ang ginawa sayo. Sabihin mo sa akin kung sino ang gumawa nyan sayo." Umiling lang ako. Ayoko ng masangkot pa sa mga gulo at ayoko rin ako ang pagmulan ng samaan ng loob ni, Sir Branwen at yung babaeng yon.

"Halika, magpalit ka na." Jogging pants ang dala nya at t-shirt na kulay dilaw. Pumunta na kami sa malapit na comfort room.

"Are you now okay? I need to go, I still have to do some thing. I'm sorry, Vinci." I can feel the sincerity in her words.

"Why are you saying sorry? It's okay. I should be the one who will say it because I borrowed some of your time and might as well, I disturb you. Ahm, I'm sorry and thank you for this back up shirt." Niyakap nya ako at inayos ang buhok kong tumabon sa mukha ko.

"Iwas na iwas akong mahilo, sa english mo lang pala dudugo ang atay ko. Anyways, as always, pretty." Bago sya umalis ay ibinigay ko sa kanya ang isang malaking supot ng chichirya na baon ko.

"Suhol ba 'to?" Natawa naman kami parehas. Kinuha naman nya iyon at umalis na.

Bumalik na ako sa, Gym at naubutan na nagkakagulo ang mga tao.

"Sir, please. Sorry po." Si ano 'to yung nam-bully sa akin.

"My decision is final. Hindi na ikaw ang representative ng ABM STRAND. May kapalit ka na." Lumapit ako sa kanila.

"Sir, please!" Inalis ni, Sir Branwen ang kamay nyang nakahawak sa braso nito.

"Miss Avis." Nagulat ako ng tawagin ako ni Sir. Pinalapit nya ako sa kanila. Doon ko lang nakita at napansin na katabi pala ni, Sir ang anak nya.

"Say sorry to her." Hindi pinansin ni, Miss Madrid ang sinabi ni, Sir.

"Sir, ayos lang po ak-" Lumapit sa akin si, Miss Madrid at akmang sasampalin ako.

"You reached the line, miss." Hinuli ni, San ang kamay nya. Nagulat naman sya doon.

"Miss Madrid, you are suspended for three days." Walang pag-aalinlangang sabi ni Sir.

"Sya ang dapat umalis dito! Pinili nyo pang representative yan, kahihiyan lang ang dala nyan!" Pagkatapos nyang sabihin iyon ay padabog na umalis.

"Are you okay?" Tanong ni, Sir sa akin. Tumango lang ako. Bigla akong naluha.

"Why are you crying?" Pinaalis na ni Sir ang mga taong naki-chismis. I wiped my tears. It seems like the pain strikes me.

"Nothing, Sir." Ngumiti ako sa kanila. Pinapunta na niya ako at si, San sa backstage.

"Huwag kang mag-alala. Kung naiisip mong umalis dahil sa sinabi ng babae na yon, hindi kita papayagan. May. tiwala ako sayo, Miss Avis." Sabi ni, Sir bago kami iwan ni, San dito.

Walang kumikibo sa aming dalawa. Lumipas ang oras na walang kibuan sa aming dalawa.

"Fix yourself. The opening is near." Binasa ko ang text na natanggap ko. From, San. Lumingon ako sa pwesto nya pero diretso lang ang tingin nya.

Hindi ko alam kung saan nya nakuha ang number ko. Hindi ko din alam kung paano nalaman ni, Sir na binully ako. Bakit ba iniintindi ko ang mga bagay na yon?

Ang trabaho naming dalawa ay magbigay ng brochure sa mga estudyanteng nag-participate para dito sa opening. Ganito lang ang gagawin namin. Dapat nga ay idi-discuss pa namin kung ano ang kahalagahan sa pagsali sa club na ito. Pero tumanggi si, Sir dahil ayaw daw yon ni, San. Hindi kasi pasalita ang lalaking yon.

"Eto oh." Inabot ko ng nakangiti ang brochure na hawak ko sa isang babae pero tinanggihan nya yon at ang kinuha ay yung kay, San. Napabuga na lang ako sa hangin. Nagtitimpi na lang talaga ako.

Nakita kong naupo si, San sa isang gilid at binitiwan ang brochure na hawak nya. Tumayo lang sya nang maubos ang brochure na hawak ko.

Natapos ang araw at talaga namang nakakapagod ang ginawa namin. Uuwi na ako, gusto ko ng magpahinga. Masyadong maraming nangyari ngayong araw.

Rainfall Amidst The HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon