Hindi ako tinigilan ni, Green. Hanggang ngayon ay tanong pa rin ng tanong tungkol sa aming dalawa ni, San.
"Shuta, mare! Wait! Kailangan kong kumalma. Ahh! Pocha!" Pinaypayan nya pa ang sarili nya. Tawa lang ako ng tawa.
"Good morning, class!" Umayos agad kami ng upo. Si Sir Branwen. May dala syang envelope. Surprise quiz yan panigurado.
"Good morning, Sir!" Sagot naman namin. Sya nga pala, nalipat kami ng upuan, katabi namin ang desk ni, Sir.
"Surprise quiz. Kapag nakuha nyo ay kalahati pataas ng score, may reward kayo sa akin." Naghiyawan naman ang mga kaklase ko.
"Sir, ano yung reward?" Tanong ng isa kong kaklase. Nakikinig lang ako. Naisip kong bigla, alam na kaya ni Sir na- Gosh! Ayoko munang isipin yon. May quiz.
"Pasado kayo sa susunod na quiz." Hiyawan na naman ulit. Kinulbit ako ni, Green.
"Mars, alam mo na." Bwisit na babae 'to. Hindi kasi mag-review.
"Pakipasa ang papel papunta sa likod." Nang makarating na ang papel sa amin ay nagsimula na akong magsagot.
Malapit na akong matapos nang kalabitin ako ni Green. Walang maisagot ang babaeng ito.
"Mars, 10-15." Bulong nito. Sana lang talaga hindi kami mahuli ni Sir. Sinenyas ko ang mga sagot, gamit ang daliri ko.
"Yung tapos na, tumahimik." Tinaob ko ang papel ko. Nakita ako ni, Sir.
"Tapos ka na? Akin na, che-checkan ko." Binigay ko ang papel ko. Kinurot ni Green ang tagiliran ko.
"Shuta! Bakit ka ba nangungurot?!" Pabulong kong sigaw. Sinamaan nya ako ng tingin at nginuso ang papel kong na kay Sir.
"Magsagot ka ng sarili mo." Binelatan ko sya. Tinago ni Sir ang papel ko at sinabi ang score ko.
"Vinci, you got a perfect score. Congrats." Ngumiti lang ako. Nagugutom na ako.
Saktong 12 ay pinalabas na kami. Hindi makakasama sa akin si Green para makakain ng tanghalian. Kailangan nyang mag-practice para sa INTRAMS.
"Vinci," tawag sa akin ni, Sir. Kinabahan akong bigla. Malawak ang ngiti nya at hindi ko alam ang dahilan non.
"Kaninang umaga ay may sinabi sa akin si, San. He told me that he's already got a girlfriend. You know what I'm saying, right?" Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Nahihiya ako, shuta.
"I like you for my son. Even my wife was very happy after hearing about you and San starting to build a relationship. I'm so happy, seeing my son with the girl he loved." He was genuinely smiling at me.
"Sir, sa anak nyo nga po ako nagpapasalamat. I'm thankful that he changed me. Binago nya po sa akin ang lahat. Kapag kasama ko po ang anak nyo, pakiramdam ko po ay ibang-iba ako." I was thankful for him because he built up my confidence.
Nagpaalam na ako kay, Sir. Papalabas na sana ako nang matanaw ko si San, papunta dito. Napangiti ako. Nang makalapit sya ay hahalikan sana nya ako sa pisngi pero umiwas ako.
"Why?" Masungit nyang tanong. Nako, baka magtampo sa akin ito.
"Kasi a-" Pinutol nya ang sinasabi ko. Galit na.
"Let's eat lunch together. Follow me." Nauna na syang maglakad. Tahimik lang akong sumunod. Shuta ka self.
Papunta kami sa office ni, Sir. I try to talk to him pero pinangungunahan ako ng kaba.
Nang makarating kami sa loob ay walang tao. Naupo agad sya sa sofa. Ako naman ay naupo sa tabi nya. Hindi nya ako pinapansin.
"Uy, sorry na. Kasi-" Nagulat ako nang ilapit nya sa akin ang mukha nya. I don't know what's going on in his mind.
"Iniisip mo yung sasabihin ng ibang tao. Damn it. I am beyond proud having you but you're embarrassed having me. Do you really love me?" Puno ng galit ang mga mata nya. Napayuko naman ako. Galit sya sa akin kasi mas inuna ko pang isipin ang sasabihin ng ibang tao. Anong klaseng girlfriend ba ako?
"Okay, I'm sorry. It's just-" Hindi ko na tinapos ang sasabihin nya at hinalikan sya. Mabilis na halik lamang yon.
"I'm sorry. I really do love you. I'm sorry, kung inuna kong isipin ang sasabihin ng iba. Mahal kita San. Kahit kailan ay hindi kita kinahiya. I'm sorry." Tumayo ako para kumuha ng tubig pero hinila nya ako. Napaupo ako sa lap nya. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko.
"I understand, love. I'm sorry. Can I kiss you now?" Nakahawak ang kaliwang kamay nya sa beywang ko at ang kanan naman ay sa pisngi ko.
Nahihiya akong tumango. Napangiti naman sya at siniil na ako ng halik. Pinalupot ko ang braso ko sa batok nya. He kissed me with full of love. I groaned when he bit my lower lip. Naramdaman kong ngumiti sya sa pagitan ng halik. Tumigil na sya pagkatapos.
"Why are you groaning? Am I a good kisser?" Pinalo ko ang braso nya. Tinanong pa, alam naman nya. Tsaka ko lang naalala ang posisyon namin. Lumipat ako sa tabi nya.
"Ewan ko sayo." Napakagat ako ng labi. He's a good kisser indeed. Niyakap nya ako at isiniksik ang sarili nya sa akin.
"Your lips taste good. It's like, I ate vanilla ice cream. Damn it. I just want to kiss you all day." Shuta. Ang aggressive naman.
"Kumain na tayo. Nagugutom na ako, Mr. Good kisser." I teased him. Marahan nyang pinisil ang beywang ko. I bite my lower lip to stop myself not to moan.
"Naistorbo ko ata kayo." Napatingin ako sa may pinto. Si Sir. Wala man lang ginawa si, San at nakayakap pa rin sa akin. Sombrang lambot ko ba? Charot.
"Kumain na ba kayo?" Tanong sa amin ni Sir. Sobrang lawak ng ngiti nya. Kumalas na sa yakap si San. Hinawakan nya ang kanang kamay ko.
"Hindi pa po." Tumango si, Sir at pumunta sa maliit na kusina na nandito sa loob ng office.
"Even your hands are soft. Damn." Nakakarami na'to ah! Ang unfair naman! Bakit kapag sya yung ngmumura ng english ang sexy at ang hot pakinggan.
"Pakainin mo na sya. Salo-salo na tayo dito." Ipagsasandok pa sana ako ni San pero tumanggi ako. May kamay naman ako.
I really love having moment with him and of course with his family. I'm lucky to have this man.
BINABASA MO ANG
Rainfall Amidst The Horizon
Novela JuvenilCompleted. Fat and ugly that's me, Vinci. Vinci Madeleine Avis a grade 11 student, HUMSS strand. 17 years old, future Police Detective. I want to achieve my goals first before I enter world of love. In short, study first bago harot. It's suddenly c...
