CHAPTER 02

549 35 5
                                    

NARIAH RIYE VELNIROÑIA

Natawa ako ng mahina nang hilain ako ng batang babae. Tinignan ko ang maliliit niyang mga kamay. Ang labi niyang minana niya kay Sterm, ang mga mata naman niyang panigurado akong kay Sherria namana.

She's so adorable!

"G-Gusto ko po ng kulay ng buhok niyo po! B-Bakit parang magkatulad po kayo ng buhok nung kuyang n-nakita ko po kanina?"

Hindi ko alam kung kanino niya namana ang pagkadaldal niya. Halos tinatanong niya ang mga nakikita niya sa paligid. Ako naman ay sinasagot ang mga tanong niyang may halong kuryosidad. Hindi ko magawang mainis dahil sa pagkainosente ng batang ito.

Sana pala ay sinama ko si Keiro.

Hinihingal na napaupo ako sa upuan. Hindi ata siya napapagod maglakad!

"A-Ate needs to rest muna po. Okay lang sa iyo yun, little girl?" Malumanay kong tanong. Hindi ko naman nakitaan ng pagkalungkot ang kaniyang ekspresiyon bagkus ay umupo rin siya sa tabi ko at kinain ang hawak na mangga.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita  ko ang papalapit na si Sterm. Gulat rin siya nang makita niya ako.

"Nandito ka na pala Nariah!" Gulat niyang tanong. Nginitian ko naman siya. "Yes, kakarating ko pa lang naman." Sagot ko rito.

"How's Sherria?" Tanong ko kahit alam ko namang hindi niya sasagutin. Napaiwas siya ng tingin at lumapit sa kaniyang anak.

"Hey, sweetheart. Punta ka muna kina Tita Kiraiyah mo. Okay?" Malumanay niyang tanong rito. Ngumiti ang kaniyang anak at mabilis na hinalikan ang pisngi ni Sterm. Ngumiti si Sterm sa kaniya at hinalikan ang noo nito. Umalis na si Serene at pumunta sa dining room.

"She's still sick. I don't know what to do anymore. She rarely talks to me but I do understand her. Pero kailan man ay hindi niya kinausap si Serene. Naaawa na ako sa anak ko dahil palagi niyang sinasabi sa'kin na ayos lang sa kaniya kahit hindi siya kinakausap ng mama niya. I don't know what's going on with Sherria's mind." Kita ko sa mga mata niya na nahihirapan siya.

Napakagat ako ng labi at pinagmasdan si Serene na nasa kandungan ni Herkus. Hindi mo mahahalata na may pinagdadaanan ang batang iyon dahil palagi lang itong nakangiti.

"Where is Sherria right now?" Tanong ko.

"In Techreinal Town." Maikli niyang sagot na ikinatango ko.

"I'm going to visit her if I have time. Don't worry, I'm going to convince her." I assured him. Tumango nalang siya at pinasalamatan ako.

Pagod na napaupo ako sa upuan. I thought that everything is fine now. Mukhang mas malala ngayon kaysa noon kung saan mga estudyante palang kami.

"Long time no see, Ms. Head." Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. Napaawang ang aking bibig ng makita si Verto at Perry sa aking harapan.

"Oh, hello. Mukhang mas tumino kayo ngayon." Sarkastikong sambit ko. Napangiwi naman silang dalawa at umupo sa katapat kong upuan.

"Anong kailangan niyo?" Mapang-asar kong tanong. They looked at me amusingly.

"We can't still find him. Grabe si Cap ah anggaling magtago. Hanggang ngayon parang ayaw parin magpahanap kahit ilang taon na ang lumipas. Nakamove-on kana ba?" Napairap ako sa sinabi ni Verto. Niloloko ba ako ng isang ito o inaasar?

"You don't have to know." Masungit kong sagot.

"Ano ka ba pre. Kita mo naman sa mukha niya na hindi pa siya nakakamove-on. Alam mo namang malakas ang kamandag ni Cap sa kaniya. Walang magmomove-on sa magkakaibigang ito!" Rinig kong bulong ni Perry.

Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit ba ako ang pinagtripan ng dalawang ito?

"Oh? How about you, Perry? Bakit hindi ka parin sinasagot ni Mira?" Mapang-asar kong tanong na ikinanguso niya.

"Wala namang ganyanan, Ms. Head. Nako baka tumanda ka niyang dalaga." Napaawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. "Oh hell I care!"

"Joke lang! Ito naman 'di mabiro! Ganito nalang, samahan namin kayong dalawa ni Keiro bukas!" Napataas ang kilay ko sa kaniyang suhestiyon. "What do you mean?"

"Balak kasi namin ni Verto na bumisita sa puntod ni Mrs. Haruka pero hindi naman namin alam kung saan banda yung puntod niya." Wika niya. Tumango nalang ako sa suhestiyon niya at tinaboy silang dalawa ni Verto. I need a peace of mind.

Pumunta muna ako sa itaas at nagmasid-masid rito. I miss this hallway and also the paintings!

Natigilan ako nang parang kusang gumalaw ang aking mga paa sa isang painting. I felt a pang and bitterness in my heart. Nangilid ang mga luha sa aking mga mata.

Seryoso parin pala talaga ang mukha niya kahit noong bata pa siya. Nakita ko ang matamis na ngiti ng kaniyang ina at ama. Si Mrs. Haruka ay hawak ang bagong silang na sanggol na si Keiro habang ang kaniyang asawa naman ay nakahawak sa balikat ni Raiko habang nakangiti.

Natigilan ako ng dumapo ang aking tingin sa kwartong katabi ng painting na ito. Hanggang ngayon ay hindi parin ginagalaw ang silid na ito dahil hanggang ngayon ay nagbabasakali pa kaming babalik siya.

Alam kong babalik siya. Sigurado ako doon.

"Vera, lasing ka na! Tigilan mo na ang pag-inom ng alak, okay? Baka mapano ka pa!"

Napatingin ako sa baba nang marinig ko ang kalmadong boses ni Shean. Pinipigilan niyang kumuha pa ulit ng alak si Vera. Napailing nalang ako. Ganito pala siya maglasing.

Nawala ang aking ngiti nang makita ko ang senaryo sa baba. Lahat sila ay nagkakasiyahan at nagkakatuwaan. Mga masasaya silang nag-uusap at ang kanilang mga tinginan sa isa't isa ay puno ng pagmamahal maliban nalang kay Sterm na hawak ang mahimbing na natutulog na si Serene.

Nakaramdam ako ng pagkirot banda sa aking dibdib. Napaiwas ako ng tingin at binaling nalang ang atensiyon sa bintanang kita ang sinag ng buwan.

I'm fine.. I know I'm fine.. I just need to smile then everything will be fine, right?

Napahinga ako ng malalim at sumilip nalang sa malaking bintana na katapat ang buwan. Pinagmasdan ko ito at napangiti ng mapait.

"I want to turn back the time.." mahinang bulong ko kahit alam kong hindi naman ito magkakatotoo.

Napalingon ako sa aking gilid at may nakita akong nakalagay na locket pendant doon. Dala ng aking kuryosidad ay kinuha ko ito at binuksan. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang maliit na litrato ko rito. Nakangiti ako habang may pinagmamasdan na kung ano.

Nang marealize ko kung anong litrato ito, alam kong nung pumunta ako ng Elves Clan kasama siya ang litratong ito base pa lamang sa aking suot na mahabang hood.

Napakagat ako ng labi at napapikit ng mariin.

Kanino galing ang kwintas na ito? Nevermind.

Napalingon ako sa bintana nang bigla na lamang ito bumukas. Hindi ko mawari kung dahil ba ito sa hangin o kung ano.

Dahan-dahan akong lumapit rito habang isinisilid ko sa aking purse ang locket pendant na nakita ko. Itatanong ko nalang ito sa mga kasamahan ko kung kanino ang kwintas na ito.

Napahinga ako ng malaim at tumingin sa ibaba. Malakas na hangin lang naman siguro ang dahilan ng pagbukas ng bintana.

Napailing-iling ako nang makita ko ang isang bulto ng tao sa mga puno. Lumakas ang tibok ng aking puso at kinakabahan kong tinignan ang ibaba. Hindi naman siguro.

Panghahawakan ko pa ba ang sinabi niya?

Kasi kung oo.. Nakakapagod na. Pagod na ako.

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon