CHAPTER 16

415 25 2
                                    

VERA KLAIRE NYMPSON

"Come with me," napatingin ako kay Nariah nang sabihin niya iyon. Ako ba ang niyaya niya?

Lumingon pa ako sa aking paligid at takang tinignan si Nariah. "Ako ba?" Tanong ko rito.

"Ikaw lang naman ang kasama ko rito ngayon. Kaya sino pa ba?" Masungit niyang sabi. Nahihiyang ngumiti ako sa kaniya.

"Saan naman?" Tanong ko.

"Mission. Pupunta tayo sa abandonang bayan ng Meritorious." Aniya.

Napanganga ako sa sinabi niya at hindi makapaniwalang tumingin rito. "Hala! Seryoso ka? Akala ko ba naayos na ang bayan ng Meritorious? Huwag mong sabihing—abandonado na ito?"

"Yes, naging abandonado na ang bayang iyon. Wala ng gustong tumira sa bayan na iyon gawa ng sa aksidenteng nangyari noong bumalik tayo galing sa isla ng Cristoire." Sabi niya. "Paniguradong tinitirhan na iyon ng mga kung ano-anong halimaw."

Napakagat ako ng labi. "Anong gagawin naman natin roon?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin ng seryoso.

"Mag-iimbestiga. Iimbestigahan natin ang pinagmulan ng lahat. At mag-uumpisa tayo sa bayan ng Meritorious. Panigurado akong konektado ang mga rebelyon na iyon sa insidenteng nangyari sa bahay-ampunan." Paliwanag niya.

"Pero hindi ba ang suspetya ng Council noon ay ang mga dark clanners ang gumawa ng sunog na iyon?" Takang tanong ko sa kaniya. Mukha naman siyang natigilan na parang may narealize.

"Oh yes, I heard of it. Pero simula ng matalo natin ang mga dark generals ay wala na ulit akong narinig tungkol sa kanila. Mukhang hindi na sila nagpaparamdam pa sa atin o di kaya ay mahina na ang puwersa nila."

"Hindi kaya ay nagpaplano na ulit sila? I mean, mga dark clanners sila siyempre hinding-hindi nilang hahayaan na matatalo nalang sila ng ganoon diba? Paano kung bumalik ulit sila?" Pagbubuo ko ng mga konklusyong naiisip ko.

"Pwede rin nga siguro pero it's been years na. Do you think they will show themselves again?"

"Siguro? Hindi natin alam." Napanguso nalang ako.

Lumingon-lingon ako sa paligid. Kanina pa kasi kami nakatayo rito sa labas ng Lumen. Wala bang balak na gawin 'tong si Nariah? Mag-iisang oras na ata kaming nakatayo rito.

"Uhm, hindi pa ba tayo aalis?"

Lumingon siya sa'kin. "Oh, I almost forgot. Let's go." Nakanganga lang ako sa kaniya. Anong let's go siya diyan? Wala pa nang dumadaan na kung ano rito ah? Wala rin naman siyang hawak na susi ng portal para gumawa kaya aalis na agad kami?

"T-Teka! Hindi ba tayo babyahe?" Pagpipigil ko sa kaniya.

"No, maglalakad tayo."

Laglag panga ko siyang tinignan at mabilis na pumunta sa harapan niya saka ko siya hinarangan gamit ang dalawa kong kamay.

"Oy! Ang layo-layo ng bayan ng Meritorious dito sa Lumen! Anong sinasabi mong maglalakad tayo? Naalala mo na ba yung naging paglalakbay natin noong may misyon tayo papuntang isla ng Cristoire? It's a freaking hell! Ang layo-layo!" Sunod-sunod kong sabi sa kaniya.

Nahihibang na ba ang babaeng ito? Grabe siya!

"I know a shortcut, makakapunta agad tayo roon." Kibit-balikat niyang sagot. Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

May alam palang shortcut ang babaeng ito?

"Okay, okay. Siguruduhin mo lang na makakapunta agad tayo ro'n, Nariah ah! Kinakabahan pa naman ako lalo na't ikaw ang kasama ko." Nakanguso kong sambit sa kaniya. Umirap lamang siya at nauna ng maglakad kaya sumunod nalang ako ng tahimik.

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon