VERA KLAIRE NYMPSON
Nakaupo ako ngayon sa counter ng kitchen dito sa mansyon ng Origin Clanners. Pinapanood ko ngayon si Shean na maghiwa ng mga prutas para sa kaniya.
"How's your neck?" Tanong niya.
Ngumuso ako at hinaplos ito. Wala narin naman akong nararamdamang bakas ng kamay ni Sherria. Ang sakit rin palang manakal ng babaeng iyon, muntik na akong mawalan ng hininga.
"Eto nakakabit parin," sagot ko dahilan para samaan niya ako ng tingin.
"Nagtatanong ako ng matino."
"At sumasagot ako ng maayos." Depensa ko.
"Yeah, sa pamimilosopong pamamaraan."
"Pero tama naman ang sinabi ko."
Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi ako nagpatinag at gumanti rin sa kaniya ng sama ng tingin. Siya ay napabuntong-hininga at tumingin sa'kin ng mariin.
"You shouldn't have said that to Sherria. I know you know what happened to her, right?"
Yumuko ako at unti-unting tumango. "Sorry, I will apologize to her kapag dumating na sila."
Tipid siyang ngumiti saka lumapit sa'kin at mahinang pinatong ang kaniyang palad sa aking ulo at tinapik ito. "Good."
"I know you're not a bad person, Vera. I know every single detail about you."
Napangiti ako sa kaniyang sinabi. Nang dahil lang sa mga salitang iyon ay tuluyan ng nawala ang mga pagdududa ko sa sarili.
Habang nakaupo parin ako counter ng kusina ay hinila ko ang kaniyang kamay na may hawak na tinidor at hinigit siya papunta sa'kin para mayakap ko ang kaniyang leeg.
"V-Vera?" May pagtatakang pagtawag niya sa pangalan ko.
"Hmm?" Mahinang tugon ko.
"Are you sad of something? You're free to tell me whatever's on your mind. You know that I'm always here for you."
Ngumiti ako ng mapait. Lagi ko nalang yun naririnig sa mga taong sa huli ay iniwan at tinalikuran rin ako. Sawa na ako sa mga salitang walang kasiguraduhan kung totoo ba at sa mga pangakong hindi mo alam kung matutupad ba.
"Masama ba akong anak at kaibigan? Palagi nalang ako nagagalit sa kanila at sinasabihan sila ng mga masasakit na salita. Pakiramdam ko tuloy ay napakasama ko ng tao." Mahinang sambit ko sa kaniya.
Katulad nalang ng pagsagot ko at pagsasalit ng masasama tungkol sa sariling ama ko. Lahat ng mga hinanakit ko ay sa kaniya ko ibinuhos pati narin ang mga naipon kong sama ng loob.
Tapos yung kay Sherria, sinumbat ko pa talaga sa kaniya ang kamalian niya sa nakaraan kahit alam ko namang hindi naging madali para sa kaniya 'yon.
"Vera, you are not a bad person. It's natural to be angry with someone, especially if they've done something to upset you. However, it is still inappropriate to talk to them about unpleasant experiences or to remind them of their past, especially if it has caused them trauma." Pangangaral at pagpapagaan niya ng loob sa'kin. Unti-unti akong ngumiti at sumang-ayon sa sinabi niya.
Namangha ako sa paraan ng pangangaral niya sa'kin. Para bang pili ang mga salita niya na tiyak niya ay hindi makakasama sa aking loob sapagkat ay natulungan pa ako nitong mapagtanto ang sariling kamalian. Na hindi sa lahat ng bagay ay dapat pairalin ang sama ng loob.
I should apologize to my father and to Sherria.
Muntik na akong mapatalon sa gulat ng isubo niya sa'kin ang isang piraso ng hiniwang apple. Kinunotan ko siya ng noo at inirapan.
BINABASA MO ANG
The Unknown Rebels
Fantasy[CLANNERS 03] It's been years since the disappearance of Raiko, the Captain of Origin Clanners. It's also been years since the war ended. The Sinners finally rest in peace but how about the members of Origin Clanners? "I never imagined things would...