CHAPTER 01

967 37 3
                                    

NARIAH RIYE VELNIROÑIA

It's been 3 years since we graduated from the Lumen Academy. Limang taon narin ang lumipas nang matapos ang digmaan na iyon.

It's been 5 years but all of happened is still fresh in my mind.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa malalim nanaman ang iniisip ko ngayon. Hinilot ko ang aking sentido at nagsimula ulit pirmahan ang mga papel na nasa aking harapan.

Mahirap nga talagang maging isang head council. Temporary lang ang posisyon kong ito dahil hanggang ngayon ay hinahanap parin namin siya.

Ilang beses ko narin siguro pinagtangkaan ang buhay ko dahil sa sobrang hirap ng mga pinagdaanan ko bago ko naabot ang pagiging head council. Pero hindi ko magawang kitilin ang buhay ko lalo na't ako nalang ang natitirang kasama ni Keiro. Ayaw kong maranasan niya ang mag-isa.

Ako halos ang sumambot ng kasalanan ng dating head council. Kaya sa tingin ng ibang mga tao ay kasalanan ko ang lahat ng mga nangyari at nalaman pa nilang galing ako sa bayan ng Meritorious na siyang nagpahirap pa sa akin.

Ilang beses rin nilang pinagtangkaan ang buhay ko. Nagsend pa sila ng mga death threats sa bahay na tinitirhan ko ngayon. Sa bahay ko rin nakatira ngayon si Keiro. Ako ang nag-aalaga sa kaniya. Nag-umpisa narin siyang pumasok sa Lumen ngayong taon.

Napatingin ako sa aking kamay na may hawak na ballpen. Nanginginig ito na siyang tinakpan ko naman gamit ang isa kong kamay. Normal na sa akin ito, halos araw-araw na atang nangyayari ito sa akin.

But I can't lose hope. Naninindigan parin ako sa mga sinabi niyang magkikita ulit kami. I can wait even if it takes many years, as long as I can.

Kukunin ko na sana ang kape sa aking lamesa nang biglang bumukas ang pinto na siyang dahilan kung bakit natapon ang kape sa mga papel. Oh damn.

Natarantang kinuha ko ang tasa at inilipat ito sa kabilang lamesa tsaka ko naman pinunasan ang kapeng natapon.

"Hala! Pasensiya na po, head!" Napaangat ako ng tingin at nakitang si Kiraiyah pala iyon.

Umiling ako sa kaniya at sinenyasan siyang umupo. "No, it's okay. Papatuyuin ko nalang siguro ito." I assured her. Napakagat siya ng labi at napayuko na siyang ikinataranta ko.

"I-It's okay lang talaga! Don't worry that much! Hindi naman masyadong mahahalaga ang mga dokumentong natapunan." I lied.

Mahahalaga ang mga papel na natapunan ng kape dahil may mga pirma ito ng mga mahahalagang pinuno sa iba't ibang angkan. I guess kailangan ko nanaman sila hingan. I don't want Kiraiyah to feel guilty that's why I lied.

Umupo ako sa aking upuan at tinignan siya. Nginitian ko siya ng matamis at sinenyasang magsalita. "So.. what are you here for?" I asked. Si Kiraiyah ang kinuha kong assistant ko. Nagvolunteer siya at pinilit niya akong tanggapin kaya wala akong nagawa kundi ay tanggapin ito.

"Bumalik na ulit ang ibang mga miyembro ng Origin Clanners rito. They told me to inform you that there's a party tonight." She said.

Napatango ako sa kaniya. "Hindi ko aakalain na ngayon sila babalik upang gampanan ang pagiging miyembro ng Council."

"Hmm, do you have something else to tell?"

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon