CHAPTER 14

370 26 0
                                    

VERA KLAIRE NYMPSON

Kakaiba ang pakiramdam ko sa hangin ngayon. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay parang may kung anong iba ngayon sa paligid. Nagsisilantahan ang mga halaman at nawawalan ng kulay ang mga bulaklak. Tila ba ay katamlay nila ngayon.

Prenteng nakaupo lang ako rito sa sala ng mansyon habang umiinom ng tsaa. Maganda kasi ang gising at mood ko ngayon. Kasama ko rin ngayon si Sherria na masayang nilalaro si Serene. Nakarecover na si Sherria sa hospital kahapon at ngayon ay unti-unti na siyang nakikihalubiho sa kaniyang anak.

Halos maiyak na nga sa tuwa si Sterm sa nakita niya.

Napahalumbaba ako sa aking mesa at tinatapik lang ang aking mga daliri. Kahit good mood ako 'di ko maitatanggi na nabobored ako ngayon. Kami-kami lang ata nila Sherria ang narito sa mansyon ngayon. Busy raw kasi ang iba sa mga trabaho nila.

Si Arlvena naman ay 'diko alam kung nasaan. Basta nalang daw siya lumabas kanina sabi sa'kin ni Sherria. Nagmamadali raw ito na para bang may humahabol sa kaniya.

'Di nga ako masyadong nakatulog dahil sa tattoo na nakita ko sa tiyan niya. I swear to God na nakita ko na talaga dati ang ganoong marka pero hindi ko matukoy kung saan. Saan ko ba kasi nakita 'yon?

Nagsalin ulit ako ng tsaa saka ulit uminom. Bigla na lamang bumukas ang pinto na siyang ikinasamid ko sa aking pag-inom. Napaubo ako at tinapik tapik ang aking dibdib.

Darn, nakakagulat 'yon ah!

Napalingon ako sa pinto at agad akong napatulala sa aking nakita. Nasa harapan ng pinto si Kiraiyah na may mga talsik pa ng dugo sa mukha at ibang parte ng katawan. Parang walang buhay siyang nakatayo sa pintong iyon.

"K-Kiraiyah?" Mahinang tawag ko. Tumingin siya sa akin at bigla na lamang siya napaupo at umiyak na parang bata sa harapan namin.

Agad namin siyang dinaluhan ni Sherria.

"Why? May nangyari ba?" Malumanay kong tanong sa kaniya. Unti-unti siyang tumango at mas lalo pang napaiyak.

"Hala ka... Mas lalo mo pang pinaiyak!"

Tumingin ako kay Kiraiyah at pinagmasdan ang kabuuan nito. Puro dugo ang buong katawan niya, saan naman nanggaling ang mga dugong iyon?

Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang tuluyan ko ng mapamilyaran ang mga dugong nakakalat sa kaniya. Napalayo ako sa kaniya at nanlalaking mata na tinignan siya.

B-Bakit dugo ni Arlvena ang naamoy ko sa kaniya? May nangyari ba?

Sabay-sabay kaming napalingon ng makarinig kami ng malakas na sigaw 'di kalayuan sa mansyon. Sa tingin ko ay sa gubat nanggaling ang sigaw. May nangyari kaya?

THIRD PERSON

Nagkatinginan si Sherria at Vera at sabay na tumango sa isa't isa. Mabilis na tinungo nila ang ingay na kanilang narinig kani-kanina lamang.

Habang papalapit sila sa gubat ay palakas ng palakas ang pagtibok ng kanilang puso. Hindi na sinubukang sumunod ni Kiraiyah sa kadahilanang alam niya na kung anong nangyari.

Mabilis na lumapit si Vera sa babaeng takot na takot at nanginginig. "Anong nangyayari?" Tanong rito ni Vera habang yinuyugyog ang balikat ng babae.

May tinuro sa kabilang banda ang babae. "S-Someone, someone is dead!" Nangangalaiting sigaw nito. Nagsalubong ang kilay ni Vera at tinignan si Sherria saka ito sinenyasan na tignan ang tinutukoy ng babae.

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon