ARLVENA ZERIDA TURLEN
"Wait what? Sa inyo ba talaga ang papel na ito?" Pambungad na tanong ni Mira.
Sabay na napatango kaming tatlo sa kaniya. Imposible naman kasing para sa ibang tao ang papel na 'yan eh kitang kita ng two beautiful eyes ko ang pagbagsak ng papel sa mismong harapan namin.
"Sigurado ba talaga kayo?" Tanong niya pa uli, animo'y hindi ata naniniwala.
Napanguso ako at hinablot ang papel sa kamay niya. Kinuha ko ito at hinarap mismo sa mukha niya ang papel.
"Siguradong-sigurado ako! May nagsend talaga ng death threat sa'min! Imposible naman kasing para sa ibang tao 'yan eh alam mo namang matagal ng kinalimutan ang mga Reballious na 'yon." Saad ko.
Agad naman akong binatukan ni Mira na ikinasama ng timpla ng mukha ko. "Bakit kailangan pang mamatok?" Reklamo ko.
"Death threat agad 'yan sa tingin mo? Isang papel lang 'yan na may logic na nakalagay! Imposible namang isang death threat 'yan! Baka naman may gusto lang magprank sa'tin noh!" Iritadong wika niya.
Napahilamos ako ng mukha at padabog na umupo sa sofa. Hindi talaga siya naniniwala. Malamang death threat na 'yung papel na iyan may bahid ba naman ng dugo tapos may sabi-sabi pang worst nightmares daw namin sila. Ang galing naman ng nagpaprank na 'yon kung isa nga lang itong biro. Ang lansa-lansa pa nga ng papel eh.
"Alam kong matalino ka Mira pero minsan kasi may pagkashunga ka, alam mo ba 'yon? Sige nga! Patunayan mong isa lang 'yang prank. Sabihin mo nga kung sino ang maaaring magbigay sa'tin niyan? Wala pa naman tayong nakakaaway ah? Well, maliban sa mga taga ibang Academy at yun lang." May pagkasarkatismo kong sambit sa kaniya. Nakita ko naman ang mabagal niyang paglunok.
"Ang lansa-lansa na nga ng amoy ng dugo na pinansulat diyan tapos sasabihin mong prank lang 'yan. Hay nako! Ewan ko sayo Mira, may nangyari ba sa'yo these past days? Napapansin ko ang pagkalutang mo."
"W-Wala naman. Pagod lang siguro 'to, yeah. Pagod lang." sagot niya sabay iwas ng tingin sa akin. Grabeng pagod 'yan, nakakalutang na pala ng isipan.
"I think we need to report this to Nariah para mapaimbestigahan niya ang tungkol rito. Hindi magandang biro ang ganito. Malaki rin ang tiyansang nagbabalik na nga sila." Suhestiyon ni Vera. Tumango-tango naman ako. Maganda ngang ideya iyon, sigurado akong mahahanap kaagad ni Nariah kung sino man ang nagbigay nito.
"N-No! We musn't!" Napatingin kami bigla sa pagtaas ng boses ni Mira. Takang tumingin ako sa kaniya dahil sa inaakto niya ngayon.
"What do you mean we musn't?" Takang tanong sa kaniya ni Vera. Nanlaki naman ang mga mata niya at mabilis na umiling sa amin. She's really acting strange.
"H-Hindi dapat muna natin sabihin kay Nariah habang hindi pa tayo sigurado.. kung para sa atin nga ang mensahe sa papel na iyan." Nauutal niyang sambit. Napataas ang kilay ko at lumapit sa kaniya.
"Sigurado na kaming tatlo na para sa atin nga ang mensaheng iyan. Ikaw lang naman ang hindi pa sigurado." Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Nariah is the head council, nararapat lang na sabihin natin sa kaniya ang nangyari sa aming tatlo. Saang parte pa ba ng mensaheng ito hindi ka sigurado?"
"H-Hindi ba't maraming inaasikaso ngayon si Nariah dahil sa biglaang pagkawala ng mga supply sa iba't ibang bayan. Kung isisingit pa natin ang tungkol sa letter na iyan, hindi ba't makakaabala lang tayo?"
Bahagyang natigilan ako sa sinabi niya. Napakagat ako ng labi at napaisip. Medyo tama nga ang punto niya pero kasi baka makatulong ang papel na iyon para sa pag-iimbestiga ni Nariah sa mga Reballious. Ngunit sigurado na nga ba kaming sila nga ang nagbigay nito sa amin? Paano kung sa ibang tao pala talaga iyon dahil tinatangay ng hangin ang papel kanina baka aksidente lang itong bumagsak sa harapan namin.
BINABASA MO ANG
The Unknown Rebels
Fantasy[CLANNERS 03] It's been years since the disappearance of Raiko, the Captain of Origin Clanners. It's also been years since the war ended. The Sinners finally rest in peace but how about the members of Origin Clanners? "I never imagined things would...