CHAPTER 31

350 20 5
                                    

VERA KLAIRE NYMPSON

"We're back," masayang anunsyo ni Herkus.

Nakatingin lang kami sa kanila at hindi nagsalita.

"Welcome back," tinatamad kong sagot. Ilang araw na akong walang tulog dahil sa paghahanap ng bwisit na impormasyon na 'yan.

Pero sa wakas ay binigyan muna kami ni Nariah ng rest day. Pwede pa naman daw sa ibang araw ipagpatuloy yung mga nasimulan namin. Ang mahalaga ay makapagpahinga kami at makapag-enjoy dahil sa mga taong nakalipas ay minsan nalang kami magkaroon ng pahinga dahil sa sobrang pagkabusy sa mga bagay-bagay.

"Nasaan sila Sterm? Diko pa sila nakikita." Takang tanong ni Sherria. Kumunot ang aking noo. Hindi pa ba nila alam? Akala ko may nagsabi na?

"Na-ambush sila. Hanggang ngayon wala parin kaming balita sa grupo nila." Sagot ni Perry.

"Huh? Eh bakit hindi niyo pa inaaksyunan?"

"Luh? Pinapahanap na namin sila. May mga kinailangan rin kaming gawin kaya hindi namin naaksyunan agad." Saad ko.

Tumalim ang tingin ni Sherria sa'kin. Oh my god! May sinabi ba akong mali?

"Mas mahalaga pa ba 'yung misyong ginagawa ninyo kaysa sa buhay ng mga kasamahan natin?" Bahagyang tumaas ang boses niya. Tila pumantig ang aking tenga sa narinig at mabilis na pumaharap sa kaniya. "Are you misunderstanding me? I mean, we also need to accomplish our own mission. Sterm and his team is strong." Depensa ko.

"Malakas nga sila pero may mga kahinaan parin sila! Kung naaksyunan niyo kaagad ay baka ngayon ay nandito na sila! Paano kung may nangyaring masama sa kanila?" Sigaw niya sa'kin. Nagsalubong ang aking kilay sa narinig.

Alam niya ba kung gaano kahirap ang ginawa namin mga nagdaang araw? I'm mentally tired right now, naiintindihan niya ba ang punto ko?

"Are you telling me not to trust their own powers? They can survive that, Sherria! For pete's sake, marami na tayong napagdaanan—"

"Pero kakaiba na ang sitwasyon natin ngayon! Malakas ang puwersa ng kalaban natin ngayon!" Putol niya sa sinabi ko.

"Oh great! Ako na masama ngayon!" Sarkatiskong saad ko.

"Wala akong sinabing ganyan! Ikaw ang nagsabi niyan sa sarili mo Vera. Ang problema kasi sayo, mas iniisip mo ang sarili mo kaysa sa mga kasamahan natin!"

Tinuro ko ang aking sarili. "So sinasabi mong makasarili ako? Pinapalaki mo lalo ang mga problemang dapat ay sinosolusyonan. Eto na nga diba? Kumikilos na kami kahit pagod na pagod kami. Pasensya na ha kung nahuli kami."

Ngumisi ako at lumingon sa kaniya. "Baka nakakalimutan mong makasarili ka din. Ilang taon mong kinamuhian ang sarili mong anak at ginagawang excuse ang sarili mo."

Wala pang isang segundo ay itinulak niya ako sa pader at sinakal. Napahawak ako rito at pilit tinatanggal ang madiing pagkakahawak niya sa akin.

"Don't bring up my past mistakes!" May diin niyang sabi. Ngumiti ako. "At huwag mo ring kinukwestyon ang pamamaraan namin." Sagot ko sa kaniya pabalik.

Bago pa ako atakihin ni Sherria ay inilayo na siya ni Perry at Shean sa akin. Napaubo ako at napahawak sa aking leeg. Ang sakit ng pagkakasakal niya. Napapikit ako ng sumigaw-sigaw pa si Sherria.

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon