CHAPTER 08

491 25 2
                                    

VERA KLAIRE NYMPSON

"Panget 'yan! Huwag 'yan! Ang ganda-ganda mong tao tapos pipili ka lang ng baduy na damit?"

Napangiwi ako sa mga pinagsasabi ni Arlvena kanina pa. Nandito kami sa Capital kasama si Kiraiyah para mamili ng mga kung ano-ano. Nagyaya kasi bigla si Arlvena na mamasyal ngayon kumbaga bonding daw naming tatlo. Kaming tatlo lang naman kasi ang hindi busy ngayon kaya nagsama-sama na kami.

"Maganda 'tong isang 'to." Turo ko sa isang knee length blouson dress na kulay puti. Nakita ko ang pag-irap ni Arlvena sa'kin.

"Hindi bagay kay Kiraiyah 'yan! Hindi masyadong matangkad si Kira baka magmukha lang siyang maliit diyan!" Reklamong saad ni Arlvena. Ang judgemental naman ng babaeng ito pagdating sa mga damit.

"May natipuhan ka na bang damit, Kira?" Tanong ko sa kaniya pero napanguso lang siya at umiling.

"Hindi ko po tipo ang pagsusuot ng mga dress." Mahinang sagot niya na ikinatango-tango ko. Sabagay, ang mga suot palagi ni Kiraiyah ay palda at blouse ni hindi ko nga siya ata nakitang magshort o magpantalon.

Bumaling ako kay Arlvena. "Oh, hindi naman pala siya mahilig magsuot ng dress kaya bakit nandito pa tayo?" Tanong ko sa kaniya.

Nakapameywang na tumingin sa'min si Arlvena. "Minsan kasi kailangan rin natin ng change of fashion sense! Palibhasa kasi ikaw Vera puro mga itim o pula ang mga sinusuot mong damit!" Pumaikot pa siya sa harapan ko. "Ayaw mo akong gayahin, ang ganda ganda ko oh!" Pagmamayabang niya.

Napasapo nalang ako ng noo nang hilahin niya kaming dalawa ni Kiraiyah.

"Hala ang ganda nento!" May kinuhang kung ano si Arlvena sa mga hilerang damit at maya-maya lamang ay may hawak na siyang dress na kulay pink.

"Ano 'yan?" Tanong ko sa kaniya.

"Ang ganda diba? Ang tawag daw dito ay strawberry midi dress, tiyak na babagay sa iyo ito Kiraiyah! Kulay pink pa naman ang buhok mo, o diba babagay 'yan sayo!" Natutuwang aniya habang itinatapat niya sa katawan ni Kira ang damit na nakita niya.

"P-Pero—" hindi na siya pinatuloy ni Arlvena sa kaniyang sasabihin nang hilahin niya ito papasok sa isang dressing room. Talaga naman.

Napasimangot ako nang malaman kong ako lang palang mag-isa ang naiwan dito kasama si Anastasius na alaga ni Arlvena. Tahimik lang ito sa braso ko na natutulog, ginawa pa akong yaya nito.

"Finished!" Inangat ko ang aking tingin at napangiti ng lumabas si Kiraiyah na suot ang dress habang si Arlvena naman ay nakahawak sa mga braso niya.

"Oh ang ganda diba!" Naglakad pa sa harapan namin si Arlvena at umikot na para bang isa siyang prinsesa. "Siyempre ako pumili! Kaya trust me! Don't ever hesitate kung hindi niyo alam ang isusuot ninyo. Consult it with me, ako lang 'to na maganda at maasahan!" Pagmamayabang niya na ikinatawa nalang namin.

Pumunta ako kay Kiraiyah at inakbayan ito. "You're beautiful, Kiraiyah but I'm more beautiful." Napahagikhik nalang kaming dalawa.

"Ako na magbabayad ng damit mo Kiraiyah. I got you girl! You're my baby sister now." Kumindat pa siya at pumunta na ng counter.

Napailing nalang ako sa kayabangan niya. "Baby sister daw eh alam naman nating mas matanda ka pa sa babaeng 'yon. Hayaan mo nalang siya sa mga kabaliwan niya, mas masaya siya 'don." Saad ko kay Kiraiyah na ikinatawa niya nalang ng mahina.

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon