CHAPTER 11

401 22 0
                                    

THIRD PERSON

Dalawang linggo na ang nakalipas nang mangyari ang pag-atake kay Sherria. Bumalik narin ulit ang lahat sa dati ngunit hindi ang samahan ng Origin Clanners.

Busy man sa kani-kanilang mga gawain, napapansin na ni Mira ang pagkakalayo ng mga bawat miyembro. Hindi na sila gaanong nagkakausap-usap, para ng may mga sariling mundo ang mga ito.

Nababahala narin si Vera rito at pansin rin niya ang tensyong namamagitan sa kanilang grupo. Gusto man niyang konsultahin ang mga kaibigan ngunit nagdadalawang-isip siya kung papakinggan ba siya ng mga ito. Si Raiko lang daw kasi ang may kakayahang ayusin ang grupo katulad ng dati.

Si Nariah naman ay katulad ng nakasanayan, babad siya sa kaniyang trabaho kaya hindi niya na napapansin ang kakaiba sa mga kaibigan niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin niya malaman kung sino ang nagtatraydor sa kanila at kung sino ang umatake kay Sherria.

Halos hindi na lumalabas ng opisina si Nariah. Bawat araw kasi ang lumipas ay parami na ng parami ang mga problemang dumadagdag. Isang beses nga ay nahimatay pa siya dahil sa sobrang pagod. Ayaw niyang aminin sa sarili niya na kailangan niya ng tulong dahil para sa kaniya, kaya niya na ang sarili niya. Wala raw siyang oras magpakita ng kahinaan lalo na sa mga kaibigan niya.

She needs to be their source of strength.

"A sudden attack in Cretorven Region?" Basa niya sa isang dokumentong hawak niya.

Tinawag niya si Kiraiyah na kaniyang assistant at pinapasok sa kaniyang opisina.

Binigay ni Nariah ang dokumentong iyon kay Kiraiyah at umupo sa harapan nito.

"What is this sudden attack? Nalaman na ba kung sino ang umatake? Anong klaseng atake ang nangyari sa central?" Sunod-sunod niyang tanong sa kaniyang assistant.

"Base sa report po sa'kin kanina ay it's still unknown parin po. Hindi nila malaman kung sino ang umatake sa central pero alam nila kung anong atake ang ginawa." Anito saka may tinurong kung ano sa dokumentong hawak.

"Here, it's a curse magic. Tumama ito sa pinakagitnang bahagi ng Cretorven na siyang nagresulta sa pagsabog nito. Maraming tao ang nasugatan at mayroon ding namatay. Nireport ng isang healer na hindi pangkaraniwan ang atakeng ginawang iyon. Nagreresulta daw ito ng pagkabalisa ng isang tao sa loob ng dalawampu't apat na oras at kapag hindi ito naagapan ay magiging abo ang buong katawan nito." Mahabang paliwanag niya na ikinatango ni Nariah.

"Curse magic? Do you know a few informations about that magic?"

"Yes, I do know about that. Matagal ng hindi nababanggit ang mahikang iyan. Alam na alam ko ang tungkol diyan dahil mismong ako ay mayroong sumpa. At isa lang ang maaari nating maging konklusyon.."

"Ang Reballious ang nagpasimula ng pagsabog na iyon sa Cretorven. Nasisiguro ko iyon, lalo na't nag-iiwan sila ng marka sa mga taong nasusumpa nila. Isa rin sa mga report ang kakaibang marka na nasa katawan ng mga natamaan ng pagsabog kahapon. Nagsisimula na nga silang gumalaw." Saad nito kay Nariah habang nakakuyom ang dalawang kamay.

"You mean, the members of Reballious possessed a curse magic?" Tanong ni Nariah.

Agad na umiling si Kiraiyah. "Hindi ko po sigurado ang bagay na iyon, pero parang ganoon narin siguro. Bawat miyembro ay may kaakibat na kakaibang mahika. Mahikang mga matagal ng iwinaksi sa mundong ito." Saad niya.

"It's a big problem." Napahilamos ng mukha si Nariah at bigong napaupo. "Ni hindi ko pa nga nalalaman kung ano ang sanhi ng pagkawala ng mga supply sa iba't ibang bayan tapos panibagong problema nanaman ito." Napasapo siya sa kaniyang noo.

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon