CHAPTER 13

383 23 3
                                    

THIRD PERSON

Kinaumagahan ay pumunta si Kiraiyah sa isa sa mga forest ng Lumen Academy upang mamitas rito ng mga halaman na kakailanganin niya sa paggawa ng gamot.

Kanina niya pa napapansin ang mabigat na hanging dinadala ng gubat na iyon pero ipinagsawalang-bahala nalang niya dahil ang nasa isip-isip niya ay mawawala rin naman ito.

Habang pumipitas siya ng mga kakailanganing halaman sa paggawa ng gamot ay nakarinig siya ng mahinang kaluskos galing sa likod niya. Pinilit niyang itinuon ang atensyon sa ginagawa at ipinagsawalang-bahala ito. Muli nanaman siyang nakarinig ng kaluskos kaya naman ay napahinga siya ng malalim at umiling-iling.

"Imahinasyon mo lang 'yon, Kiraiyah." Bulong niya sa kaniyang sarili.

Nagpatuloy siya sa kaniyang ginagawa ngunit habang palipas ng palipas ang bawat segundo ay palakas naman ng palakas ang kaluskos na kaniyang naririnig. Nawalan na siya ng pasensya at padabog na tumayo saka lumingon sa kaniyang likod at unti-unting naglakad sa ingay na pinanggagalingan ng kaluskos.

Hinawi niya ang mahahabang halaman na nakaharang sa kaniyang dinaraanan at dahan-dahang naglakad upang hindi makagawa ng ingay.

Muntikan na siyang mapasigaw ng may humila sa kaniya. Bigla na lamang nanlaki ang mga mata niya ng makita niya si Arlvena na hinihingal na nakasandal sa puno habang sinesenyasan siyang huwag mag-ingay. Pilit na sumunod si Kiraiyah kahit puro pagtataka ang nasa isipan niya.

Kumunot ang kaniyang noo ng makita ang buong kasuotan ni Arlvena. Nakanightgown kasi ang dalaga at may mga bakas pa ito ng mga dumi dahil siguro sa dumi ng paligid rito sa gubat. Nagkasalubong ang kaniyang mga kilay ng mapansing nakapaa lamang si Arlvena, marumi na ang mga paa nito at may sugat-sugat rin.

"A-Anong nangyari sa iyo?" Bulong at nagtatakang tanong ni Kiraiyah. Napakagat lamang ng ibabang labi si Arlvena at umiling. "Wala lang ito, hinahanap ko kasi ang alaga kong si Anastasius." simpleng sagot nito.

Pero bakit kailangan pa naming magtago? Tanong ni Kiraiyah sa kaniyang isipan.

"Edi lumabas na tayo rito." Suhestiyon ni Kiraiyah. Agad namang hinawakan ni Arlvena ang braso ni Kiraiyah at umiling rito. "Huwag, nagtatago-taguan kami ni Anastasius. Hahanapin niya ako habang ako naman ay magtatago kasama ka."

Pero kakasabi niya lang na hinahanap niya si Anastasius. Dagdag na tanong ulit sa isipan ni Kiraiyah.

"P-Pero bakit ganyan ang itsura mo? Gulo-gulo ang buhok mo tapos pinagpapawisan karin ng sobra. May nangyayari bang hindi ko alam?"

Tinignan lang siya ni Arlvena at ngumiti ito. "Wala, wala kang dapat alalahanin at wala ring nangyayaring kung ano. Nagtatago-taguan lang talaga kami."

Malakas ang tibok ng puso ni Kiraiyah, hindi niya alam kung bakit ganito nalang makareact ang kaniyang sarili. Nanginginig rin ang dalawa niyang kamay dahil sa kabang nararamdaman.

Sumilip pa muli si Arlvena sa kanilang likod at maya-maya ay napahinga na ito ng maluwag.

"Okay na, pwede na tayong lumabas." Nakangiting ani Arlvena.

"P-Pero hindi pa diba tayo nahahanap ni Anastasius?" Inosenteng tanong ni Kiraiyah. "Hindi niya na tayo hinahanap, napagod siguro. Hayaan mo nalang 'yon baka umuwi na, hehe."

Nakaramdam ng lungkot si Kiraiyah. Hindi niya alam pero ang makita ang nakangiting si Arlvena na para bang walang tinatago at walang kinatatakutan ay para bang nasasaktan siya para dito. Alam niyang may mali pero hindi niya matunton kung ano iyon, basta alam niyang may mali, iyon na 'yon.

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon