CHAPTER 29

349 21 3
                                    

NARIAH RIYE VELNIROÑIA

Kinuyom ko ang aking mga kamay. Nalaman kong nagkaroon ng ambush sa team nila Mira. Hindi namin sila matrack ngayon dahil parang may mahikang nagpipigil na madetect namin ang mga presensiya nila.

I hope they're okay.

Napairap ako at napatakip ng tenga. Kanina pa ako naririndi kay Perry. Todo ang pag-aalala niya kay Mira na baka napano na raw ito lalo na't wala pa naman daw siya sa tabi niya.

"May balita na ba sa team nila Mira?" Nag-aalalang tanong ni Vera na ikinailing ko.

"Ano na kaya nangyayari sa kanila ngayon?"

Kanina pa pabalik-balik si Vera dahil pati siya ay nag-aalala sa sitwasyon ng apat. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili na maayos lang sila pero diko parin talaga magawa. Dahil pati ako ay nag-aalala.

"How about the team of Raiko?" Tanong ko kay Vera. Napatigil siya sa kaniyang ginagawa at ngumiti sa'kin. "Nagawa nilang mahingi ang tulong ng headmaster ng Solar Academy. Hindi pa daw sila makakauwi dahil may kakailanganin pa raw silang gawin."

"What a relief," ani ko.

"Sa tingin ko ay kailangan rin muna nating magfocus sa ginagawa natin. Kailangan na nating puntahan si Keiro para malaman na natin ang nilalaman ng librong ito." Suhestiyon ni Vera habang hinahawakan ang libro. Sumang-ayon ako sa kaniya.

"Pero paano naman sila Mira?" Nakabusangot na tanong ni Perry. Sinamaan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay. "They are not that weak, Perry. I know they can survive that. You have to trust them." May diin kong sabi. Napilitan siyang tumango at sumang-ayon.

"We have to focus on our own mission. We need to find out what's in that book and why Relaigh have to write that book." Turo ko sa librong hawak ni Vera.

My little one, hide and don't let them find you.

We will play hide and seek, they are the seekers and you are the one who will be their target. They will seek you so RUN!

Forgive me my little one, I failed.

The curse, the sinners and the rebels. It is all connected to you...

FOR YOU ARE THE ONE THEY ARE HIDING FOR.

(Flashback from Chapter 34 of Lumen Academy.)

Napapikit ako ng mariin ng sumakit bigla ang ulo ko. Para bang pinipiga ito sa sakit. Napahawak ako sa dingding, parang umiikot ang paligid. Nahihilo ata ako.

"Hala! Okay ka lang ba Nariah? May masakit ba sayo?" Umiling ako. Inalalayan ako ni Vera sa pag-upo at inabutan ako ng tubig. "Nako ka! Ano bang nangyayari sayo? Pinapakaba mo ba ako ah!"

Pilit akong ngumiti sa kaniya. Kaninong boses ang narinig ko sa utak ko kanina? Is it a fragment of my memory or is there someone who is talking to my mind?

Parehas na parehas rin kasi ang mga salitang sinabi ng lalaking iyon sa utak ko nung nasa isla pa kami ng Cristoire. Bakit ko kaya ulit narinig ito?

"Pwedeng kayo nalang muna ni Perry ang sumundo kay Keiro? I will wait here."

"Pero paano ka?" Alalang tanong ni Vera. I smiled. "I can take care of myself. Dito natin gagawin ang pagpapahid ng dugo ni Keiro."

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon