VERA KLAIRE NYMPSON
"How's Sherria?" Tanong ko kay Sterm na kakalabas lang ng silid.
"She's fine now. Mabuti nalang at naagapan agad kung hindi.. baka nawala na siya ng maaga sa'kin." Mahinang sambit niya. Napakagat ako ng ibabang labi, patuloy parin ang imbestigasyon sa nangyari kanina kay Sherria. Hihintayin nalang namin siyang magising para mahingi ang testimony niya.
Napabuga ako ng hangin. Hanggang ngayon ay nababahala parin ako sa mga sinabi ni Arlvena sa'kin kanina. May magtatraydor ba talaga sa grupo namin? Kasi kung ako ang tatanungin ay mukhang malabong may magtraydor sa'min gawa ng marami na kaming mga pinagsamahan.
Pero paano kung meron nga? Hindi ko maimagine sa miyembro ng Origin Clanners ang pagtatraydor kahit na sabihin pa nating may rason parin ito. Kahit na may malalim na rason ang taong iyon, hindi parin mawawala sa isipan ko na nagtraydor parin siya na sinira parin niya ang tiwalang binigay namin ng buo sa kaniya. Balewala ang mga rason niyang iyon kung tiwala rin naman ang mawawala at ang pinagsamahan ang maipapalit.
Then who? Who is the traitor? Sino ang nagpapanggap ngayon?
Napahilamos ako ng mukha. Mukhang lalala ang trust issues ko nento. Mahirap pa naman magbigay ng buong tiwala sa isang tao, masasayang lang ito kung pagtatraydor lang din pala ang kapalit.
Traydor. Traydor. Traydor.
Iyan lang ang nasa isip ko ngayon wala ng iba. Hindi ko nga napansin na kanina pa pala ako kinakausap ni Shean pero heto ako ngayon at tulala sa kawalan.
"Are you listening, Vera?" Mabilis akong napaayos ng upo ng mabahid ko ang pagkaseryoso sa boses niya. Madalas kasi ay kalmado lang ito.
"S-Siguro?" Walang kwenta kong sagot.
Tinaasan niya ako ng kilay at maya-maya ay inirapan ako. Aba! Nang-iirap pa ang isang ito! Kung hindi ko lang lover ang isang ito baka matagal ko na 'tong nasapok.
"Yeah, I see. You're listening." May diing sambit niya na ikinangiti ko nalang. May bahid ba naman ng sarkasismo ang salita niya, mas mabuti kung manahimik nalang ako.
"She's awake." Napatingin kaming lahat sa isang healer na kakalabas lang ng silid ni Sherria. Tinanguan namin siya at nagsitayuan.
"Pwede na po ba namin siya mabisita?" Tanong ko rito.
Ngumiti siya ng matamis. "Pwede na. Nakapagpahinga narin naman ng maayos ang pasyente." Sabi niya bago naglakad palayo.
Nagtinginan kaming lahat at nagsitanguan. Pinasok na namin ang silid ni Sherria at bumungad sa'min ang nakatulalang Sherria.
Umupo ako sa upuan at pinanood si Sterm na lumapit sa kaniya at yinakap siya pero hindi naman ito tinugunan ni Sherria.
Umupo sa upuang katabi ng kama si Sterm at hinawakan ang mga kamay ni Sherria. "Hey, how are you feeling? May masakit ba sayo? Is there something you want? Tell me, I'm going to buy it." Mahina at malambing na wika nito pero nanatiling nakatulala lang si Sherria.
"It's okay if you don't want to talk to me, I understand. But please don't hesitate to tell me if you're hurt." Dagdag pa nito.
Napabuntong hininga nalang ako. Hindi man lang tinapunan ni Sherria ng tingin si Sterm kahit isang beses lang.
I guess she's still affected of what happened to her.
"Hirap naman makalanghap ng hangin dito. Ang bigat ng tensyon sa room na 'to ah." Rinig kong bulong ni Perry. Sinamaan lang siya ng tingin ni Verto. Speaking of Verto, asan na kaya si Arlvena? Hindi parin siya dumadating.
BINABASA MO ANG
The Unknown Rebels
Fantasy[CLANNERS 03] It's been years since the disappearance of Raiko, the Captain of Origin Clanners. It's also been years since the war ended. The Sinners finally rest in peace but how about the members of Origin Clanners? "I never imagined things would...