CHAPTER 23

386 24 0
                                    

VERA KLAIRE NYMPSON

"Ang boring ng buhay, wala man lang bang thrill?" Ngusong sambit ko. Kanina pa ako nakatulala sa kawalan, halos wala na akong ginagawa kundi ang tumulala at mag-intay ng mangyayari.

Kaming tatlo lang nina Verto at Shean ang nandito sa Mansion. Umagang-umaga pero wala ang mga tao rito. Hindi ko alam kung saan sila mga nagpunta. Edi sila na 'tong may mga pinagkakaabalahan.

"Nagbalik na pala si Captain?" Patanong na sabi ni Verto sa'min. "Oo, kahapon pa. Bakit? Ngayon mo lang ba nalaman?" Sagot ko rito.

"Yeah, kahapon pa ako nakatambay dito sa Mansyon pero hindi ko naman siya nakita rito ah? Nasaan 'yon?"

Napangiti ako ng palihim. Ah, kaya pala. Para-paraan din itong si Captain. Imbes na magpahinga at pumunta sa kwarto niya, kay Nariah talaga pumunta. Ang lalaking iyon talaga.

Napapikit ako at napabuntong hininga. I want to go back to being a student again. Mas may thrill parin pala talaga ang mag-aral kaysa ang magtrabaho. Napakadaming ginagawa at nakakapagod rin kaya iyon! Akalain mo 'yon? Nakayanan kong magpabalik-balik sa limang bayan sa iisang araw lang, makumpleto lang ang report na in-assign sa akin ni Nariah.

Grabe rin ang isang 'yon kung magbigay ng mga gagawin.

Nakaramdam ako bigla ng uhaw kaya tatayo sana ako ng biglang sumakit ang ulo ko. Napaupo agad ako at napahawak rito, ang aga-aga may gustong makipag mind link sa akin—ay sa amin pala dahil nakita ko ring namilipit sa sakit si Verto at Shean.

Sino naman kaya ito?

"Vera, Shean, and Verto. Come to the Head Council's Office." Utos ni Captain bago tinanggal ulit ang mind link. Napatingin kami sa isa't isa. Bakit naman kaya kami kailangang tatlo? May nagawa kaya kami? Pero bakit si Captain ang nag-utos sa amin? May kailangan kaya siya? Nasaan ba si Nariah?

Ugh, ka-frustate!

Ginamit namin ang kakayahan ni Verto na gumawa ng portal saka pumasok rito. Maya-maya lang ay bumungad sa'min ang hallway at makikita sa kaduluhan nito ang isang malaking pinto na may nakalagay na 'Head Council'.

Nauna na akong maglakad saka kumatok sa pinto. Awtomatiko naman itong bumukas kaya pumasok ako at bumungad sa'min si Captain na naka-salamin habang may hawak na mga papel. Magulo ang buhok nito at may kape sa harapan niya. Habang si Nariah naman ay prenteng natutulog sa sofa. Tumikhim ako na ikinaagaw ng atensyon ni Captain. Sinenyasan niya kaming maupo sa isang bakanteng upuan na agad naman naming sinunod. Mahirap na kung 'di kami sumunod sa kaniya.

"So... why did you called us?" Tanong ni Shean habang pinagmamasdan ang ginagawa nito. Saglit niya lang kaming tinapunan ng tingin at binalik rin ang tingin sa mga papel. "I want to give you a mission." Aniya.

"A mission?"

"Yes, a mission where you'll be needing to get information from someone."

Nagtaka ako. "Who's this someone? And what information do we need to get?" Napaupo ako ng maayos ng diretso niya akong tignan. "You know this person well, Vera. And I'm 100 percent sure that you'll be able to get the information from that person." Sagot niya.

"A person I know very well? Sino naman?"

"Eoryeon Aschiel Nympson, your father."

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon