CHAPTER 05

477 33 1
                                    

VERA KLAIRE NYMPSON

Nakabantay lang ako dito sa tabi ni Nariah habang natutulog siya. Ako na ang nagvolunteer na magbantay sa kaniya habang ang iba naman ay aasikasuhin muna ang mga naiwang gawain ni Nariah sa council.

Napatingin ako sa kaniya at nangingilid nanaman ang luha sa aking mga mata. "Gosh." Tumingala ako upang pigilan ang mga luhang dapat ay lalabas sana at napasinghot narin.

This woman, hurting herself just because she wants to he numb in pain.

Did he showed up? Nagpakita na kaya siya?

Napailing nalang ako. Siguro nga ay baka nagpakita na siya pero ano naman kaya ang sinabi niya kay Nariah? Kahit kailan talaga hindi ko malaman-laman kung anong iniisip ni Captain.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at nilibot ang kwarto ni Nariah dito sa mansyon. Dito muna kami sa mansyon magiistay ni Shean habang hindi pa maayos ang kalagayan ni Nariah saka hindi pa naman kami nagkakaroon ng sariling bahay gawa ng hindi pa naman kami kasal or engaged.

Hindi naman ako nagmamadali hehe.

Nanliit ang aking mga mata nang may makita ako kung ano sa mini table ni Nariah. Pumunta ako roon at tinignan ang bagay na iyon para makasigurado.

"Ang ganda," mahinang sambit ko habang tinitignan ang isang locket necklace na kulay ginto. Heart-shaped ang locket na ito kaya naman ay maya-maya ay binuksan ko ito at nagulat ako sa nakita kong picture sa loob.

Picture ito ni Nariah na nakangiti habang may tinitignan. Ganito pala ngumiti ang isang Nariah, it's so pure. Nakatanggal ang hood nito at nakangiti ng matamis.

Grabe ang ganda!

Sinarado ko na ang locket pero agad din akong napatigil nang may marealize ako habang hawak ko ang locket necklace na ito.

Natigilan ako ng may maalala akong isang pangyayari noong nasa Lumen Academy pa kami at nag-aaral.

Naalala kong nakasabay ko si Captain sa Jewelry shop, balak ko kasing bumili ng bagong kwintas para sa akin dahil nasira ni Shean yung dati kong kwintas na bigay pa sa akin ni ama noon kaya ngayon ay susubukan kong maghanap ng tulad no'n at kung wala namang ganon edi ipapaayos ko nalang.

"Oy captain! Nandito ka pala!" Gulat na tanong ko rito. Napansin ko naman ang pagkataranta niya.

"Uhm, what are you doing here?" Tanong niya habang pinagpapawisan.

"Ah? Malamang bibili rito. Ano bang ginagawa sa isang jewelry shop? Anong akala mo sa'kin magtitinda rito?" Masungit kong sagot sa walang kwenta niyang tanong.

Sinamaan niya lang ako ng tingin na sinuklian ko lang ng sobrang tamis na ngiti.

"Bibili ka rito? Ano namang bibilhin mo rito Captain? Para ba 'yan sa mother mo?" Sunod-sunod kong tanong rito na ikinaiwas niya ng tingin.

"Omy! Huwag mong sabihing para kay Nariah yung bibilhi—" bigla na lamang niya tinakpan ang bibig ko at sinenyasan na huwag mag-ingay.

Iritadong inalis ko ang kamay niya sa bibig ko at sumipol pa ako. "Nako! Pag-ibig nga naman!" Pang-aasar ko na ikinapula ng pisngi niya.

"Just shut up." He hissed. Napatawa naman ako ng mahina. "Don't tell it to her. I want to be the one who will tell her."

"Tell her what?" Tanong ko.

"You don't have to know." He coldly said. Napanguso naman ako, akala niya ba sasabihin ko kay Nariah 'yon? Ni hindi nga ako nakikialam ng mga lovelife ng mga tao rito.

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon