CHAPTER 03

526 35 7
                                    

NARIAH RIYE VELNIROÑIA

"You looked handsome." I compliment to the kid infront of me. Nanlaki ang mga bilugan niyang mata at umiwas ng tingin sa akin.

Napatawa ako dahil sa kinilos niya. Inaayusan ko ngayon si Keiro dahil bibisitahin namin ngayon si Mrs. Haruka. Nag-iintay rin sa baba sina Perry at Verto na akala ko ay nagbibiro lang kagabi.

Naging maayos ang pagtatapos ng party kagabi at doon rin sila mga natulog sa mansyon maliban nalang sa akin na umuwi na dahil naalala kong mag-isa nga lang pala si Keiro sa bahay na tinutuluyan namin.

"Are you okay na?" Malumanay kong tanong sa bata na ikinatango niya naman. Tumango ako at ngumiti ng matamis rito. "Then, let's go?"

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming bumaba sa hagdan ng bahay. Naabutan naming nagbabatuhan ng unan sina Perry na binalaan ko ng tingin na ikinatiklop naman nila.

"Uh, where's Arlvena and Mira?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Kunot noo nila akong tinignan at maya-maya ay sabay silang napanguso.

"Tulog parin sila hanggang ngayon." Sagot ni Verto na ikinatango ko nalang. Nalasing rin siguro ang dalawang iyon kagabi. Hindi ba naman sila tinantanan ni Vera at nagkaroon pa ng kompetansya ng paramihan ng maiinom.

"I'm going to create a portal para mapabilis ang punta natin doon." Tumango nalang ako sa sinabi niya at hinigpitan ang hawak kay Keiro. Napatingin ako sa paligid at napakagat ng ibabang labi tsaka alanganing tumingin sa kanila.

"Hindi kaya uulan ngayon?" Tanong ko.

"Makulimlim lang ang langit pero hindi pa naman siguro uulan. Bibisita lang naman tayo tsaka mabilis lang naman." Sagot ni Perry na ikinahinga ko ng maluwag.

I worried for nothing.

Nakagawa na ng malaking portal si Verto at isa-isa na kaming pumasok rito. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Keiro dahil baka mawala siya sa tabi ko. Mahirap na.

Pagkalabas namin ng portal ay bumungad sa amin ang tahimik na sementeryo. Malakas na hangin ang sumalubong sa amin at mahabang katahimikan ang namayani.

"Grabe kahit ilang beses na akong pumunta rito nakakakilabot parin." Napayakap si Perry kay Verto na kinaismid naman nito. "Yuck! huwag mo nga akong hawakan! Kadiri 'to."

Napailing nalang ako sa kabaliwan nilang dalawa.

"Where's Mom's grave?" Napatingin ako kay Keiro na nanginginig ng kaunti. Ito nga pala ang unang beses niyang pagbisita sa ganitong lugar.

Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at hinawakan ang kaniyang pisngi saka ito hinaplos. "Shall we go there?"

Tinuro ko sa kaniya ang kumikinang na puntod na pinalilibutan ng mga bulaklak. Kada buwan ay pinapalinis ko ang puntod na iyon upang hindi matakpan ang mga nakasulat rito.

Pinagmasdan ko si Keiro na unti-unting lumalapit sa puntod ng kaniyang ina. Maya-maya ay hinaplos niya ang larawang nasa ibabaw nito. Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang pangungulila at lungkot na siyang nagpakirot sa aking puso. Napakagat ako ng labi nang yakapin niya ito at mahinang humikbi.

"M-Mama.." his sobs filled the quiet place.

Napaiwas ako ng tingin. I want to find Raiko not just because I want him back but because I want him to take care of his brother. His brother always suffered quietly in pain and I don't want to see him like that. That's why I want to find Raiko as soon as possible and as I can.

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon