CHAPTER 22

409 27 58
                                    

HERKUS LAZARUS EPIFANIO

"Why did you do that?" Tanong sa'kin ni Kiraiyah. Kumunot ang aking noo. "The what?" Inosenteng tanong ko.

"You shouldn't do that. Ate Nariah is also having a hard time doing her work. Gusto kong makatulong sa kaniya habang kaya ko pa. She's the only person who I look up to and admire." Suway niya sa'kin. I pouted and look away to her.

"I just want you to have a rest. Puro trabaho nalang palagi pinagkakaabalahan mo. Kinalimutan mo na agad ako." Aniko.

"H-Hala! Hindi ah! Sinasanay ko kasi ang aking sarili at nagpapaturo kay Miss Lilith para maging isang magaling na herbalist ako. Gusto kong makatulong kahit papano." Sabi niya. "Then why are you not talking to me? Hinihintay kaya kitang pansinin mo ulit ako. You're always busy with your work that's why I understand you. But I'm still mad at you, you're not taking a rest. Do you know that it can ruin your health? Gusto mo nga maging herbalist pero ikaw itong hindi inaalagaan ang sarili." Napangiwi siya sa sinabi ko at napakamot pa siya ng batok.

"U-Uhm, hehe?" Awkward niyang sabi. Tinaasan ko siya ng kilay at sinamaan ng tingin. Nagulat ako ng kunin niya ang kamay ko at mahigpit ito hinawakan. "Pasensiya na kung hindi kita pinapansin nitong mga nakaraang taon. Nasa loob lang kasi ako ng office ni Ate Nariah palagi at minsan naman ay nasa greenhouse ako malapit sa headquarters ng Council kaya hindi nagkakatagpo ang landas natin. In order for me to be a herbalist, I need to work harder and study harder about medicines. Humihingi ulit ako ng tawad, Herkus." Sinsero niyang sabi na nagpakabog ng aking puso.

Napaiwas ako ng tingin at dahan-dahang tumango. "Tatanggapin ko lang 'yang sorry mo kung sasama ka sa'kin." Nakangising sambit ko. Nagsalubong ang kilay niya. "Huh? Saan naman?"

Kinuha ko ang kamay nito at hinigit ito. "In my promised land," sagot ko.

"A-Ano 'yo—" hindi ko na siya pinatuloy sa kaniyang pagsasalita dahil agad ko itong binuhat sa aking mga braso at mabilis na nagbigkas ng spell.

"Creation Type: Dimension!"

Sa isang iglap lang ay may lumitaw na pinto sa aming harapan. Binuksan ko ito saka pumasok habang buhat-buhat ko si Kiraiyah. Minulat ko ang aking mata at bumungad sa'kin ang napakaliwanag na lugar kung saan ang lahat ng mga nakikita namin rito ay tanging gawa lamang ng aking isipan gamit ang mahika kong creation.

Maingat na binaba ko si Kira saka ako pumunta sa kaniyang harapan at ngumiti.

"Welcome to my paradise! Where the things here are purely created by my mind." Masaya kong sambit.

Nakita ko ang pagkinang ng kaniyang mga mata at ang pagbuka ng kaniyang bibig, tila walang masabi dahil sa kagandahan ng lugar. Maliwanag ang lugar rito, parang langit dahil ang lupang tinatapakan namin ay puro ulap. May mga iba't ibang creatures ang nagsisiliparan sa lugar at sa pinakagitna nito ay may dalawang set ng bulaklak na tinatawag na poppy flower.

"Ano ang mga bulaklak na iyon?" Kuryoso niyang tanong habang papunta sa tinutukoy niyang mga bulaklak.

"Poppy ang tawag sa bulaklak na nakikita mo ngayon. They're beautiful right? Do you know that they symbolize peace and is used to represent everything from peace to death." Paliwanag ko.

"Pero bakit may dalawang nakalagay sa pinakagitna ng lugar na ito? Mayroon ba itong kahalagahan sa iyo?" Tanong niya pa ulit. Napangiti ako ng mapait at lumapit din sa mga bulaklak. Hinawakan ko ito at pinagmasdan. "Ang bulaklak na ito ay para sa mga yumao kong magulang." Marahan akong napatawa. "They don't have a proper grave that's why I made them this. This is the only thing that I can do for them as a son. Ito lang din naman ang naisip kong paraan para sa tuwing nararamdaman kong mag-isa lang ako ay pupunta ako rito at kakausapin sila kahit alam ko namang hindi nila ako naririnig." Mahinang sambit ko.

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon