VERTO LYNARD BELMONIA
Napaismid ako nang makita ko na umiiyak parin si Perry hanggang ngayon. Paminsan-minsa'y pinupunasan niya pa ang sipon niya sa jacket na suot ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa isang ito.
"Huy pre!" Napatingin ako sa kaniya nang tawagin niya ako. Tinaasan ko siya ng kilay at pinanliitan ng mata. "What?" Bagot kong tanong.
"Nakita mo si Nariah? Nawala nalang siya ng biglaan." Sagot niya na ikinatigil ko. Ano? Nawawala si Nariah? Saan naman nagpunta ang isang iyon?
Napakagat ako ng labi at tumingin sa kinaroroonan ni Keiro. Tumigil na siya sa pag-iyak at ngayon ay nakaupo nalang at nakatingin sa amin.
"Nasaan siya?" Mahinang tanong ko kay Perry. Nagkibit balikat lang siya at tumingin-tingin sa paligid.
Maya-maya nalang ay may biglang lumabas mula sa isang tagong gubat. Napatingin kami roon at doon ay nakita namin si Nariah na nakayuko at mabagal na naglalakad papunta rito.
"Nariah nandiyan kalang pala!" Perry shouted.
Mabagal na tumango lang sa kaniya si Nariah at hindi parin inaangat ang tingin sa amin. Is there some problem?
Kunot-noo ko lang siya tinignan. Natatakpan ng kulot niyang buhok ang mukha niya pero naririnig ko ang mahinang pagsinghot niya.
"S-Shall we go?" She stuttered.
Napatingin kami sa isa't isa ni Perry saka sinubukang lapitan si Nariah pero itinaas niya lang ang kaniyang kamay. "I-I'm fine, there's nothing to worry about kaya ko ang sarili ko."
Isinukbit niya ang bag niya at lumapit sa amin pero malaki naman ang distansya sa pagitan niya at namin. Hindi parin niya inaangat ang kaniyang mukha.
"W-Why are you still here? U-Umalis na tayo."
Dahan-dahan kaming napatango ni Perry, hahakbang na sana kami nang biglang lumapit si Keiro sa kaniya na ikinatalon niya sa gulat dahilan para umangat ang kaniyang mukha at makita namin ito.
Natuod kami sa aming kinatatayuan at gulat na nakatingin sa kaniya. Mugto ang kaniyang mga mata at parang namamaga pa ang labi nito habang ang mukha niya naman ay namumula na dahil siguro sa pag-iyak.
"Nariah.. may nangayari ba?" Seryosong tanong ni Perry na agad kinailing ni Nariah. Tumalikod siya sa amin at saglit at inayos ang mukha niya tskaa ulit siya humarap sa amin.
"O-Okay lang ako. Huwag na kayong mag-alala, umuwi na agad tayo." Mahinang sambit niya.
Umigting ang panga ni Perry at mabilis na pumunta sa harap ni Nariah saka niya ito marahas na pinaharap sa kaniya. Kinuha ko agad si Keiro at binuhat habang nakatingin sa kanila.
"Ang tanong ko ay kung may nangyari ba hindi kung ayos ka lang." mariing sambit ni Perry. Matalim ang mga mata nitong nakatingin kay Nariah habang si Nariah naman ay gulat parin sa nangyari.
Inalis niya ang mga kamay ni Perry sa kaniyang balikat at humarap sa amin.
"He showed up." walang emosyon niyang sagot. Nagsitaasan ang aking mga balahibo dahil sa kaniyang boses na napakalamig.
BINABASA MO ANG
The Unknown Rebels
Fantasy[CLANNERS 03] It's been years since the disappearance of Raiko, the Captain of Origin Clanners. It's also been years since the war ended. The Sinners finally rest in peace but how about the members of Origin Clanners? "I never imagined things would...