NARIAH RIYE VELNIROÑIA
Nakalipas ang ilang linggo ng mapayapa lang at walang masyadong kaguluhan ang nangyayari ngayon.
Kakatapos ko lang mag-ensayo ng aking mahika. Nakakabigla rin dahil bumabalik nanaman ang aking puting buhok. Ilang beses na akong nagpakulay ng buhok ngunit bumabalik lamang ito.
Nandito ako ngayon sa center ng Cretorven para magmuni-muni. Masyado na akong naiinip sa opisina ko. Wala naman ako masyadong trabaho kaya ayos lang ang maggala rito.
It's been weeks na'rin nung nawala si Perry ng parang bula. Kinuwento sa'kin ni Vera ang nangyari pero kahit mismo ako'y hindi naniniwala na magagawa iyon ni Perry.
Ang pagkawala niya ay parang pagpapatunay narin na totoo ang mga binibintang sa kaniya. Sinubukan ko na'rin siyang hanapin pero walang traces ang mga naiwan ng presensya niya.
Nagkukulong pa'rin sa sariling kwarto si Mira. Nagpaalam siya sa'kin na doon muna siya sa bahay niya tutuloy. Pumayag naman ako dahil baka ay kailangan niya munang mapag-isa.
Sumalubong sa akin sa daan ang mga mamayanan sa Capital.
"Good morning po!" Tumango ako.
"Magandang umaga, Lady Nariah!" Nginitian ko ito.
"Ang ganda natin ngayon ah!" Napangiti ako sa sinabi nito.
Tumigil ako sa aking paglalakad. Inangat ko ang aking tingin sa maliwanag na kalangitan. Sinubukan kong iharang ang aking kamay sa nakakasilaw nitong liwanag.
"How's your life there, Sister Katie?"
Napangiti ako ng mapait ng bumalik nanaman sa aking memorya ang mga nangyari.
Hindi ko na gusto ang mga nangyayari ngayon. Unti-unti na kaming nawawasak at nagkakahiwa-hiwalay. Natatakot ako na baka ay may mawala pa sa'min.
I don't want that!
Marami na ang sinakripisyo namin sa mundo na ito. Napakasama naman nito kung hindi pa kami bibigyan ng kapayapaan na hangad namin.
We only want a peaceful world where we don't have to worry in what may happen next.
"It's what you desire right... Arlvena?" It's such a shame. Hindi tayo ang nakakapagdesisyon ng ating kapalaran. Umpisa ng ipinanganak tayo sa mundo ay nakatatak na ang tadhana natin sa ating mga kaluluwa. Wala tayong takas.
Kapag sinuway natin ang kapalarang mayroon tayo ay paniguradong kamatayan ang kahahantungan natin.
Nagsimula na ulit akong maglakad at napangiti ng makakita ng isang restaurant para makainan.
Tumigil muna ako dito at naupo sa isang bakanteng upuan sa pinakadulo. Mukhang walang umuupo masyado roon.
Tinawag ko ang isang waiter at umorder ng isang corn soup at tubig. Malamig kasi ang simoy ng hangin sa umaga kaya gusto ko munang magpainit ng sikmura ngayon.
Tinapik-tapik ko ang aking mga daliri sa mesa habang naghihintay ng aking pagkain.
It's too bored...
BINABASA MO ANG
The Unknown Rebels
Fantasi[CLANNERS 03] It's been years since the disappearance of Raiko, the Captain of Origin Clanners. It's also been years since the war ended. The Sinners finally rest in peace but how about the members of Origin Clanners? "I never imagined things would...