CHAPTER 36

352 14 2
                                    

MIRA HERENA SHONEL

Nagbabasa ako ngayon ng libro tungkol sa mga tactics na pwedeng gamitin sa isang labanan.

I still need to be strong. Stronger than my sister and wiser than my father.

"Mira! Mira! May masamang balita ako!"

Napalingon kaagad ako sa aking likod at namataan ko si Vera na tumatakbo palapit sa akin. Taka ko siyang tinignan.

"What is it?"

Hinihingal siyang umupo sa upuang kaharap ko at kukunin na sana ang aking inumin pero agad niya itong ibinaba.

"S-Si Sherria! She went berserk!" Nanlaki ang  mga mata ko sa narinig.

"What? What do you mean?" Mabilis akong tumayo. "I-I mean how did that happened? Explain mo nga!" Naguguluhan kong sambit.

Bigla na lang lumitaw sa harapan namin si Verto mula sa isang portal saka niya kaming hinigit na dalawa papasok sa portal na iyon.

"Oh damn!"

"Tatamaan ka talaga sa'kin Verto!" Malakas na hiyaw ni Vera na ikinatakip ko ng aking mga tenga.

Mula sa portal ay bumagsak kami sa malamig na sahig.

"A-Aray..." napahawak ako sa aking balakang at hinilot-hilot ito.

Napapikit ako sa malakas na boses ni Vera. "Pwede ba? Kung magpapapasok ka sa portal mo magsabi ka naman ha?"

"Pasensya na... Kinakailangan eh..." ngiwing sambit ni Verto. Sasabunutan na sana siya ni Vera nang makarinig kaming sigaw sa isang kwarto na nagpatigil sa'min.

"Anong pinagsasabi mo?! Anong ibig niyong sabihin ha? Anong ibig niyong sabihin na malaki ang tiyansang hindi magising si Sherria?" Rinig kong sabi ni Sterm.

Natigilan kami.

Sa tingin ko ay kausap ni Sterm ang doktor ni Sherria.

"Parang kahapon lang ay gising na gising ang asawa ko! Kausap ko pa nga siya e! Anong ginawa niyo sa kaniya?"

"Pasensya na po... Tinutukoy pa po namin ang sanhi ng nangyari sa kaniya."

Napapikit ako ng makarinig ako ng mga gamit na pagkabasag.

"Sinasabi niyo bang basta nalang nangyari sa kaniya 'yan? Akala ko ba magagaling kayong mga healers? Bakit hindi niyo magawang malaman ang sanhi ng nangyari sa asawa ko?"

"That's because Sherria's senses shut down, right?" Rinig kong pagsingit ni Master Hiroshi.

"What do you mean?"

"Nagsarado ng kusa ang mga pandama ni Sherria kaya hindi siya magising ngayon. "

How did that happened? I asked in myself.

"I can't believe what I'm hearing right now!"

"There's a possibility she won't wake up again..."

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon