CHAPTER 17

390 22 0
                                    

VERA KLAIRE NYMPSON

Sinuyod ko ng buong tingin ang buong katawan niya. Bakit hindi ko mamukhaan sa kaniya si headmaster? Ang layo ng itsura nilang magkapatid!

"Magkapatid ba talaga kayo ni headmaster? Parang hindi kayo magkamukha e!" Kunot-noo kong tanong.

Mahina naman siyang napatawa na ikinanguso ko. Ayan nanaman tayo sa tawa niya e, nakakafall.

"Yes, magkapatid talaga kami. Sadyang nakuha ko lang ang itsura ng ina namin habang siya naman ay nakuha ang itsura ng aming ama." Malumanay niyang sagot.

Marunong kayang sumigaw ang taong ito o magalit man lang? Parang nakakabasag pinggan ang taong ito! He looks fragile.

"Hindi nga? Ilang taon ka na ba?" Walang respeto kong tanong.

"I'm only 34 years old." Nakangiti niyang sagot. Nanlalaking mata ko siyang tinignan at halos malaglag na ang panga ko sa pagkagulat. Seryoso ba siya?

Mukhang bata pa siya! 11 years age gap namin, sayang.

"Kung makatitig ka parang kinalimutan mo ng may Shean ka ah?" Napatikom ako ng bibig at napangiwi sa sinabi ni Nariah.

Hehe, oo nga pala nag-eexist si Shean.

"Sabi ko nga," nakangusong saad ko.

"You're Nariah, right?" Nilahad ni Master Hiroshi ang kaniyang kamay kay Nariah na agad naman nitong tinanggap at tumango. "Yes, I am."

"Marami na akong narinig ukol sayo. Mas maganda ka pala sa personal higit sa inaakala ko." Nahihiyang ngumiti nalang si Nariah sa kaniya.

"Uhm.." pagtawag pansin ko. "Alam niyo po ba ang tungkol sa misteryosong mahika na nasense dati rito? Saka bakit rin kayo nandito sa lugar na ito?"

"Nabanggit ba sa inyo ng headmaster na may misyong ipinagawa sa akin ang Council? Simula ng pagkasira ng samahan ng mga Council dati ay napalitan na ito ng bago at kayo iyon. Ngunit gusto ko parin ipagpatuloy ang misyong ibinigay sa akin ng head kahit na wala na ito." Aniya.

Nakuryoso naman ako. Naalala ko nga na may sinabi sa amin si headmaster tungkol sa misyong ibinigay ng head council kay Master Hiroshi, isa daw itong special mission. "Pero hindi po ba ay parang napakatagal niyo na pong ginagawa ang misyon na ibinigay sa iyo ng Council?"

Ngumiti siya. "Ngayon ay natapos na ang misyong ibinigay sa akin ng Council. Nagbabalik na ako ngayon upang ipagpatuloy ang naudlot kong gawain at iyon ay ang gabayan kayo sa lahat dahil iyon naman ang gawain ng isang master."

"Maaari ko po bang malaman ang tungkol sa misyong ibinigay sa inyo?" Singit na tanong ni Nariah. Tumingin sa kaniya si Master Hiroshi at lumapit saka inilagay ang daliri sa labi ni Nariah at umiling-iling.

"No, you can't. It's a special mission and the head council forbids me to tell the details of my mission."

Napa-ahh nalang ako sa sinabi niya. Medyo nagets ko naman talaga ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nandito siya ngayon. Of all places, dito pa talaga sa bayan ng Meritorious na matagal ng inabandona.

Napaunat ako ng likod. "So, ano ng balak nating gawin, Nariah?" Pabulong kong tanong sa kaniya. "We will continue our investigation." Aniya.

"You don't have to." Napalingon kaming dalawa ni Nariah sa kaniya ng may pagtataka. Anong you don't have to e kailangan namin ng mga impormasyon.

"Why naman?"

"Hindi niyo na kailangan dahil nagawa ko na. Naimbestigahan ko na ang lugar na ito, you can ask me questions. I'm ready to answer all of it." Nakangiting aniya.

The Unknown RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon